Gabby Eigenmann now part of the "Eigenmann circle" after winning his first acting award

Gabby Eigenmann on his first acting award: "Kumbaga, ’yan yung stamp, e, hindi lang sa pagiging artista kundi sa pagiging Eigenmann. Kasi halos lahat naman ng miyembro ng pamilya namin, ng angkan namin, ay nakatanggap na ng awards. Puro sila award-winning actors and actresses. Natuwa ako kasi mas naramdaman ko na I’m part of that circle. Award-winning na rin ako!"


Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin si Gabby Eigenmann sa kauna-unahang acting award na natanggap niya mula sa 8th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS).

Nagwagi siya bilang Outstanding Supporting Actor in a Drama Series para sa Munting Heredera ng GMA-7.

Saad ni Gabby, "Actually, it’s my first nomination also sa acting. Tapos mauuwi rin pala sa first acting award ko.

"Hanggang ngayon, nasa cloud nine pa rin ako.

"Happy pa rin ako, yung ngiti ko talaga, hanggang tenga kasi hindi ko talaga inaasahan.

"Very thankful ako sa Munting Heredera kasi itong proyektong ito, maraming nagsabi na hindi tatagal.

"May mga nagsasabing hindi magre-rate kasi wala raw kaming superstar sa cast, kahit na nga I believe na marami sa cast members ang superstars in their own right.

"Pero it turned to be na na-extend kami nang ilang beses.

"Tapos bawat character, na-nominate—si Kuya Dick [Roderick Paulate], si Tita Glo [Gloria Romero].

"Happy talaga ako sa award ko.

"Thank you sa GMA-7, sa manager ko si Perry Lansigan, and of course, sa Golden Screen at sa Enpress."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 1 si Gabby sa Christmas party for the press ng PPL Entertainment Inc., ang talent agency ni Perry Lansigan.

Kasama ni Gabby na dumalo sa party ang iba pang artists ng PPL: Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Geoff Eigenmann, Carl Guevara, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Wilma Doesnt, at Wendell Ramos.

Ayon pa kay Gabby, sulit na sulit ang lahat ng pagod at hirap niya sa Munting Heredera.

"Napakasarap talaga ng pakiramdam kasi nga, yung hard work talaga, yung pagod at hirap namin.

"Nakailang beses na akong nadala sa ospital dahil hindi mo rin maiwasan ang maliliit na aksidente.

"Pero okay lang, part ng trabaho ’yan, e. Hindi naman nagpabaya ang GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thankful lang ako na sa tagal ko na sa showbiz, napansin din ako."

THE EIGENMANN CIRCLE. Naramdaman niya ba na mas nagkaroon ng katuturan ang pagiging artista niya dahil sa kanyang award?

"Oo," sagot ni Gabby.

"Kumbaga, ’yan yung stamp, e, hindi lang sa pagiging artista kundi sa pagiging Eigenmann.

"Kasi halos lahat naman ng miyembro ng pamilya namin, ng angkan namin ay nakatanggap na ng awards.

"Puro sila award-winning actors and actresses.

"Natuwa ako kasi mas naramdaman ko na I’m part of that circle.

"Award-winning na rin ako!" proud na sabi ni Gabby.

Dahil ba sa award na ito ay mamimili na siya ng projects sa susunod?

"May mga nagtatanong nga sa akin ng ganyan, kung magbabago na raw ba ako, mamimili ng project?

"Sabi ko, lahat naman ng projects na ibinibigay sa akin ng GMA, tinatanggap ko.

"Lahat ng roles na napupunta sa akin, ginagalingan ko naman.

"Nagkataon lang talaga na mas napansin ngayon yung role ko sa Munting Heredera.

"At saka sa panahon ngayon, kahit award-winning actor ka, hindi mo kailangang mamili.

"Ke maliit o malaki ang role mo, ang mas mahalaga ay magampanan mo ito nang maayos.

"Pagbutihin mo yung pagganap mo, gawan mo ng paraan.

"Kasi kahit maliit ang role mo, mapapansin ka pa rin."

BABY’S LUCK. Itinuturing nga ni Gabby na isa sa nagbigay ng suwerte sa kanya ang bagong panganak na baby ng half-sister niyang si Andi Eigenmann—si Adrianna Gabriellie.

Si Gabby kasi ang unang nakarating sa ospital para alalayan si Andi sa panganganak nito noong Nobyembre 23.

At ilang araw nga ang nakalipas, noong Nobyembre 29, ay nanalo na si Gabby ng award.

Aniya, "Yeah, I was there.

"Everything, parang it happened so fast.

"Parang lahat may signs, e, blessing talaga yung baby.

"Kumbaga, kung bibigyan ka raw ng biyaya ng Diyos, hindi mo talaga mae-expect kung ilang beses kang bibigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kagaya nitong...yun nga, nanganak si Andi. Nagkataong wala akong taping.

"Nung pag-text ni Andi sa akin, pack-up na yung taping namin.

"Sabi niya, ’Kuya, manganganak na ako.’

"So, ako, diretso naman ako sa ospital.

"Doon pa lang, parang God moves in mysterious ways. Sunud-sunod yung suwerte sa akin.

"Few days after the baby, eto na yung award. Blessing talaga."

NOT WELCOME. Naninindigan naman si Gabby na hindi pa welcome sa pamilya nila si Albie Casiño, ang itinuturong ama ng baby ni Andi.

Saad ni Gabby, "Nasabi na namin yun noon pa, kahit noong buntis pa lang si Andi.

"E, kasi dati pa, ayaw na nilang tanggapin, di ba? Dine-deny nila.

"Me sinasabi pa silang DNA test.

"Kung hindi niya kayang panindigan ang baby, kahit kami na ang maging tatay sa baby.

"Kung willing sila na makita ang baby, kami hindi kami willing.

"Kung ano ang desisyon ni Andi, yun ang susundin namin. Si Andi ang may last say.

"Kung okay na sa kanya, okay na rin sa amin."

CHRISTMAS WISH. Sa paparating na Kapaskuhan, ano ang wish ni Gabby?

"Actually, yung pagkapanalo ko, hindi talaga kasama sa wish ko ’yan kasi hindi ko talaga inaasahan.

"Pero ngayong nandiyan na, wish ko lang na sana mabigyan pa ako ng magagandang projects, magagandang roles.

"Itong award ang best gift ko so far and what a way to end the year, di ba?

"Siyempre wish ko rin ang good health sa family namin, lalo na’t may bago kaming miyembro sa pamilya—si Baby Ellie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN