Ronnie and Mariz Ricketts reveal secret of their successful marriage

Ronnie Ricketts on wife Mariz: "Alam mo the thing with Mariz kasi, I didn’t know she’s that strong. Kapag may mga problema or may nangyayari, nandiyan ’yan. [Yun ang] one thing na na-appreciate ko sa wife ko—na dati hindi ko nakikita. But now that you’re in the government, di ba, ang dami mong problema, [ang] daming natatapakan? Basta siya yung lumalaban para sa akin."


Sa Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, Nobyembre 27, na-interview ni Dolly Anne Carvajal, para sa segment nitong "Hello Dolly," ang Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie Ricketts.

Bago pa man naging OMB chairman si Ronnie, aktibo ito sa paggawa ng mga action films through his Rocketts Productions, katuwang ang asawa nitong si Mariz.

DEATH THREATS. Kinamusta muna ni Dolly Anne, isa sa mga program host, ang trabaho ni Ronnie sa OMB.

May mga natatanggap na ba siyang death threats dahil sa paghabol niya sa mga namimirata?

Tugon ni Ronnie, "Part of the job.

"You know, nung una, akala mo biru-biruan, but as you go along, marami kang nasasagasaan.

"It goes with the job.

"But the thing is, yung focus mo, yung dedication mo lang is there."

Ano ang ginagawa niya kapag nakakatanggap siya ng threats?

Sagot ni Ronnie, "Nung una medyo ano ka, conscious, masyadong malikot ang mata mo.

"After a while, you get used to it. Pero you still have to be on guard—the word is on guard lagi."

Paano niya hinaharap ang mga isyung kakabit ng kanyang trabaho bilang pinuno ng Optical Media Board?

Paano kaya niya maikukumpara ang trabaho niya sa mga naunang chairman ng ahensiya?

Paliwanag ni Ronnie, "Pangit kasi i-compare, e. You know, they’re my friends.

"Like sina Bong [Revilla Jr.], kumpare ko ’yan. Si brother Doods [Edu Manzano], kaibigan natin.

"You know what’s nice about what I’m doing is I ask them [for] advice, especially sa campaign sa Quiapo, kung papaano gawin.

"Tapos kapag may mga event ako, nagpupunta si Senator Bong.

"Pag may kailangan ako itanong kay Edu na latest, tinatawagan ko siya, ’Doods, ano ba puwedeng gawin?’

"Tapos, sasabihin niya, ’Ay, ’wag ’yan, nagawa ko na, e.’

"So, nakakatuwa, full support at saka we have communication.

"I guess that’s what important, nag-uusap kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIRATED. Sunod namang tinanong ni Dolly Anne ang tungkol sa kung nakapanood na ba siya ng mga DVDs.

Nagpakatotoo naman si Ronnie. Sabi niya, "Of course, kasi you have to compare the quality, e, sa original at sa pirated, e, para alam mo.

"Para when you talk to people, pag nanonood yung iba, pag malapit na yung climax nung movie, biglang tatalon...hanggang sa ire-rewind mo na, hanggang sa nasira na.

"Bitin yung ano [panonood mo], for that amount, yun naman ang nangyari or babalik ka [sa pinagbilhan mo], mapapaaway ka naman.

"So, a lot of things can happen, e."

ACTION FILMS. Bago pa man siya naging public servant, nakagawa na si Ronnie ng lagpas sa limampung action films.

Nami-miss na kaya niya ang paggawa ng mga ganitong klaseng pelikula?

Sagot nito, "Actually, nag-uusap kami ni Boss Vic [del Rosario of Viva Films].

"Actually, gumawa na si Pareng Cesar [Montano], so kami ang next ni Cesar, yung Hitman, hopefully.

"I’m doing the script right now and they have a title already, doing the casting and the budget.

"Ako rin yung gumagawa lahat, e.

"Tapusin ko lang itong film festival, kasi every year na zero ang piracy natin, e.

"So, after the film festival next year, gawa na tayo."

MARRIED 17 YEARS AND COUNTING. Pagkatapos nito ay sinamahan na si Ronnie ng asawa niyang si Mariz para sa ilang mga katanungan din mula kay Dolly Anne.

