Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz not yet back together, according to German Moreno

German Moreno on reported reconciliation of John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao (in photo): "Katulad ng sabi noon ni Shaina, hindi naman niya sinasarado yung posibilidad na maging okey sila ulit ni John Lloyd, lalo na’t pag nakita nito na nagbago na si John Lloyd. Pero hindi pa daw ngayon yun. Sa dami kasi ng pinagdaanan ni Shaina habang tumatakbo yung relasyon nila ni John Lloyd, hindi ganun kabilis na magdesisyon na okey na ulit. Bahala na daw an


Itinanggi ni German "Kuya Germs" Moreno ang report na nagkabalikan na diumano sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Nakita raw kasi ang dalawa na magkasamang nanood ng concert ni Jed Madela, at ng musical play na The Little Mermaid kunsaan tampok sina Rachelle Ann Go at Erik Santos.

Ayon sa kuwento ni Kuya Germs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nung makarating sa kanya ang balita, kaagad niyang tinanong si Shaina kung totoong magkasama nga sila ni John Lloyd at kung nagkabalikan na sila.

Pero mariin daw itong pinabulaanan ni Shaina sa kanya.

Si Kuya Germs ay malapit sa pamilya ni Shaina, na itinuturing na ring anak-anakan ng Master Showman.

Ang nakatatandang kapatid ng young actress na si Vina Morales ay miyembro noon ng youth-oriented show ni Kuya Germs na That’s Entertainment.

Ang isa naman nilang kapatid na si Sheila Magdayao ay asawa ng anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

Ayon kay Kuya Germs, "Ang dami nang nagtatanong sa akin tungkol diyan na kesyo nga daw nakitang magkasama si Shaina at John Lloyd, kaya naman marami ang nagsabi na baka nga daw nagkabalikan na yung dalawa.

"Yung iba tumatawag, yung iba naman text nang text.

"Kaya naman tinawagan ko kaagad si Shaina para itanong kung totoo bang nakitang magkasama na naman sila at kung nagkabalikan na sila [ni John Lloyd].

"Sabi sa akin ni Shaina, totoo nga daw na nagkasama sila, pero hindi lang naman daw sila.

"Marami daw sila na puro taga-ABS-CBN dahil may invitation sila na manonood ng Little Mermaid.

"Pero hindi naman daw porke’t sabay silang nanonood, e, may balikan na daw na nagaganap, dahil wala naman daw talaga.

"Yun ang sabi ni Shaina."

Dagdag pa ni Kuya Germs, "Kung sabagay, hindi naman siguro masamang mapagkikita silang magkasama dahil maganda naman at nakapag-usap naman sila bago naghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala rin namang masama kung maging magkaibigan sila ulit, di ba, dahil may pinagsamahan naman sila.

"Pansamantalang naghiwalay man ang kanilang landas, hindi naman nangangahulugang kailangang mag-away na sila o magkagalit sa isa’t isa."

TRYING TO WIN BACK SHAINA. Sinabi rin ni Kuya Germs sa PEP na gumagawa naman daw ng effort si John Lloyd para manumbalik muli ang magandang pagtitinginan nila ni Shaina.

Kuwento ng veteran TV host, "Tinanong ko nga si Shaina kung nagpaparamdam ba ulit si John Lloyd.

"Sabi nito nag-e-effort naman daw si John Lloyd, pero hindi naman daw kasi ganun kabilis yun na okey na sila kaagad.

"Gusto raw kasi ni Shaina na maramdaman na sincere at nagbabago na talaga si John Lloyd.

"Katulad ng sabi noon ni Shaina, hindi naman niya sinasarado yung posibilidad na maging okey sila ulit ni John Lloyd, lalo na’t pag nakita nito na nagbago na si John Lloyd.

"Pero hindi pa raw ngayon yun.

"Sa dami kasi ng pinagdaanan ni Shaina habang tumatakbo yung relasyon nila ni John Lloyd, hindi ganun kabilis na magdesisyon na okey na ulit.

"Bahala na raw ang panahon...kung magiging okey sila ulit, yun ang mangyayari.

"Pero kung hindi, hindi talaga sila para sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN