PART 2. Vilma Santos says she cannot accept offer of TV5 with only a commitment: "Ibigay na muna sa akin ’yong plot o istorya."

Star For All Seasons Vilma Santos (in photo) has yet to sign a contract with TV5 for it to complete its roster of top female stars in the country, which includes Superstar Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta, and Diamond Star Maricel Soriano.


Matapos ang dalawang linggong pagbabakasyon sa Thailand at Malaysia—kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang asawang si Senator Ralph Recto at bunsong anak na si Ryan Christian—back to work na naman si Vilma Santos bilang governor ng Batangas.

Hindi nga halos magkandaugaga ang aktres bilang punong-abala sa walong araw na selebrasyon ng 433rd foundation day ng Batangas na gaganapin this year sa Calaca—ang host town ng nabanggit na event.

THE HEALING. Dahil dito at sa iba pa niyang kompromiso bilang governor ng Batangas, hindi raw kaagad-agad makakapag-shooting ulit si Ate Vi sa movie nila ni Kim Chiu—ang The Healing ng Star Cinema.

"Bago ako umalis, nag-one day shooting ako. Inabot kami ng mga 2 a.m.," banggit ng actress-politician sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na bumisita sa kanya sa Kapitolyo ng Batangas kahapon, November 28.

Patuloy niya, "Pero itong balik ko, nakiusap ako.

"Nakipag-meeting muna ako kina Malou [Santos ng Star Cinema] na baka pupuwedeng ’yong sa akin [mga eksena niya], first quarter ko na next year i-resume.

"Kasi, ang dami kong activities na inaasikaso.

"Papasok na itong foundation day celebration ng Batangas, tapos may Christmas party [sa Kapitolyo].

"Pero sila, ’yong mga hindi ko ka-eksena, tuluy-tuloy ang shooting nila.

"’Yong sa akin ang magre-resume first quarter of next year.

"Ang target, March or April, sana matapos na ’yong movie.

"And ang gusto nina Malou, makagawa pa ako ng isa.

"Kasi, I think, parang Star Cinema will work on something para sa 50th anniversary ko sa show business by next year.

"Na parang may book launching, may show to celebrate my golden year sa showbiz.

"Kasi nine years old ako nagsimulang mag-artista.

"So, lahat ng ito, pinag-usapan namin. Lahat ng balak for next year.

"Maybe it’s going to be a big thing next year kasi...golden year na ako sa showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV5 OFFER. Sa ABS-CBN lang ang celebration ng 50th anniversary niya sa showbiz, wala sa TV5?

"Kayo, ha! Alam ko na ’yan!" natawang reaksiyon ni Ate Vi nang matunugan na gusto siyang usisain hinggil sa napapabalitang may offer sa kanya ang Kapatid network.

Aniya, "Di ba, nag-meeting na ako sa kanila [TV5]?

"Kaya lang, ang request ko sa kanila noon—and you can even ask them—ibigay na muna sa akin ’yong plot o istorya.

"Kung gusto nila movie, ibigay muna nila sa akin ’yong synopsis.

"Because I cannot say yes na wala ’yong detalye.

"Ayokong mag-yes ng commitment lang.

"Gusto ko nakalatag muna, like a TV show, commercial ba, o kung movie...may synopsis ba?

"So, the last meeting that I had with TV5, iyon ang naging usapan namin.

"And then, ang nagpa-follow-up, si Mother Lily."

Si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment ay business partner na rin ng TV5.

Patuloy ni Ate Vi, "But then again, iyon din ang hinihingi ko kay Mother na, ’There’s nothing wrong with that. Okey lang na i-co-produce kayo ng TV5. Pero ’yong synopsis.’

"Wala pa hanggang ngayon.

"Pero committed ako sa Star Cinema ng one movie, e. So, priority iyon.

"E, hindi naman ako puwedeng magsabay-sabay dahil nga sa trabaho rito sa Batangas.

"Masuwerte na nga ako kung maka-isang pelikula sa isang taon.

"So, malaking bagay sa akin iyon."

Tila si Ate Vi na nga lang ang hinihintay sa TV5 para makumpleto na ang apat na pinakamalalaking aktres ng Philippine Cinema.

Nasa Kapatid network na kasi ang Superstar na si Nora Aunor, ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano (na balitang pipirma na rin ng kontrata sa TV5).

Ang kulang na lang ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

"E, nasa Star Cinema pa ako, e!" sabay tawa naman ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Wala akong maisasagot, e."

TALENT FEE. Balitang ang naging offer kay Sharon sa paglipat nito sa TV5 ay one billion pesos.

Paano kaya kung si Ate Vi ang alukin ng gano’n kalaking talent fee, tatanggapin ba niya?

"Kainggit naman!" birong reaksiyon ng multi-awarded actress.

"A...hindi pa kasi ako naglalatag ng presyo, e!" sabay tawa niya.

"Hintayin n’yo muna akong maglatag.

"Kapag dumating na ’yong mga script and something is final, saka ako maglalatag ng presyo.

"And then paglatag ko, take it or leave it!

"Biro lang iyon," pahabol niya.

Bibihira ang mga kagaya niyang artista na habang nagtatagal sa industriya ay tumataas ang talent fee.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi, ano na rin iyan...durability na rin," sabi ng Star For All Seasons.

"Kung halimbawa may mga artista na nababayaran ng ganyan kalaki, trinabaho naman.

"Dyusko naman! Tingnan n’yo naman kung gaano na kami katagal?

"Blessed lang kami na for so many decades, ’eto pa rin kami. And we can still demand.

"Pero hindi namin ito kinuha ng overnight na babayaran kami ng bilyon. Hindi.

"Blood, sweat, and tears din ito.

"Pinaghirapin din namin ito. So, iyon yun.

"Kung may mga nagbabayad ng ganyan, ibig sabihin, kaakit-akit ka pa. Which is good, di ba?"

Pero kung sakali ngang alukin siya ng one billion na talent fee, kakagatin ba niya?

"Ano muna ’yong nasa ilalim ng one billion?" balik-tanong ni Ate Vi.

"Kasi imposible naman na basta ka na lang bigyan ng one billion.

"I mean, we’re talking about five years...one billion for five years.

"Ano kaakibat na trabaho nito?

"Ako, sa status ko ngayon kasi, sa klase ng responsibilidad meron ako, per project ako.

"I cannot deal na ’yong pangmatagalan. I cannot, e.

"Maybe because of my ano...’yong trabaho ko rin as governor or as a public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Per project lang.

"Pero kung ikukontrata ako ng pangmatagalan, hindi puwede, e, dahil nga nasa pulitika pa ako, e."

TAPATAN WITH SHARON. Yung pinaplanong show niya sa ABS-CBN ay balitang itatapat daw sa magiging show ni Sharon Cuneta sa TV5.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Ani Ate Vi, "Wala. Natural lang naman ’yan, e.

"Pero gano’n naman. Tapatan, e.

"Competition ’yan, e. Di ba?

"Kahit kaibigan mo, nagtatapatan kayo.

"I just hope it would be friendly, kung tatapatan man.

"Hindi talaga makakaiwas, e. Meron talagang ganyan, e.

"Okey lang, walang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN