Watch Now

Jaya on her protégé Lovely Embuscado: "Talagang nakikitaan ko siya ng potential to become a known name."

by Rose Garcia
Dec 11, 2011
Bukod sa pagpu-promote ng kanyang bagong album, All Souled Out, busy rin si Jaya sa pagiging mentor kay Lovely Embuscado sa Protégé. "But I'm very lucky ha, lucky ako sa kanya [Lovely]. Nakakalusot siya palagi at saka, marami siyang fans," Jaya says.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaya sa kanyang mall tour para sa kanyang album sa Universal Records (UR), ang All Souled Out, sa SM Megamall nuong Biyernes, December 9.

Unang album ito ni Jaya under UR dahil nauna siyang naging contract artist ng Viva Records.

At nang matapos naman ang kontrata niya sa GMA Records saka pa lang din siya nag-sign-up naman sa UR.

Ayon naman kay Jaya, "Actually, okay naman silang lahat.

"Nag-end na lang ang contract sa GMA and may offer from Universal.

"Maganda rin sa UR, marami kaming option, mas wide rin ang marketing nila kaya sobrang lawak din ng nararating nila."

Her album consists of classics. Na-realize din daw ng UR na Queen of Soul ang tag sa kanya, pero, wala pa siya halos masasabing all-soul na album.

"Walang original dito [sa bagong album].

"'Yun din ang gusto ng Universal. Parang inano kasi nila na Queen of Soul, pero, wala ka pang album na all-soul music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya walang masyadong birit 'to."

Last month lang na-release ang kanyang All Souled Out album kaya masaya raw si Jaya na mabilis naman ang sales nito.

HER PROTEGE. Bukod sa pagpu-promote ng kanyang bagong album, busy rin si Jaya sa pagiging mentor kay Lovely Embuscado sa Protégé.

Natatawa at sabay hirit nga ni Jaya nang kamustahin siya tungkol dito.

"Stressful!" aniya.

"Siyempre, nakakatakot, e. Ipinapasok mo siya.

"Every Sunday, nangangamba ka. Nakakatakot kasi, nakakaawa rin ang mga protégé namin.

"But I'm very lucky ha, lucky ako sa kanya [Lovely].

"Nakakalusot siya palagi at saka marami siyang fans.

"Mataas naman ang text votes niya at so far, gusto siya ng judges.

"Siguro kasi, yung performances niya, consistent naman.

"Although, there are times na malakas ang nerbiyos niya.

"Pero talagang nakikitaan ko siya ng potential to become a known name."

"Minsan na-eliminate si Lovely pero nagkataon lang na nuong week na yun, nagkaroon ng wild card kung kaya't isa si Lovely sa nakabalik muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TEXT VOTES OR JUDGES' DECISION? Maraming "violent reaction" dahil sa pagkakatanggal ng protégé ni Jaya because of text votes.

"Actually, doon ako nagtaka na ang dami palang ano—doon na kami nagkalituhan.

"Text voting ba ang importante or judges' decision?" tanong ni Jaya.

"Pero noong nagkaroon ng wild card, parang hindi rin kami natanggal.

"Kailangan lumaban ulit and then, luckily, nakapasok kami nina Nomer at Lovely."

Dalawa ang matatanggal ngayong Linggo, Disyembre 11, sa Protégé.

Natatawang sabi pa ni Jaya, "Kaya iniluhod na namin ito sa lahat ng simbahan! Bakbakan 'tong Sunday na 'to!"

Confident ba siya kay Lovely?

"I have to be very confident. Kasi, magaling naman talaga siya.

"Hindi ko makitaan ng hindi siya magaling, tamad-tamad.

"Wala...talented siya, e.

"Although, yun nga lang minsan, may mga nagko-comment na kesyo hindi naman siya maganda, ganito, ganyan.

"Pero, sino ba ang maganda sa tingin ninyo na talagang magaling din?

"Ano 'yan, e, babalansehin mo 'yan. Talent talaga ang mangingibabaw before anything else."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tutuusin, masuwerte si Lovely for having Jaya as her mentor.

Halos twice a week, dumadalaw si Jaya. This week lang daw, nagluto siya sa Protégé house.

Pero ayon sa kanya, "Mahirap din naman kasi na palagi kang nandoon.

"Minsan kasi, magre-rely sila.

"It's more on becoming independent and at the same time, getting a lot of knowledge from us.

"But they have to also work hard for what they need, 'di ba?"

COMPETITION AMONG MENTORS. Kinamusta rin namin kay Jaya ang relationship or anumang competition meron sa kanilang mga mentors.

Ayon naman kay Jaya, "Okay lang naman. Like kami ni Aiza [Seguerra] we're okay. Si Jay R, si Ms. Claire dela Fuente okay rin naman. Si Janno Gibbs.

"Wala naman kaming matinding bakbakan.

"Although si Janno, minsan, nagko-comment sa judges.

"May mga ganoon silang patutsada. Pero ako, hindi ako sumasali. Si Aiza rin. Tahimik lang kami.

"Alam mo na, may masabi kang isang mali, palalakihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jaya plans to spend Christmas with her family.

Magpapahinga daw siya ngayong Pasko.

"It's either I'll cook or kung may gusto kaming kainin, oorderin namin.

"Kumakain na kami between 7-9. The next day na kami magtsi-chikahan."

Read Next
Read More Stories About
Lovely Embuscado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pagpu-promote ng kanyang bagong album, All Souled Out, busy rin si Jaya sa pagiging mentor kay Lovely Embuscado sa Protégé. "But I'm very lucky ha, lucky ako sa kanya [Lovely]. Nakakalusot siya palagi at saka, marami siyang fans," Jaya says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results