Seventeen years na silang mag-asawa, kaya naman tinanong sila kung ano kaya ang sikreto ng happy marriage nila.

Si Mariz ang sumagot sa tanong.

Aniya, "Mabait na asawa si Ronnie, tapos loving.

"Yun naman ang magagandang qualities ng isang lalake, dedicated sa pamilya."

Aminado ang dalawa na kahit matagal na silang kasal, parang "newlyweds" pa raw ang kanilang pakiramdam sa araw-araw nilang pagsasama.

Kuwento ni Ronnie, "Yun yung ano, e, pag may lakad ako, automatic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As I leave the house, text ko na si Mariz, ’I’ll be home around 7 or 8 p.m. I’ll eat dinner at home.’

"Kapag may aberya, mga 4 o’clock pa lang o 5 o’clock [tini-text ko na siya], para hindi sila mag-anticipate, ’Hon, may bago, may dagdag na meeting.’

"Naintindihan niya yun."

Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, hindi sila nagkaroon ng kontrobersiya pagdating sa kanilang marriage. Pero hindi rin daw maiwasang meron din silang tampuhan paminsan-minsan.

Paliwanag ni Ronnie, "We never ano...honestly ano, hindi kami nag-aaway na murahan, sigawan.

"Cute yung tampuhan namin."

Dagdag naman ni Mariz, "Actually, never kaming nagsigawan kapag nag-away, never tumaas yung boses [namin]."

Pero hindi ba boring yung ganun?

Sagot ni Ronnie, "Sabi nila. Pero kami baliktad, we do a lot of walking sa village, we talk about dreams, anything."

Paano naglalambing si Ronnie kay Mariz?

Sagot ni Ronnie, "Minsan kapag naglalambing ako, ’Hon, naalala mo yung pagkain sa ganyan?’

"Sabihin niya, ’Alin, yung sa ganyan, sige I’ll try.’

"Kapag pagod ako sa work, mga 6-7 p.m. [nagti-text na ako sa kanya], ’I’ll be home mga 8:30, honey, please cook something for me.’"

Ano naman ang madalas na iluto sa kanya ng asawa?

Tugon ni Ronnie, "Pasta lover kasi ako, e, tsaka yung mga baked chicken..."

Saad naman ni Mariz, "Alam ko din yung weakness ni Ronnie, so parang dun ko siya...

"Alam mo yun, di ako mag-a-ask pag gusto ko ng attention sa kanya, lalo na ngayon super busy siya.

"Alam ko kung papa’no, alam ko kung kailan ako magtatampo, kelan ako hindi kikibo."

Ano ang sweetest thing na ginawa ni Ronnie kay Mariz?

Si Ronnie ang unang sumagot.

Aniya, "Kasi kami dito, we treasure little things, e.

"Roses, tuloy pa din ’yan, chocolates."

Para pa rin daw silang nagliligawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dinugtungan naman ni Mariz ng, "Sweet notes, mga ganyan."

SECOND WEDDING. May balak ba silang magpakasal ulit?

Sagot ni Ronnie, "Si Mariz gusto, e."

Pabiro namang sagot ni Mariz, "Sabi niya magastos, sabi ko [kahit] ako gagastos."

Seriously?

Tugon ni Ronnie. "Well, she’s my wife...why not?"

Sa huli, may mensahe naman para sa isa’t isa ang mag-asawa.

Nauna muna si Ronnie. Aniya, "Ako I’m just so happy, so blessed you know, Mariz is always here.

"Alam mo the thing with Mariz kasi, I didn’t know she’s that strong. Kapag may mga problema or may nangyayari, nandiyan ’yan.

"[Yun ang] one thing na na-appreciate ko sa wife ko—na dati hindi ko nakikita. But now that you’re in the government, di ba, ang dami mong problema, [ang] daming natatapakan?

"Basta siya yung lumalaban para sa akin."

Mensahe naman ni Mariz sa asawa, "Siyempre, super duper I love you at alam [mo], katulad ng sinasabi [ko] kanina, na parang lalabas daw yung ibang ugali ko.

"Actually, siya yun, e, gano’n ko siya kamahal, parang he’s able to bring out the other side of me.

"Yun yun, parang kaya ko siya ipaglaban. Doon ko naman na-prove sa kanya yun, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN