PART 1. Angelica Panganiban jokes about shifting to comedy after winning two Best Comedy Actress awards

Angelica Panganiban on being recognized as a comedy actress: "I’m sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi. So, nakakatuwa lang talaga. Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."


Masayang-masaya si Angelica Panganiban sa pagkapanalo niya sa 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City kagabi, November 29.

Si Angelica ang nanalo sa kategoryang Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program para sa Banana Split ng ABS-CBN.

Ito ang ikalawang acting award ni Angelica mula sa Enpress. Una siyang nanalo sa Golden Screen Movie Awards bilang Best Comedy Actress para sa pelikulang Here Comes The Bride.

STILL A DRAMATIC ACTRESS. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica pagkatanggap niya ng kanyang trophy, nagbiro siyang magsu-switch na siguro siya ng career dahil parang mas tanggap siya sa comedy.

"Oo, magsu-switch na ako!" natatawang sabi niya.

"Hindi naman, nakakatuwa lang na tinanggap ako ng mga tao sa dalawang mundong yun."

Pero drama naman daw talaga ang linya niya magmula pa noong child actress pa lang siya.

Kaya alam daw niyang hindi siya maninibago sa drama kahit comedy ang madalas niyang gawin ngayon dahil nga sa gag show na Banana Split.

Saad pa ni Angelica, "I’m sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi.

"So, nakakatuwa lang talaga.

"Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Dagdag pa niya, "Siguro, nakakatuwa lang din isipin na sa mga kasabayan ko, ako lang din naman talaga ang nag-focus at binigyan ko ng panahon ang pagpapatawa.

"So, siguro nakaka-refresh din sa paningin ng mga tao na may...nakakikita silang ganoong mukha na luko-luko pala.

"So, siguro talagang may ibang karisma yung ganoon, di ba?"

Pero saan ba siya mas masaya—comedy o drama?

"Well, siguro sa stage na ito, puwede ko nang sabihin na nami-miss ko na ang mag-drama, yung ganoon.

"Pero, hinding-hindi ko na iiwan ’to, yung Banana Split, and alam naman ng lahat yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na sobrang grabe ang pagmamahal namin sa show," sabi niya.

GRETCHEN BARRETTO. Ang susunod na teleserye ni Angelica sa ABS-CBN ay ang Alta.

Magsisimula raw siya ng taping next week, pagkagaling niya ng Canada. Although, ang ibang cast daw ng serye ay nakapagsimula na ng taping.

Makakasama niya rito sina KC Concepcion at Gretchen Barretto.

For a change, mabait daw ang role niya sa Alta. So, si Gretchen ang kontrabida?

Ayon kay Angelica, "Hindi naman actually kontrabida. Maganda yung story.

"Wala rin naman talagang totoong masama. Wala rin namang nagbabait-baitan. Wala namang ganoon.

"Talagang nagkakataon lang siguro sa mga sitwasyon kaya nagkakaroon ng apihan, pangmamata."

May bonding moment na ba sila ni Gretchen, na nakaalitan niya noon?

"Well, ngayon wala pa. Kasi ang ginagawa pa lang namin, pictorial.

"Nakaka-ilang workshops pa lang ako," sagot ni Angelica.

May mga na-discover na ba siya kay Gretchen sa workshops nila?

"Wala pa, kasi matagal talaga akong mag-open up sa tao.

"Siguro, hindi rin ako mahilig mag-judge na kapag nakipagkuwentuhan, ’A, ganoon pala, mabait pala.’

"Pero magaan, magaan ang loob namin sa isa’t isa."

Pero kung anuman ang naging isyu nila noon, definitely, wala na raw yun ngayon.

Sabi pa ni Angelica, "Hindi ko naman tatanggapin ang isang role, or yung Alta, kung alam ko na hindi pa rin kami magiging kumportable sa isa’t isa.

"At saka, kapag may mga okasyon naman, binabati naman namin ang isa’t isa.

"Like noong birthday ko, nag-text siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN