Young JV’s military dad supports his showbiz career

Young JV on his acting career: "Sa first acting ko sa Budoy, sobrang stiff po ng acting ko. Tinatawanan po ako ni Ge [Gerald]. Okey lang, parang kuya ko na siya. No’ng nag-movie ako, naging kumportable na ako. Mas kilala ko na yung mga cast, yung director. Mas masaya na siya—yung pag-a-acting ko."


Ang paglabas ng kanyang album na pinamagatang Young JV, Ready Or Not sa unang mga buwan ng 2012 ang magiging daan para makilala ang isang sumisikat na recording artist-TV actor na si Young JV.

Napapanood si JV sa ASAP Rocks at Budoy ng ABS-CBN. Kasali rin siya sa pelikulang Won’t Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Pero kokonti pa rin ang nakakaalam kung paano nagsimula sa showbiz si JV.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JV sa press launch ng kanyang album, ikinuwento niya ang kanyang simula sa showbiz.

Kuwento ni JV, "I started po sa ASAP XV last year, sa ABS-CBN po.

"They got me po bigla. Nag-form po sila ng group bigla.

"They texted me, ’Hey, we’re forming a group with Sam Concepcion, Nel [Gomez], and Jaco [Benin].’

"Dun na po nag-start."

Ang unang single niyang "That Girl" ang naging pasaporte ni JV para makatuntong sa ABS-CBN at maging talent dito.

"Nag-singing lang ako after high school. I’m more on rap-dancing po," sabi niya.

Sa career na tinatahak ni JV, marami ang nagsasabing baka maging magkaribal sila ni Sam Concepcion sa popularidad.

Ano ang reaksiyon ni JV dito?

"Well, same fan-based din kami, same kind of music. Pero iba-iba po kami ng style.

"I can tell na iba ang style ko sa kanya at wala akong kumpetisyon sa kanya.

"May respeto po talaga ako sa kanya."

MILITARY FAMILY. Galing sa isang military family si JV.

Ang ama niya ay isang colonel. Hindi raw natanggap noong una ng father niya ang pagiging rap artist-singer niya.

"Hindi talaga noong una.

"Pero after a year, siyempre wala siyang magagawa dahil ito ang mahal ko, kaya tinanggap naman niya."

Patuloy na kuwento ni JV, hindi siya nahirapang kumbinsihin ang tatay niyang tanggapin ang mundong pinasok niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, lucky nga, sobrang accepted niya ako, e.

"So, blessed po ako to have a dad like dad."

Pero hindi naman daw siya pinilit na magsundalo ng kanyang ama.

"Hindi nga, e. Actually, sabi niya, ’Follow what you want.’

"At first, ayaw niya. Gusto niyang mag-aral ako, tapusin ko muna...which is gagawin ko naman after siguro."

Bilang pagpapatunay na suportado si JV ng pamilya niya, lumabas sa kanyang music video na "Alay" ang mga magulang niya.

Kuwento pa niya, "Okey lang sa kanila. Yung dad ko, game naman siya, wala naman siyang ginagawa.

"Instead na iinom lang sa bahay, e, di sama ka na lang para mas masaya."

PROUD OF HIS ABS. Proud si JV sa kanyang abs kaya naman hindi raw imposibleng rumampa siya sa Cosmo Bachelor Bash.

"Sa Cosmo next year. Abangan na lang po ninyo," nakangiti niyang pagbabalita.

Tiniyak ni JV na hindi magpu-protesta sa kanyang gagawing pagpapa-sexy ang kanyang militar na ama.

"Wala naman siyang paki!" saka natawa sa sinabi.

"Kidding aside, open naman sila.

"Basta bilin nila, galingan ko lang ang ginagawa ko; do my best."

Bilib nga raw si JV sa kanyang tatay dahil sa pagiging cool dad nito.

"He is! Hindi siya istrikto kapag mami-meet ny’o siya. Ibang side siya.

"Kung mag-alaga lang siya sa akin, sobrang istrikto siya.

"Pero nung bata ako, nakaranas rin ako ng military discipline sa kanya—squat, face the wall...

"Actually, I hated po my dad nung bata po ako. Sobrang hindi kami nagkakasundo ng tatay ko.

"Sa huli ko lang na-realize na okey pala siya."

Pero aminado rin si JV na matigas ang ulo niya noong bata pa siya.

SHIFT TO ACTING. Hindi raw naging madali kay JV ang lumusong sa acting.

Kuwento niya, "Sa first acting ko sa Budoy, sobrang stiff po ng acting ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatawanan po ako ni Ge [Gerald]. Okey lang, parang kuya ko na siya.

"No’ng nag-movie ako, naging kumportable na ako.

"Mas kilala ko na yung mga cast, yung director.

"Mas masaya na siya—yung pag-a-acting ko."

AKIKO SOLON. Natutukso ngayon si JV sa Star Power finalist na si Akiko Solon.

"Ewan ko nga sa kanila. Sabi nila, kasi raw nakakasama ko parati, out-of-town shows, kasama ko siya sa single.

"Sa Star Power, di ba, lima sila? Bakit daw siya out of five.

"Sabi nga nila, bakit raw hindi si Angeline [Quinto] o si Kyla [Iovan]?

"Busy kasi sila, e. May play sila.

"Si Angeline, busy rin naman doing her thing.

"So, si Akiko, not so much busy. But she’s busy now.

"Saka mas nakakasundo ko lang siya."

JV’S FOUNDATION. Hindi lang sa kanyang showbiz career naka-focus ngayon si JV kundi maging sa kanyang itinayong foundation—ang May Lahing Bayani kung saan 17 kabataan ang pinag-aaral niya.

Ang mga ito raw ay anak ng mga sundalong namatay sa giyera.

Ang proceeds na galing sa kanyang live appearances at sales ng album niya ay sa foundation niya dinadala.

Aniya pa, "I’m the head of everything.

"I thought of doing it kasi po, anak po ako ng isang sundalo.

"Gusto ko lang pong ibalik sa kanila dahil namatayan sila ng dad.

"It’s a brilliant idea to give it back to them," saad ni JV.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN