Janice de Belen says Budoy role renewed her passion for acting; has no lovelife to speak of now

by Rose Garcia
Dec 9, 2011
Janice de Belen on being loveless: "Alam n'yo minsan, kapag na-in love ka kasi, madi-divide ang attention mo between, of course, your personal life and your career. Right now, I have renewed passion for my career. Dito muna ako. Tama na muna ako dito."

Masasabing ang 2011 ang isa sa pinakamagandang taon para sa aktres na si Janice de Belen.

Isa sa malaking dahilan nito ay ang pagkakasali niya sa primetime series ng ABS-CBN, ang Budoy, kunsaan hinahangaan ang kanyang pagganap bilang kumupkop kay Budoy (Gerald Anderson).

Ang Budoy ang unang proyekto ni Janice nang bumalik siya sa bakuran ng Kapamilya network.

Ayon kay Janice, "Alam mo, every blessing, every job, is bongga kasi blessing 'yan.

"So, okay naman ako. Kasi 2011, siguro may extra-bongga."

Dagdag pa niya, "Moving station is not easy.

"Parang buhay yun. Yung transition.

"Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, di ba? Minsan surprise.

"Pero pleasant surprise naman ito because I was entrusted with a good project like Budoy.

"I'm very happy with the project. I love the project.

"In fact, sabi nga ni Popoy [Caritativo, her manager], 'Baka naman masyado mo nang minamahal yung proyektong 'yan.'

"Ewan ko...makikita mo sa performance.

Continue reading below ↓

"Mahal ko yung show, e. And I'm really happy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa Christmas party for the press ng Luminary Talent Management sa Annabelle's restaurant kahapon, December 8.

Isa si Janice sa talents ng Luminary na pinamamahalaan ni Popoy Caritativo. Kasama niya rito sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Martin Escudero, AJ Dee, at Jestoni Alarcon.

RENEWED LOVE FOR ACTING. Nabanggit namin kay Janice na dahil sa Budoy ay nalaman ng mga batang manonood kung ano ang kalibre niya bilang isang aktres na noon pa man ay nakita na sa kanya.

Natatawang sabi naman niya, "Alam mo, feeling ko, dahil lang 'yan sa iyak, e. Pero hindi naman.

"I don't know...parang na-renew rin yung love ko for acting.

"Siguro kahit ako, nararamdaman ko, 'Oh, my God, ang sarap palang gawin!'

"Alam n'yo, kapag artista ka, you move from one project to another.

"At some point, you will feel burnt out, di ba?

Continue reading below ↓

"Kaya kailangan talaga, magpapahinga ka [after] each project.

"Parang sa phone, kailangan mong mag-recharge.

"So, pagbalik mo sa proyekto, fresh ka ulit.

"Siguro, it is because new environment...In a way, kailangan mong magpakitang-gilas.

"And it is a different story. May mga bago kang katrabaho.

"May mga palagi kang nakakatrabaho na alam mo na...it feels different to work again yung mga old friends ko sa ABS."

GERALD ANDERSON. Si Gerald Anderson ang madalas makasama ni Janice sa mga eksena nila sa Budoy. Kumusta naman ang working relationship nila?

Kuwento ni Janice, "Noong una, siyempre naramdaman ko ang ilang.

"Kahit naman ako, siyempre bago.

"Kailangan mag-ina kami, tapos yung degree ng pagka mag-ina namin.

"Siyempre, may konting ilangan.

"Bago kami mag-taping, nakita ko siya sa story conference. Nakita ko siya sa reading.

"Siguro nga to familiarize everybody with the character.

"Pero noong unang taping, hindi nga kami masyadong nag-uusap kung hindi take, e."

Continue reading below ↓

Sino ang unang gumawa ng hakbang para mawala ang ilang nila sa isa't isa?

Saad ni Janice, "Siyempre magha-hi siya, babati siya. Tapos, eksena na agad.

"Ang una pa naming eksena, yung nagba-babay kami.

"Pero alam n'yo, kapag artista ka, you have to...game face na kaagad. So, ready kami.

"Noong nandoon kami, ginagawa mo ang kailangan.

"Noong second day, hindi pa rin masyado.

"Noong third day, medyo nag-uusap na kami, nagba-bonding na kami.

"Ngayon, heavily bonded na kami."'

Nag-o-open up na rin ba si Gerald sa kanya tungkol sa mga personal na pinagdadaanan nito, gaya ng lovelife?

Sabi ni Janice, "I think in a friendship, hindi maiiwasan yung ganoong bagay."

NEXT MOVE. Sa ngayon, hindi pa alam ni Janice kung pagkatapos ng Budoy ay may naka-lineup na sa kanyang show ang ABS-CBN.

May kontrata ba siya sa ABS-CBN?

"Wala pa kaming kontrata. Hindi pa kami nag-i-start sa contract and okay lang," sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

Ang nakababatang kapatid ni Janice na si Gelli de Belen ay lumipat na sa TV5. May posibilidad din kayang sundan niya ito sa Kapatid network?

"Alam mo, you have to always be open [to] whatever.

"So, let's see. Let's see.

"Right now, i-enjoy ko muna 'to," sagot ni Janice.

Tuloy pa rin ang paghu-host ni Janice ng lifestyle show niyang Spoon sa Net 25.

Pero hindi ba niya nami-miss ang morning show nila noon nina Gelli at Carmina Villarroel sa GMA-7, ang SiS?

Sabi ni Janice, "Nami-miss ko si Carmina... Hindi bale na si Gelli dahil kapatid ko naman siya.

"Nami-miss ko na makita si Carmina. Nami-miss ko yung makulit kami sa dressing room.

"But it's a part of change.

"When change happens, sometimes change is not happy.

"Sometimes change is sad. Sometimes change is happier."

RESTFUL CHRISTMAS. Ngayong Kapaskuhan, natatawang sabi ni Janice na ang plano niyang gawin ay "pahinga."

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, "E, kasi, kapag may soap ka, di ba, ang ginagawa mo, naghahabol?

"Everybody wants to enjoy the vacation, di ba?

"Every day kaming nagte-taping.

"My children will spend part of the holidays with their father [John Estrada].

"Ako, pahinga naman.

"Kasi, every day naman, I look forward to these last few days of the year because naglilinis ako.

"Naglilinis, nagliligpit...promise!

"Gusto ko 'yan, naglilinis, nagliligpit.

"Pero parang this year, mahihiga lang ako."

JANICE'S LOVELIFE. Madalas na kasabihan sa showbiz, "kapag bongga ang career, nagsa-suffer naman ang lovelife."

Ganito rin ba ang kaso ni Janice ngayon?

"Hindi naman," nakangiti niyang sabi.

"Alam mo, palagi kong naririnig 'yan.

"Pero, di ba, dapat hindi?

"Dapat we should make the most of everything that we have.

"But since I only have my career and my family, I have to make the most of that."

Kumusta nga ba ang lovelife niya ngayon?

"Lovelife? Alam mo, I have so much love.

Continue reading below ↓

"Right now, love is...you know, hindi ko iniisip.

"Hindi ko rin alam kung bakit.

"Wala akong lovelife.

"I enjoy being with friends.

"I have a renewed passion for what I'm doing.

"I'm starting to enjoy going out again.

"Yung paminsan-minsan, pasulpot-sulpot with friends na enjoy 'kong kasama.

"Ganoon lang. Okay na muna ako rito."

Dagdag niya, "Alam n'yo minsan, kapag na-in love ka kasi, madi-divide ang attention mo between, of course, your personal life and your career.

"Right now, I have renewed passion for my career.

"Dito muna ako. Tama na muna ako dito."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janice de Belen on being loveless: "Alam n'yo minsan, kapag na-in love ka kasi, madi-divide ang attention mo between, of course, your personal life and your career. Right now, I have renewed passion for my career. Dito muna ako. Tama na muna ako dito."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results