PART 3. Vilma Santos on son Luis Manzano after admitting real score with Jennylyn Mercado: "Mukha naman siyang inspired. At...mas guwapo siya."

Vilma Santos (left, main photo) on relationship of son Luis Manzano (inset) with Jennylyn Mercado (right): "Ngayong sigurado na sila, parehong gusto na nilang aminin...Hindi para ipagdamot sa tao. Kaya lang, sinisiguro lang nila na kapag sinabi nila, handa sila pareho. Tama ba? Kasi ano ’yan, e, public property ’yan, e. Puwedeng sabihin, e...But at least, ngayong inamin na nila, kaya na nilang sagutin ’yan. Kaya na nilang i-defend &


Kamakailan ay umamin na ang panganay na anak ni Batangas Governor Vilma Santos na si Luis Manzano sa tunay na estado ng relasyon nito kay Jennylyn Mercado.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang inisyal na naging reaksiyon ng actress-politician tungkol dito?

Ayon kay Ate Vi: "Wala namang lihim sa akin, e.

"Kaya lang, wala akong karapatan para magsalita, di ba?

"Maraming beses na rin ninyo ako dinalaw dito [sa Kapitolyo ng Batangas], tinanong n’yo ako.

"Pero to elaborate on it [relasyong Luis-Jennylyn], hindi.

"Alam ko naman, e.

"Kaya lang, hindi ako ang para magsalita.

"Sila ang may responsibilidad para magsalita.

"Ngayong nagsalita na sila, o, e, di totoo.

"Ang sa kanila lang naman, hindi sa gusto nilang ilihim, e.

"Kasi that time, talagang hindi pa rin sila sigurado.

"Pero ngayong sigurado na sila, parehong gusto na nilang aminin...Hindi para ipagdamot sa tao.

"Kaya lang, sinisiguro lang nila na kapag sinabi nila, handa sila pareho. Tama ba?

"Kasi ano ’yan, e, public property ’yan, e. Puwedeng sabihin, e.

"Kung bigyan ng kanya-kanyang interpretasyon, anytime!

"But at least, ngayong inamin na nila, kaya na nilang sagutin ’yan.

"Kaya na nilang i-defend ’yong mga sarili nila."

Dagdag pa niya, "Pero as a mother, alam ko naman ’yan.

"I don’t think I have the right to meddle at ako pa ang unang mag-announce."

Kinonsulta ba siya ni Lucky?

"Palagi naman. Wala naman sa akin.

"And...nagkakasama naman kami ni Jennylyn," sagot niya.

Ano sa tingin niya sa relasyon ng dalawa, magtutuluy-tuloy na ba ito hanggang sa altar?

"Ay, hindi ko alam. Ayokong manguna.

"Basta as far as I know, they’re enjoying each other.

"Parang nagkakatulungan silang dalawa sa ngayon.

"Pero ’yong future plans na aabot sa wedding, hindi pa namin napag-usapan ni Lucky ’yan."

Payag na ba siyang maging lola kung saka-sakaling magpakasal na sina Luis at Jennylyn at magka-baby na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag namang lola...momsie!" natawang biro ng aktres.

"Pero to have an apo, why not?

"Oo naman. Oo. Okey lang."

How does she see Luis now matapos itong umamin na mag-on na sila ni Jennylyn?

"He’s very happy now.

"Nakikita n’yo naman yata, e, ’no?

"Mukha naman siyang inspired. At...mas guwapo siya.

"Ang alam ko lang, si Lucky very happy. Happy ang anak ko."

Na-meet na ba niya ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia?

"Si Jazz? Ay, hindi pa," sabi ni Ate Vi.

"Pero naikukuwento siya sa akin ni Jennylyn. Yeah, oo.

"A...matuwain si Lucky sa bata, e. So, I’m sure hindi siya magkakaproblema kay Jazz.

"But I guess the most important is nagkakasundo ’yong dalawa [Luis and Jennylyn]. They’re both happy.

"Kung ’yon lang, masaya na ako for them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN