Governor Vilma Santos on the relationship of her son Luis Manzano with Jennylyn Marcado: "Huwag nating pangunahan na baka ikakasal na ’yan o magbubuntis...let them enjoy the relationship."

Actress and Batangas Governor Vilma Santos asks media to allow her son Luis Manzano and Jennylyn Marcado to get to know each other.

"These are two people who are enjoying their relationship now. So ibigay na natin iyon sa kanila. Nagkataon na anak ko si Luis. Iyon lang ang masasabi ko. Bigyan muna natin sila ng leeway to let them enjoy the relationship. At huwag mag-overboard na tayo ang magdidesisyon for them," she says.


Naging sentro ng atensiyon ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado sa ginanap na grand finals ng VSR (Voices, Songs, & Rhythms) nuong Miyerkules, Disyembre 7, sa Calaca town, Batangas.

Ang nasabing event ay isa sa mga highlights ng Ala Eh Festival kaugnay ng celebration ng foundation day ng Batangas.

Naroon si Luis bilang host kasama si Ruffa Gutierrez, samantalang si Jennylyn naman, kasama sina Ogie Alcasid, Jean Garcia, at ilan pang celebrities ay mga judges naman para sa kompetisyon.

Hindi maitago ang sweetness sa isa’t isa nina Luis at Jennylyn kahit pa alam nilang ang daming taong nakamasid sa kanilang dalawa nang gabing iyon.

At mukha namang masaya si Batangas Governor Vilma Santos para sa kanyang anak na si Luis at girlfriend nga nito na si Jennylyn.

"Maligaya talaga ako for them," ang sabi ng Star For All Seasons sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

"Kasi ang unang-una naman sa akin para maging maligaya ako is to see my son happy.

"Nakita kong masaya si Lucky. Dahil siguro pinasasaya siya ni Jen."

Bago ang ginawa ni Luis ang pag-amin na sila na nga ni Jennylyn, kinonsulta ba siya nito?

"Lagi naman kaming may konsultahan. But ’yong pag-amin, sila lang ni Jen ’yon.

"Wala namang nalilihim sa akin when it comes to his lovelife. Kasi andito ako to guide.

"Pero I’m not meddling. Hindi ako nakiki-tsismis sa kanya.

"I’m just here to guide especially...I’m very very particular sa kaligayahan ng anak ko.

"Basta ang sa akin...masaya lang siya, masaya na rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For sure lagi naman silang may communication ni Jennylyn dahil magkasundo nga sila.

Does she also call or text her often?

"Through Lucky.

"Again if I may...I don’t want to meddle, e. I don’t want to impose on any [one].

"Kahit through Lucky...my regards to Jen, everytime nangungumusta ako sa anak ko. But again nasa kanila iyon.

"Pero we also see Jen. Nagkakausap naman kami."

At sa mga pagkakataon daw na nagkakausap sila, enjoy naman daw si Ate Vi.

DOWN TO EARTH. "Kasi si Jen is one person na down to earth, e.

"Ito rin ’yong kung ano...what you see is what you get kay Jen. Which I like.

"Kasi, mahirap ’yong may ano, e... pa-impress.

"But...Jen is taong-tao. That’s why I enjoy her company kapag nagkikita kami.

"Kasi game lang, e. Game lang siya."

Ano ang kadalasang pinag-uusapan nila?

"Ni Jen? A lot of things. Current issues. Kung ano ang meron diyan, we talk about it.

"But, ah... you can even ask Jen, ni minsan hindi ako nagtanong sa relationship nila ni Lucky.

"I can talk about it with my son...kay Lucky.

"But definitely not with Jen. Kasi, silang dalawa ’yon.

"So...siguro we’ll just wait. We will have more time with Jen siguro.

"And with...Jazz, ’yong anak niya.

"...Looking forward kaming pamilya to be with them."

What are her impressions of Jen?

"She’s very down to earth nga.

"Wala siya ’yong...best foot forward. Ah...what you see is what you get with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung gusto niyang tumawa. Tatawa siya. Kung gusto niyang mag-joke, magdyu-joke siya.

"Which ako...bilang tao at isang artista rin at may pulso rin sa tao, I think mas gusto ko ’yong gano’n.

"Walang pa-impress. ’Yong...kung ano ako, ito ako.

"You know, I guess the most important thing is respect lang. Respeto is very important.

"And again if I may...I respect their relationship.

"So kung do’n lang, ini-expect mo din na lahat ng makaka-meet mo, may respeto. Iyon lang naman ’yon.

"But aside from that, wala na akong ini-expect na higit pa. Ang gusto ko lang maging maligaya sila."

GLOWING. May mga karagdagan pa ba siyang pagbabagong napapansin kay Luis ngayong lantad na sa kaalaman ng lahat ang relasyon nito at ni Jennylyn?

"Parang glowing ano?" nangiti si Ate Vi. "Si Jennylyn din, glowing, e.

"Alam mo, once ang tao ay happy, at in a way...kuntento, it will come out. Sa mukha, sa gestures, sa outlook.

"So...I think nakikita ko ’yon sa anak ko.

"Napaka-positibo ng mukha ng anak ko ngayon.

"So I’m happy para sa anak ko. And kay Jen... thank you. She looks beautiful too!" muling nangiting sabi ng aktres.

Laging suot ni Jennylyn ang singsing na iniregalo ni Luis. May alam ba si Governor Vi tungkol dito?

"No. I don’t ask anything tungkol sa mga rega-regalo.

"Token ’yan. Personal na nila ’yan.

"Ang concern ko hindi sa material. Ang concern ko more on feelings.

"I just need assurance na maligaya ang anak ko. At kung masaya sila [Luis and Jennylyn], masaya na rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yong little things like that [regalong singsing ni Luis kay Jennylyn], that’s between them.

"And let it be. Ibigay natin sa kanila iyon."

Ngayong bukas na sina Luis at Jennylyn sa kanilang relasyon, kanya-kanya ring reaksiyon siyempre ang publiko.

May mga nagwi-wish na sana sila na nga ang magkatuluyan. May mga nagsasabi rin na baka hindi sila tumagal.

Sa tingin ni Ate Vi, magkakatuluyan ba ang dalawa?

"Ngayong umamin na sila, e, di okey.

"Ibig sabihin it’s confirmed that they are definitely together. Ibig sabihin may commitment.

"But again in anything that we do, whether sa lovelife o career or what...kanya-kanyang interpretasyon ng tao iyan, e.

"Hindi natin mai-expect na mapi-please nating lahat. At lahat ay papabor. At lahat ay maniniwala.

"But at the end of the day, kayong dalawa ang magsasama, kayo ang prayoridad.

"Kung sa palagay ninyo ay puwede kayong magkatulungan to enhance and to make sure na successful ’yong relationship...’Yon ang priority.

"Hindi ’yong sasabihin ng ibang tao."

CALL HER MOMSIE. Ready na ba siyang magka-apo kina Luis at Jennylyn?

"Oo. Ready naman ako na magkaroon ng apo.

"Huwag lang tawaging lola!" sabay tawa ulit niya. "Momsie! Ha-ha-ha! Momsie na lang."

Ready na ba siya kung sakaling sa isang taon ay may announcement naman sina Luis at Jennylyn na may plano na rin silang pakasal?

"Wala. Hindi natin maku-control ang takbo ng buhay ng tao. Lalo na ng anak ko.

"Again...hindi natin desisyon. Desisyon niya iyon.

"Ang importante lang, respect and love should be there. Iyon lang ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But again kung desisyon na nilang magpakasal o hindi pa...huwag natin silang unahan.

"Ang alam ko lang, nasa stage pa lang sila na they’re trying to know each other better.

"Which I guess, is very important in a relationship.

"So huwag nating pangunahan na baka ikakasal na ’yan o magbubuntis. Huwag naman.

"Ah...these are two people who are enjoying their relationship now.

"So ibigay na natin iyon sa kanila. Nagkataon na anak ko si Luis.

"Iyon lang ang masasabi ko. Bigyan muna natin sila ng leeway to let them enjoy the relationship.

"At huwag mag-overboard na tayo ang magdidesisyon for them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN