PART 2. Angelica Panganiban on Derek Ramsay’s rumored transfer to TV5: "Hindi naman ako magde-deny na wala akong naririnig na ganoon, di ba? Pero sa ganoon talaga, ayokong makialam."

Angelica Panganiban on how Derek Ramsay’s rumored transfer to TV5 could affect their relationship: "Part yun ng career ng mga tao. And hindi naman kami loveteam. Hindi naman kami masyadong showbiz na couple. I don’t think na makaka-affect yun sa amin. Kasi, kahit naman na nasa isang network kami, hindi rin naman kami nagkikita sa trabaho dahil magkaiba yung ginagawa naming trabaho."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica Panganiban ang napapabalitang paglipat ng boyfriend niyang si Derek Ramsay sa TV5.

Ayon sa balita, sa mga unang buwan ng 2012 ay aalis na raw si Derek sa ABS-CBN upang lumipat sa Kapatid network kunsaan may malaking offer sa kanya.

Pero ayon kay Angelica, pagdating sa mga ganoong bagay ay hindi siya nagtatanong o nakikialam.

Aniya, "Of course, hindi naman ako magde-deny na wala akong naririnig na ganoon, di ba?

"Pero sa ganoon talaga, ayokong makialam kay Derek.

"Kasi, ganoon din ang gusto kong mangyari sa akin.

"Na pagdating sa career ko, desisyon ko, desisyon ko.

"At kung hihingin ko ang opinyon niya, then welcome siyang magsalita."

Napag-uusapan ba nila ni Derek ang mga plano nito, lalo na pagdating sa paglipat ng network?

"No, no...palagi ko lang naririnig sa mga pali-paligid niya.

"Kasi, pumutok naman ang isyu na ’yan, nagkataon na nasa ospital din siya.

"Medyo inoperahan. Tapos depressed.

"Hindi ko rin din matanong nang diretsahan."

Naospital si Derek sa bali sa kanyang kamay sanhi ng paglalaro ng frisbee.

Pero ready na ba si Angelica kung sakaling magkaiba na sila ng network ni Derek?

Sagot ni Angelica, "Oo naman. Part yun ng career ng mga tao.

"And hindi naman kami loveteam.

"Hindi naman kami masyadong showbiz na couple.

"I don’t think na makaka-affect yun sa amin.

"Kasi, kahit naman na nasa isang network kami, hindi rin naman kami nagkikita sa trabaho dahil magkaiba yung ginagawa naming trabaho."

HIWALAY ISSUE. Madalas mapabalitang nagkakalabuan ang relasyon nina Angelica at Derek.

Ngayong napapabalitang lilipat na si Derek ng network, hindi kaya talagang may effort na paghiwalayin sila?

Natatawang sabi naman ni Angelica, "Hindi naman siguro.

"Kasi, hindi rin naman naging successful ang isyu na mapaghiwalay kami, di ba?

"So, kung totoo man na aalis siya ng ABS, I don’t think na makakaapekto yun sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, may mga adjustments na mangyayari, pero hindi yun magiging big deal pagdating sa relationship."

Sa kaso naman ni Angelica, masaya naman daw siya sa Kapamilya network.

Aniya, "Maganda naman kasi ang takbo ng career ko sa ABS and kakapirma ko lang ng contract sa kanila for two-and-a-half years.

"Kakapirma ko lang noong last week of October.

"Hindi ko naman naiisip na mag-ober da bakod kasi pumirma nga ako.

"So, sa isang salita, masaya ako kung nasaan ako, di ba?

"Basta, ayoko lang siguro ng masyadong personal.

"At mali ang timing para kausapin ko si Derek about do’n dahil hindi masyadong maganda ang lagay niya sa ospital dahil sa operation niya."

DEREK’S INJURY. Naoperahan si Derek sa kanyang left arm. Nagkaroon kasi ng bone fracture si Derek during one of his frisbee tournaments.

Kuwento ni Angelica, naiyak siya nang makita niya ang X-ray ng arm ni Derek na talagang nagkahiwa-hiwalay ang buto nito.

Marami nang natamong injury si Derek sa paglalaro niya ng extreme sports, pero para kay Angelica, ito ang pinakagrabeng sinapit ng boyfriend.

Bakit siya naiyak nang makita ang X-ray ni Derek?

"E, kasi siguro, five years ko na siyang boyfriend, tapos palaging kapag may tournament siyang sasalihan, alam ko na ’yan, may mangyayari sa kanya.

"Kung hindi matanggalan ng kuko, masugatan, puro galos...masunog ang balat sa araw.

"Ito talaga yung...Noong itinawag nga sa akin na nasa ospital, sabi ko, ’Ay naku, ’eto na naman, ospital na naman.’"

Ang British father ni Derek ang tumawag kay Angelica upang ipaalam na naospital ang kanyang kasintahan.

Sabi ng Kapamilya actress, "Hindi niya sinasagot ang tawag ko kasi nga, alam niya siguro na mainit ang ulo ko.

"Tapos, yung daddy niya ang tumawag sa akin."

Dahil ba sa nangyari ay titigil na si Derek sa extreme sports nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Angelica, "Well, sa kanya galing na tapos na, ayaw na niya.

"Pero, iba yung impact nitong accident na nangyari sa kanya kaya medyo natatakot na siya.

"Pero sabi nga namin, imposible. Kasi, narinig na namin yun dati.

"Pero sana nga, puwede naman siyang mag-basketball, mag-golf, mag-swimming...

"Marami namang ibang puwedeng gawin na hindi niya kailangang magbuwis ng buhay, di ba?"

Makikinig kaya si Derek sa kanya ngayon?

"Well, sabi niya, gusto niyang magpunta ng Japan ng July dahil may tournament ng frisbee.

"Sabi ko, ’Good luck kung mahanap mo ang passport mo. Hindi ka makakaalis.’

"July pa naman, e," kuwento ni Angelica.

Itatago niya ang passport ng boyfriend?

"Feeling ko!" natatawang sabi ng aktres.

"Noong makita ko ang buto niya na hati-hati, hindi ko kaya. Hindi ko talaga kinaya.

"Pero, itatago ko pa lang.

"Hindi worth it, hindi worth it.

"Puwede naman niyang makuha ang hobby niya sa ibang sports at sa maayos na paraan.

"Hindi yung inooperahan ang buto mo at nilalagyan ka ng bakal."

DEREK’S OPERATION. Five hours daw ang itinagal ng operasyon na ginawa kay Derek sa Asian Hospital noong lunes, Nobyembre 28.

Pero wala si Angelica nang operahan si Derek dahil may taping daw siya.

Banggit niya, "Pero maraming flowers, ha. Maraming flowers sa hospital. From ABS-CBN, from TV5."

Kaugnay nito, may kuwento si Angelica nang tawagan siya tungkol sa pagpunta sa Golden Screen TV Awards, kung saan nga siya nanalo bilang Best Comedy Actress.

Lahad ng aktres, "Kahapon kasi [Monday], roller-coaster na ang emotions ko.

"Noong sinabi sa akin ni Mama Bear, sabi niya, ’I have to tell you something. Kailangan sa akin manggaling. Angge...’

"Ang tagal niyang sabihin...Akala ko, ’Mawawala na ang Banana Split. Magpapaalam na tayo.’

"Sabi niya, ’Angge...’ Oh, my god! Nag-breakdown na ako!

"Sabi niya, ’Angge, nanalo ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Huh? Saan?’ Akala ko kasi mawawala na ang show.

"Tapos sabi niya, ’Bakit ka umiiyak?’

"’Akala ko mawawala na ang show.’

"So, siguro nga, sobrang stressed, tapos ooperahan na si Derek, tapos magsu-shoot ako ng commercial.

"E, parang naka-receive na yata siya [Mama Bear] ng calls, so parang nakakutob na siya [na nanalo ako], so sinabi niya sa akin.

"Parang, ’Pumunta ka, mag-ayos ka.’

"Pero nanginginig ako kahapon habang kausap ko siya.

"Hindi ko ma-imagine na nasa shoot ako, kailangan maganda ako para sa commercial.

"Pero maya-maya, tsine-check ko ang boyfriend ko, yung operation niya, kung okay siya.

"Tapos, noong finally nagising siya [Derek], masaya na ako. Work mode na.

"Alam mo yun? Ang dami ng pinagdaanang emosyon ko kahapon."

Wala man daw siya personally sa ospital habang inooperahan ito at nakalabas na ng recovery room, nagpadala naman daw siya ng notes at mga paboritong pagkain ng kasintahan.

"Nagpadala ako ng card, mga ice cream na favorite niya para makakain siya.

"Kasi, before the operation, ilang oras siyang hindi uminom ng water.

"Nakarating ako sa ospital, mga 4 a.m. Tapos, groggy siya. Hindi niya ako makilala.

"Noong magising siya ng 7 a.m., pina-move niya ako, pinatabi niya ako sa tabi niya.

"Tapos yun, happy siya, hindi na masakit, kasi nararamdaman na niya unti-unti yung arms niya.

"Happy na siya."

Ayon kay Angelica, ngayong araw na ito, Nobyembre 30, ay palabas na ng ospital si Derek.

Pero mga dalawang buwan pa raw bago tuluyang gumaling ang kamay ni Derek mula sa operasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN