PART 1. Governor Vilma Santos gets to be "normal" on her two-week vacation in Thailand and Malaysia; comments on KC Concepcion-Piolo Pascual breakup

Governor Vilma Santos on breakup of KC Concepcion and Piolo Pascual: "As a woman lang, ang maisi-share ko...nasaktan si KC. You could see sa klase ng pananalita niya at sa reaksiyon niya. But again, kung ano ang nangyari roon, hindi ako pupuwedeng makialam kasi hindi natin lahat alam ang puno’t dulo."


Ang pinakamainit na isyung pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz ay ang pag-amin ni KC Concepcion na break na sila ni Piolo Pascual.

Lalo pang naging maintriga ang tungkol dito dahil hindi direktang tinukoy ni KC ang dahilan ng paghihiwalay nila ng aktor.

(CLICK HERE to read related story.)

Hanggang sa Kapitolyo ng Batangas City kahapon, November 28, pagkatapos ng presscon para sa 8-day celebration ng 433rd foundation ng lalawigan ng Batangas, ay napag-usapan din ito.

Pati nga si Governor Vilma Santos ay hindi nakaiwas na matanong tungkol dito ng entertainment press na dumalaw sa kanya.

Pareho kasing malapit si Ate Vi kina KC at Piolo.

Si KC ay anak ng kaibigan ni Governor Vi na si Sharon Cuneta, samantalang si Piolo naman ay gumanap na panganay niyang anak sa pelikulang Dekada ’70 (2002).

"Shocked! Pero ayokong humalo sa gulo!" natatawang sabi ni Ate Vi nang hingin ang reaksiyon niya tungkol sa breakup nina KC at Piolo.

Pero kung nagkataong anak niya si KC, how would she feel?

"You know, it’s a different thing kasi kapag ang anak mo babae.

"Kasi lalake ’yong akin, e," pagtukoy ng Star For All Seasons, na may dalawang anak na lalake—sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Dagdag pa niya, "Kapag babae, mas doble affected ang nanay siyempre. Kasi, iba ang babae, e.

"I felt that she [KC] was really hurt.

"But I know, definitely, hindi siya pababayaan ni Shawie.

"But I could see she was definitely hurt."

GENDER ISSUE. Hindi rin nakaiwas si Ate Vi na mahingan ng opinyon sa mga aktor na pinagdududahan ang gender, kabilang na nga si Piolo.

Pero ayon sa actress-politician, "I don’t want to say anything about Piolo.

"Kasi at that time na ginawa namin ’yong movie [Dekada ’70], maganda ang samahan namin ni Piolo, e.

"Wala akong nakitang problema. Napakaganda naman ng ugali niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, itong issue na ito, wala akong maiku-comment, e.

"As a woman lang, ang maisi-share ko...nasaktan si KC. You could see sa klase ng pananalita niya at sa reaksiyon niya.

"But again, kung ano ang nangyari roon, hindi ako pupuwedeng makialam kasi hindi natin lahat alam ang puno’t dulo.

"I mean, mahirap magkomento, e, di ba?

"Basta ang alam ko lang sa lahat ng nasasaktan, laging iisa ang sinasabi, e.

"Ang isang bagay na natututunan nila sa lahat ng mga broken-hearted, iisa ang lagi kong nadidinig—na it’s time para malaman nila na mahalin muna nila ’yong sarili nila.

"Mahalin mo muna at respetuhin ang sarili mo bago mo masisigurong irerespeto at mamahalin ka ng iba.

"Kasi kung hindi, they will take you for granted."

Kung halimbawa si Lucky ang nasasalang sa pangunguwestiyon tungkol sa gender, bilang ina, paano niya ipagtatanggol ito?

"Si Lucky?!

"Si Lucky iintrigahin ang gender?" nanlaki ang matang reaksiyon ni Vilma bago napahalakhak.

"Alam n’yo ako, anu’t ano man ang mangyari, a...let’s say magkaanak ako ng ganyan [gay], alam mo ang panahon ngayon, iba na, e.

"It won’t matter, e.

"Kapag anak mo? It won’t matter, e.

"Lalo na kapag alam mong mag-e-excel naman siya, bakit mo papakialaman iyon?

"Kung saan siya maligaya, di ba?

"So, it won’t matter.

"Sa akin, it won’t matter."

VACATION IN THAILAND & MALAYSIA. Sunod na naging paksa ng usapan ay ang katatapos na bakasyon ni Ate Vi sa Malaysia at Thailand na parang nagsilbing birthday leave niya from work.

Kuwento niya, "Umalis kami ng October 28. We stayed in Phuket [Thailand] for seven days.

"And then from there, we went to Malaysia. We stayed there hanggang November 12.

"Parang two weeks na break ko iyon. Kasi, ano ’yon, e, kailangan din.

"At saka inisip kong mag-celebrate na rin ng birthday do’n. Ng isang quiet birthday. And then recharge naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman. ’Yong gano’ng time ko lang ma-e-enjoy na ako mismo ang nagsa-shopping.

"Ako mismo ang nakakakita kung ano ang bibilhin ko.

"Time ko naman iyon for myself.

"Marami rin akong nabili—clothes, food, makeup...

"But ang pinakaimportante is ’yong pinaka na-e-enjoy ko sa ganyan is...’yong ako, na puwede akong lumabas."

Walang nakakilala sa kanya sa pagliliwaliw nila sa Thailand at Malaysia?

"Meron. Pero bibihira ang Pilipino sa Phuket.

"At bihira rin do’n sa pinuntahan namin sa Malaysia.

"Kasi sa Malaysia, sa bundok kami nagpunta. Hindi sa Kuala Lumpur [capital city ng Malaysia].

"Sa Genting kami. Tatlong bundok iyon.

"Magke-cable ka paakyat sa itaas. Ando’n na lahat ang apat na hotels na dikit-dikit.

"May mall, may palaro, may casino...nando’n na lahat-lahat.

"But you have to drive to the cable. So, nasa gitna kami. Nasa midland kami. Para mas tahimk.

"And then, magke-cable going up. And then you can drive down one hour going to Kuala Lumpur if you want to shop.

"Pareho kong na-enjoy.

"Kasi sa Phuket, beach. Pagdating mo naman sa Genting, malamig naman.

"So, dalawang magkaibang climate.

"Ang maganda lang do’n ay ’yong companionship [nila ng kanyang pamilya]. Iyon ang hinahanap ko.

"Nakita n’yo naman ang trabaho ko bilang gobernador, di ba? Nakikita n’yo naman."

Ano ang birthday gift sa kanya ni Senator Ralph Recto?

"Necklace and earrings," sagot ni Ate Vi.

Bukod do’n, ano pang regalo nito sa kanya?

"Ano bang regalo ang nasa isip n’yo?" natawang tanong ni Ate Vi nang makaramdam na tungkol sa intimacy nila ng kanyang asawa habang nagbabakasyon ang nais tumbukin ng tanong.

"Ang nasa utak n’yo...’yon?!" sabay tawa ni Ate Vi.

"Iyon?

"Kung iyon din lang naman, siguro iyon ang perfect place for it!"

Nagkatawanan nang husto among the members of the press na kaharap ng aktres matapos niyang sabihin ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sabi ko sa inyo, doon, normal kami, e.

"Dito [sa PIlipinas], abnormal ang buhay namin, e.

"Sa dami ng trabaho, sa dami ng tao...

"E, doon, normal kami.

"So, kung ano ’yong lahat ng normal sa buhay ng tao, do’n nagagawa namin.

"Pero hindi ako nag-elaborate, ha!" natawang biro ulit ni Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN