Gabby Concepcion on daughter KC’s breakup with Piolo Pascual: "Let’s move on, let’s move forward and forget about the past."

Gabby Concepcion to daughter KC: "Andaming challenges kasi sa buhay, e, di ba? Pero yung mga dinadaanan niyang challenge, palagay ko, hindi na niya... Ewan ko, ewan ko kung mananalo pa siya dun sa challenge na yun. Mahirap kalabanin yung ganong klaseng challenge."


Nakunan ng pahayag ng Balitanghali ng GMA News TV si Gabby Concepcion tungkol sa breakup ng anak niyang si KC Concepcion sa aktor na si Piolo Pascual.

Ipinalabas ang report kaninang tanghali, November 30.

Kahit daw busy sa promotion ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Yesterday Today Tomorrow, hindi raw maiwasan ni Gabby na mag-alala para sa anak.

Nuunawaan daw niya ang mga pinagdadaanan ni KC.

Ayon kay Gabby, "Andaming challenges kasi sa buhay, e, di ba?

"Pero yung mga dinadaanan niyang challenge, palagay ko, hindi na niya...

"Ewan ko, ewan ko kung mananalo pa siya dun sa challenge na yun.

"Mahirap kalabanin yung ganong klaseng challenge."

May payo namang ibinigay si Gabby para sa anak:

"Let’s move on, let’s move forward and forget about the past.

"We only learned the hurt that happened to us now, just put it [behind] us."

K BROSAS. Nakausap din ng Balitanghali ang matalik na kaibigan ni KC na si K Brosas.

Ayon kay K, nakasama niya last week sa show sa Nagoya, Japan sina KC at Piolo.

Naging close sina K at KC sa pinagsamahan nilang teleserye noon sa ABS-CBN na Lovers In Paris, kung saan leading men ni KC si Piolo at Zanjoe Marudo.

Kuwento ni K, hindi sila nakaramdam ng tensiyon kina KC at Piolo, kahit na naghiwalay na nga ito during the show sa Nagoya.

Aniya, "Yung mga ganun or something na mga problema, di ba nakikita yun?

"Itong dalawa, napaka-professional at dun ako napabilib talaga.

"Walang nakakaalam ng tensiyon, wala, whatsoever.

"The show went very smoothly."

Wala rin daw bakas ng kalungkutan si KC during their stay sa Japan. Panay kuha pa raw sila ng litrato ni K at panay kain ng Japanese food.

Saad pa ni K, "She’s fine, and she’s going to be fine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutuwa naman ako, kahit papano, ang lola [KC] mo, wala naman kaming ginawa kundi ang magtawanan nang magtawanan.

"May mga moment na tumutulala ang lola mo!" sabay tawa ni K nang napakalakas.

"Tumutulala ang lola mo, tapos ang ginawa ko, ’Shhhh, shhhh, hoy, hoy.’

"Pero paminsan-minsan lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN