Pilar Pilapil says she has forgiven her attackers: "You cannot linger in anger for so long. I have recovered and moved on with my life."

by Ruel J. Mendoza
Dec 3, 2011
First public appearance ni Pilar Pilapil ang pag-attend niya sa 6th Walk of Fame ni Kuya Germs noong nakaraang December 1. Nang tanungin ang award-winning actress kung kumusta na siya, sagot nito ay okey siya at very busy. "I just got back from London and I did an independent movie where I had a lead role. The movie is titled Leona Calderon," she says.

First public appearance ni Ms. Pilar Pilapil ang pag-attend niya sa 6th Walk of Fame ni German "Kuya Germs" Moreno noong nakaraang December 1.

Matagal nagpahinga muna sa showbiz si Pilar pagkatapos ng kanyang na-experience na trahedya na muntik nang kumitil sa kanyang buhay.

Noong nakaraang April 15 ay natagpuang duguan dahil sa multiple stab wounds ang award-winning actress sa isang bakanteng lote sa Piedra Blanca Homes sa Antipolo City.

Tinakbo ang sugatang aktres sa Antipolo Medical Center para mabigyan ito ng first-aid treatment bago ito nilipat sa Medical City sa Pasig City para doon na ma-obserbahan at maka-recover nang maayos.

Nang tanungin si Pilar kung kumusta na siya, sagot nito ay okey siya at very busy.

Kailangan daw niyang maging abala para tuluy-tuloy ang kanyang recovery.

"I just got back from London and I did an independent movie where I had a lead role. The movie is titled Leona Calderon," masayang balita niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

"I never expected to get that work, but I am happy because I know the Lord has led me to that movie offer.

"I am also busy with church services.

"Hindi ako tumitigil sa aking pananampalataya sa ating Panginoon who is always there for us, guiding and protecting us every step of the way."

Mas okey na raw ang pakiramdam ni Pilar kaysa noon na halos takot siyang lumabas ng kanyang bahay at parati siyang may kasama na nagbabantay.

"Hindi naman agad mawawala yung sinasabi nilang trauma," aniya.

"It's still there but you have to fight it.

"Kung magpapatalo ka sa takot, ikaw ang matatalo talaga.

"I kept praying na bigyan ako ng strength ni God. I know He is always there for us.

"That kept me going and kept me strong to face the world again."

Nami-miss daw ni Pilar ang maging busy sa showbiz.

Hopefully kapag maayos na ang lahat ay makabalik siya sa pag-arte sa isang TV series.

Continue reading below ↓

"I really miss acting. Yan ang hindi puwedeng mawala sa akin. But I am busy with a lot of things sa aming church.

"Once everything is settled, I want to go back to doing TV again.

"Ganyan naman tayong mga artista, e.

"We always come back to the job we love the most," diin niya.

Tungkol naman sa kaso na isinampa niya, ongoing pa rin daw ito pero hindi pa raw nahahanap ang mga salarin.

Isa na roon ay si Rosel Rosalem Peñas, ang pamangkin ng kanyang asawa. Si Rosel ang kasama ng aktres sa kotse nang maganap ang krimen. Ayon na rin sa pulisya, kasabwat ito ng mga nanaksak kay Pilar.

"I can't say much about it because they haven't caught them yet," mabilis na sagot ni Pilar.

"But I am still praying for a miracle that justice will be served.

"Right now, tuloy ang buhay natin because I have my family, friends, church...and most especially, God."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Pilar na napatawad na raw niya ang kung sinuman ang nanakit sa kanya.

"I've forgiven them, matagal na.

"You cannot linger in anger for so long.

"I have recovered and moved on with my life.

"Kaya nga I am lifting everything to God.

"Siya ang mas nakakaalam ng lahat," pagtatapos pa ni Ms. Pilar Pilapil.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First public appearance ni Pilar Pilapil ang pag-attend niya sa 6th Walk of Fame ni Kuya Germs noong nakaraang December 1. Nang tanungin ang award-winning actress kung kumusta na siya, sagot nito ay okey siya at very busy. "I just got back from London and I did an independent movie where I had a lead role. The movie is titled Leona Calderon," she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results