Marvin Agustin denies negotiating with other networks, will stay as a Kapuso

"Kahit na nag-expire na ang contract ko with GMA-7, I am still meeting with them at pinag-uusapan namin ang mga projects na gagawin ko para sa kanila. Kapuso pa rin naman tayo," says Marvin Agustin.


Nag-expire na ang kontrata ni Marvin Agustin sa GMA Artist Center.

Dahil dito, usap-usapan na muli raw siyang nakikipag-usap sa dati niyang home studio, ang ABS-CBN, para sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network para gumawa ng isang drama series.

May balita ring nakikipag-negotiate daw si Marvin sa TV5 for possible TV projects.

Pero pinabulaanan ni Marvin ang mga balitang ito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng suspense-thriller film na The Road ng GMA Films sa SM Megamall last November 25.

Ayon kay Marvin, nakikipag-meeting siya sa executives ng GMA-7 para sa mga susunod niyang projects.

Kaya safe daw sabihin na Kapuso pa rin siya.

Aniya, "Kahit na nag-expire na ang contract ko with GMA-7, I am still meeting with them at pinag-uusapan namin ang mga projects na gagawin ko para sa kanila.

"Kapuso pa rin naman tayo.

"Kita n’yo naman, nagawa ko pa ang pelikulang The Road at kakatapos lang naman ng Iglot.

"Kung anuman ang kalalabasan ng pag-uusap namin, abangan na lang nila.

"Wala pa akong nakaka-meeting na ibang mga tao from other networks. Mga taga-GMA-7 lang.

"Hintayin na lang natin kung ano ang mga gagawin ko sa Kapuso network in 2012."

Wala raw reklamo si Marvin sa mga naging projects niya sa GMA-7 magmula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN noong 2006.

Ang una niyang naging project sa Kapuso network ay ang I Luv New York kunsaan muli silang nagtambal ng ka-loveteam niya sa Dos na si Jolina Magdangal.

Nasundan pa ito ng mga sumusunod na shows:

Mga Mata Ni Angelita, Marimar, Babangon Ako’t Dudurugin Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan, Asian Treasures, Dear Friend, La Lola, SRO Cinemaserye Presents Ganti Ng Puso, Adik Sa ’Yo, Tinik Sa Dibdib, Panday Kids, Pilyang Kerubin, Kitchen Superstar, Beauty Queen, at Iglot.

Nasubukan din niyang mag-host para sa SOP at Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marvin, "I cannot complain dahil parati akong may trabaho sa GMA-7. Hindi nila ako pinapabayaan."

BUSINESSMAN. Ngayon, bukod sa kanyang pagiging aktor ay isa na ring successful businessman si Marvin.

Meron na siyang 17 restaurants na pinapatakbo kasama ang ilang partners. Ilan sa mga pag-aari niyang restaurants ay ang Sumo Sam, Mr. Kurosawa, Johnny Chow, Marciano’s, at John and Yoko.

Isa na rin siyang concert producer via his production house, Futuretainment Inc.

Nadala na ng kanyang production house sa Pilipinas ang international artists na sina Miley Cyrus, Bruno Mars, Maroon 5, at pinakahuli ay ang Black Eyed Peas.

Saad ni Marvin, "Nasabi ko nga before na hindi lang showbiz ang puwede nating pagkakitaan forever.

"Darating ang time na hindi ka na kukunin dahil may mga bago na.

"Kung dati leading man ka, soon ay magiging support ka na lang na nangyayari sa maraming artista talaga.

"Kaya ang pagnegosyo na ang pinasok natin and I thank God for making it a success.

"Maraming tumatangkilik sa mga restaurants namin all over Metro Manila.

"Pati na sa mga concerts, we are very happy with the outcome kaya inspired kami to get other concert performers.

"And despite the other things I do, nagagawa ko pa rin ang mga trabaho ko sa showbiz.

"Time management lang naman ’yan.

"Kung mahal mo ang mga trabaho mo, they will love you back as well," sabi niya.

JOLINA-MARK WEDDING. Napag-usapan din ang hindi pagdalo ni Marvin sa kasal nina Jolina Magdangal at Mark Escueta sa Tagaytay noong November 21.

Imbitado raw si Marvin sa wedding na iyon, nagkataon lang na meron siyang naka-schedule na flight to Cebu dahil magbubukas ang isang restaurant niya doon.

Paliwanag ng aktor, "Gustuhin ko man na nandoon ako sa wedding ni Jolens, hindi talaga pumuwede.

"Matagal nang naka-reserve yung date na iyon for the opening of Sumo Sam in Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-sorry ako kina Jolens at Mark kasi nga hindi na ako makakadalo talaga sa wedding nila.

"Kung puwede ko lang hatiin ang katawan ko para nasa dalawang events ako, gagawin ko.

"Naintindihan naman ng mag-asawa ang lahat at nagpaabot ako ng congratulations sa kanila.

"Alam ko na ito ang matagal na nilang hinihintay.

"Ngayon na mag-asawa na sila, may they have a happy life as husband and wife."

Alam daw ni Marvin ang mga plano ni Jolina para sa kasalan na iyon.

Naikukuwento raw ito sa kanya ni Jolina kapag nagkakasama sila sa taping ng Iglot.

Bilib nga si Marvin sa pagiging maasikaso ni Jolens sa kasal nito dahil hindi raw ito kumuha ng wedding planner.

Sabi pa ni Marvin,"May irerekomenda sana ako na isang event planner na humahawak ng weddings, pero gusto ni Jolina na siya ang maging punong-abala.

"Bilib nga ako sa kanya kasi sa gitna ng taping namin at ng mga ginagawa niyang shows, naaasikaso pa niya ang magiging hitsura ng wedding nila.

"Kung sinu-sino ang mga kinakausap nila ni Mark.

"Nagugulat nga ako nakaka-memorize pa si Jolens ng script niya sa dami ng inaasikaso niya.

"Iyon kasi ang gusto niya kaya siguro hindi siya nakakaramdam ng pagod.

"Nairaos naman na nila at alam ko na magiging masaya silang dalawa."

Kailan naman kaya siya susunod na magpapakasal?

Ngumiti lang si Marvin at sinabing darating din ang araw na siya naman ang ikakasal.

"Kanya-kanyang panahon naman ’yan, e.

"Siyempre, gusto ko ring magkaroon ako ng wife na pakakasalan ko sa simbahan.

"Pero nauna na yung mga anak ko kaya sa ngayon, okey akong single.

"Sa dami rin kasi ng ginagawa ko, wala na rin akong time for dating.

"Lagi akong out of the country, may mga inaasikasong negosyo, at meron pa akong tapings at shooting.

"Wala talaga akong time for myself. Pero hahanap tayo ng oras para lang diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN