Alden Richards would rather focus on his career than pursue his feelings for his crush Rhian Ramos

Alden Richards on his career: "Kasi, sa totoo lang po, sa mga ibinibigay sa akin ng GMA, kagaya po ng movie na ito, ang The Road, pati yung sa Tween Academy, kailangan ko po talagang mag-hands on sa career ko. Mahirap pong sayangin ang ibinibigay sa akin."


Simula nang aminin ni Alden Richards na isa sa biggest crushes niya sa showbiz si Rhian Ramos, madalas nang natatanong ang binata tungkol sa Kapuso actress.

Parang nahiya naman si Alden nang malamang may mga entertainment press pala na nagparating kay Rhian ng paghanga niya rito.

Sa isang press conference ng kanilang pelikula, naitanong kay Alden kung itutuloy ba niya sa panliligaw ang paghanga niya kay Rhian.

"Hindi po natin masabi," nakangiting sagot ng young actor.

Ilang beses namang nasambit ni Alden ang katagang "Naku!" nang biruing baka siya ang "susi" dahil madalas sabihin ni Rhian sa mga interview niya na sarado pa ang puso niya.

Saad pa ng Kapuso actor, "Naku, siguro po, uunahin ko muna ang mga projects ko.

"Kapag po medyo okay-okay na, siguro po... Hindi natin alam.

"At saka siguro, sa nangyari sa kanya in the past, hindi pa po siguro siya open to a new relationship at nirerespeto ko po yun.

"At kung priority po niya ang work, pareho rin naman po kami."

Ang tinutukoy ni Alden ay ang past relationship ni Rhian sa radio-TV host na si Mo Twister.

Parang kinabahan naman si Alden nang malamang alam na ni Rhian na crush niya ito.

"Parang nakakahiya lang po, parang awkward," sambit niya.

Nakaramdam ba siya ng pressure na kailangan niyang magpakitang-gilas kay Rhian?

Ayon kay Alden, "Hindi naman po pressure na magpakitang-gilas.

"Kasi, sa totoo lang po, sa mga ibinibigay sa akin ng GMA, kagaya po ng movie na ito, ang The Road, pati yung sa Tween Academy, kailangan ko po talagang mag-hands on sa career ko.

"Mahirap pong sayangin ang ibinibigay sa akin."

NEXT KAPUSO LEADING MAN. Speaking of his career, ano ang reaksiyon niya na isa siya sa hinuhubog para maging next important actor ng Kapuso network?

Nakangiting sabi ni Alden, "Proud po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kahit kasisimula ko lang po sa showbiz, nabibigyan na ako ng magagandang break.

"Then, yung mga plano po na pinag-uusapan namin is for long-term.

"Kaya thankful po talaga ako sa GMA, lalung-lalo na po kay Ms. Annette Gozon-Abrogar."

Kung halimbawang pamiliin siya, sino ang gusto niyang maka-loveteam bukod kay Louise delos Reyes?

"Ang hirap po ng tanong," nakangiti niyang sabi.

Pero sa bandang huli, sinabi niya na, "Sana po [si] Rhian...Pero kahit sino naman po, okay lang po ako."

Okay rin daw kay Alden kung si Sarah Lahbati ang ipareha sa kanya.

Aniya, "Kami naman po kasi ni Sarah, nag-start po kami na...kami po yung unang naging magkaibigan noong nasa StarStruck pa lang kami.

"Ako po, looking forward na maka-partner ko siya."

ONE YEAR IN SHOWBIZ. Mag-iisang taon pa lang sa showbiz si Alden sa December 8.

At sa loob ng isang taon ay nakatatlong pelikula na siya agad: Tween Academy, The Road, at Panday 2.

Sabi ni Alden, "Hindi ko nga po ma-realize na ganoon.

"Parang ibang-iba po yung treatment sa akin ng network at parang napaka-blessed ko po na sa GMA ako napunta at hindi sa ibang network."

Tuluy-tuloy nga ang projects ni Alden dahil pagkatapos ng The Road, na palabas na ngayon sa sinehan, kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na Ang Panday 2.

Ginagampanan niya rito ang papel bilang si Gubli.

Ayon kay Alden, "Dragona po kami. Katribo ko po rito sina Marian Rivera, Kris Bernal, Alice Dixson.

"Mababait po kami rito. Tutulungan po namin si Panday [Senator Bong Revilla] para lumaban."

Kumusta namang katrabaho sina Senator Bong at Marian?

"It’s a wow feeling po!" sambit niya.

"Ibang klase po na naramdaman ko na parang nakakatrabaho ko na ngayon, isang senador, isang primetime queen.

’Tapos, mga beterano po, like Tito Eddie [Garcia], na talagang sobrang laki na ng naiambag sa showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang role ni Alden bilang Gubli ay para sana kay Aljur Abrenica. Hindi lang natuloy si Aljur dahil sa conflict in schedule.

Pero ayon kay Alden, "Nagkausap naman po kami.

"Sabi naman niya, congrats daw po na nakuha ko yung role.

"Talagang hindi lang daw po talaga kaya ng schedule kaya naibigay.

"Pero si Aljur naman po, leading man na, established na po siya."

Samantala, mula naman sa kanyang kinikita sa showbiz, bukod sa gusto niyang makabili ng sasakyan, plano rin daw ni Alden na ipagawa ang bahay nila sa Laguna.

"Gusto ko pong ipagawa kasi mas kailangan po ng family ko ng mas malaking matitirahan.

"So, kung makakaipon po ako, papagawa ko po yung bahay namin.

"Papalagyan ko ng second floor para yung lola ko rin po, hindi na siya sa baba."


BREAKTHROUGH ACTOR. Kagabi, Nobyembre 29, ay nagwagi si Alden sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society.

Nanalo si Alden para sa una niyang soap sa GMA-7, ang Alakdana.

Bago ang awards night ay ipinahayag ni Alden ang kanyang pasasalamat sa nominasyong nakuha.

Aniya, "It’s an honor po to be nominated sa Golden Screen.

"At yun nga po, uulitin ko, kakasimula ko lang and then, [may] mga recognition na [akong] nakukuha sa network, sa inyo po, sa mga press people po, sa mga feedback n’yo po sa akin.

"So far po, wala naman pong negative na nasusulat sa akin.

"Sobrang saya ko po. Sana po manalo. At saka sana po, marami pa pong ganito."

At natupad nga ang asam ni Alden dahil siya nga ang nanalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN