Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."

"Hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao. Hindi madali yung proseso. Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam. So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na it’s not easy," says Piolo Pascual about breakup with KC Concepcion.


Nasaksihan ng publiko ang labis na pagtangis ng aktres na si KC Concepcion dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahang si Piolo Pascual.

Ilang linggo ring naging usap-usapan ang umano’y pagtatapos ng kanilang relasyon, subalit kinumpirma lamang ito ni KC sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na ipinalabas kahapon, Nobyembre 27.

Pagtango lamang ang naisagot ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang tanungin siya kung hiwalay na sila ng singer-actor.

Hindi rin naging payak si KC sa kanyang sagot tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.

Sa halip, sinabi ng 26-year-old celebrity, "May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki.

"Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan siya.

"Pero let’s just say na lahat talaga kaya ko, lahat!

"Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya.

"Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun.

"Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.

"May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun tanggapin..."

Sa isang bahagi ng interview ay sinabi rin ni KC ang mga sumusunod:

"Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ [palayaw ni Piolo] na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon.

"Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.

"Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.

"And hindi...hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Diin pa ni KC, "PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read full article.)

PIOLO PASCUAL’S BRIEF RESPONSE . Dahil sa mga pahayag ni KC, marami ang nag-aabang ng reaksiyon naman ni Piolo.

Sinubukan ng TV Patrol na hingan ng pahayag ang aktor nang salubungin siya ng kanilang crew sa airport.

Kadarating lamang ni Piolo kanina, Nobyembre 28, mula sa isang concert sa Japan kasama ang ilang kapwa Star Magic talents.

Sa maiksing panayam, ito ang sinabi ni Piolo kaugnay ng mga pahayag ni KC:

"I don’t think I have anything else to say...

"You know, KC has said her piece so hayaan na lang natin.

"Hindi naman biro yung pinagdaanan naming dalawa.

"So hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao.

"Hindi madali yung proseso.

"Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam.

"So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na it’s not easy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN