Allan K on winning PMPC award for Best Male Variety Show Host: "Sabi ko noong araw, wala na akong dreams...No’ng manalo ako...ay, ito pala iyon."

Ano ang magandang idinulot kay Allan K ng napanalunang award for Best Male Variety Show Host?

"Dati kapag tinatanong ako...anong gusto mong birthday gift? Anong gusto mong Christmas present? Ang sinasagot ko...hindi ko alam. Kasi meron na naman ako lahat. Hindi naman sa mayamang-mayaman ako. Pero kahit na anong sabihin mo...meron ako...Tapos no’ng narinig kong nanalo ako...ito na. May ganito pala na hindi nabibili. Ito pala ’yon na hindi na


Naging issue ang ginawang pagbibiro ni Joey de Leon sa Eat Bulaga! recently tungkol sa pagkapanalo ni Allan K as Best MaleVariety Show Host sa nakaraang 25th PMPC Star Awards For Television.

Nagwagi rin kasi si Vic Sotto sa gano’ng kategorya sa katatapos ding Golden Screen Awards ng Enpress (Entertainment Press Society).

Kahit biro nga lang, para umanong hindi magandang pakinggan ’yong nasabi niya na ang publiko na raw ang humusga kung alin ang mas credible na pagkapanalo.

’Yong kay Bossing ba o ’yong kay Allan?

Tungkol nga roon ang naunang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Allan sa kanyang advance birthday blow out for the press kahapon sa Zirkoh, sa Tomas Morato, Quezon City.

"Hindi ako apektado no’n," natatawang sabi ng TV host-comedian. "Kasi kilala ko na si Joey, e."

Sa palagay ba niya, ikukwetiyon ang kanyang pagkakapanalo?

"Of course not!" kampanteng sagot ni Allan sa tonong halos humiyaw na siya.

"Sa lahat ng...pati sa radio shows at mga TV shows, kapag sinabing deserving na nasa Top 5...kasama ako sa lima na ’yon. Di ba?"

Kung sabagay, maraming taon na rin ang ginugol niya sa paghu-host. At pinaghirapan talaga niya kung anuman ang kinatatayuan niya ngayon.

"Totoo. I’ve been hosting for 17 years na.

CROWNING GLORY. "At ’yong pagkapanalo ko, parang crowning glory for me sa 17 years na itinagal ng hosting career ko."

At sa labing-pitong taon na paghu-host niyang iyon sa telebisyon, nahasa na talaga siya.

And he was able to work with the best, gaya nga nina Tito, Vic and Joey sa Eat Bulaga!

"Oo naman!"

No’ng nanalo ba siya sa Star Awards, ano talaga ang initial reaction ni Joey base sa narinig niya mula rito?

"He was so happy.

"Actually the next day, sabi niya...hanep, galeng! Ginano’n niya ako... Congratulations!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Niyakap niya ako.

"Si Joey walang qualms siya sa akin. Bilang bading ako...niyakap niya ako. Hinahalikan ako.

"’Yong mga babae [na hosts ng Eat Bulaga!] namin, hindi niya ma-beso. Ako bini-beso niya, e. Mahal ako no’ng tao. Pramis!"

Si Vic naman?

"Wala...niloloko lang niya ako.

"Si Bossing...wala.

"Sabi niya...ay, nanalo ka? Hindi kita na-congratulate kanina.

"E, kasi late siya dumating," sa Eat Bulaga! the following day after nga na manalo siya sa Star Awards, ang ibig sabihin ni Allan.

"E, sa opening ng show ako kinungratulate ng mga babae [na co-hosts nila sa show].

"Siya [Vic] kasi, ang pasok niya...Pinoy Henyo at saka sa Juan For All.

"E, tapos na ’yong show nang sinabi ni Malou [Fagar, TAPE executive] na...Bossing, nanalo ’yang best host!

"Sabi naman niya...a, talaga?"

CHANNELING BOY ABUNDA. Sa mga nang-iintriga sa pagkakapanalo niya, may mensahe ba siyang gustong iparating?

"A...matuwa na lang kayo!

"Kapag nanalo kayo at may mang-intriga sa inyo, malulungkot kayo!" sabay tawa niya.

May mga nananalo ng awards na consistent taun-taon. Hangang sa maging Hall of Famer na kaparis ng King of Talk na si Boy Abunda.

Nangangarap ba siyang ma-achieve din ang gano’n?

"Why not?

"Kasi after na manalo ako, parang nabigyan ako ng responsibilidad na galingan ko pa!" natawa ulit na sabi ni Allan.

"Mas may pressure na ngayon.

"Hindi ka puwedeng la-lousy-lousy habang naghu-host!

"Kaya kahit na malat. Kahit na may sipon. Kahit ngongo...energy dapat."

DREAM COME TRUE. Ano naman ang magandang idinulot sa kanya ng napanalunang best Male Variety Show Host?

"A...parang sabi ko noong araw, wala na akong dreams. Isa pala ito. No’ng manalo ako...ay, ito pala iyon.

"Dati kapag tinatanong ako...anong gusto mong birthday gift? Anong gusto mong Christmas present? Ang sinasagot ko...hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi meron na naman ako lahat. Hindi naman sa mayamang-mayaman ako. Pero kahit na anong sabihin mo...meron ako.

"Lahat ng gusto ko, nabili ko na.

"Tapos no’ng narinig kong nanalo ako...ito na.

"May ganito pala na hindi nabibili. Ito pala ’yon na hindi nabibili," nakangiti pero tila gustong maluhang sabi pa ni Allan.

"Kasi nga, kahit anong bagay na gusto ko, nabibili ko."

Pati lovelife?

"Pati lovelife! Oo...nabibili ang lovelife!" humahalakhak na biro pa niya.

LOVELIFE. Kumusta nga ba ang lovelife niya ngayon?

"Ang lovelife ko...wala, pa-fling-fling lang."

Hindi kaya takot siyang magkaroon ng seryosong lovelife o dahil baka ang matapatan niyang lalake...pera lang pala ang interes sa kanya?

"Actually, nauunahan ka ng gano’n, e."

Bilang gay, hindi na nga ba siya umaasa ng totoong pagmamahal mula sa kung sino mang lalake?

"Ang asahan mo...kung bisexual siya. Iyon, puwede kayong magmahalan.

"Pero kung lalake ’yan...wehhh!

"Kapag sinabihan ka ng ’I love you,’ gaganunin mo lang...wehhh!"

So hindi siya nag-iilusyon na may lalakeng totoong magmamahal sa isang bading na gaya niya?

"Alam ko ang reyalidad."

Kaninong tao niya mas gustong i-invest nang buo ang kanyang pagmamahal?

"Sa family ko siyempre.

"Sa mga kapatid ko. Sagot ko sila lahat, e. Ipinangako ko ’yon sa nanay ko when she was dying.

"Sabi ko...huwag ka nang malungkot.

"Ipinangako ko sa kanya na I’ll take care of all my brothers and sisters as long as makakaya kong tumulong."

December 13 ang misomg birthday ni Allan. Kaugnay nito, may birthday concert din nga siya sa Zirkoh-Morato sa December 16 and 17. Ang title...Big Day ni AK! The Birthday Show.

"Fullfilled na ako!" nasisiyahang sabi pa ni Allan.

Wala na siya talagang anumang birthday o Christmas wish pang masasabi?

"Wala na."

Ano nga palang plano niya ngayong Pasko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa bahay lang with my family. ’Yong mga taga-Bacolod, luluwas."

Nangiti si Allan sa huling hirit na katanungan sa kanya tungkol sa pagkaka-link ni Vic ngayon kay Pauleen Luna.

Ano ba ang totoo rito sa pagkakaalam niya dahil Monday to Saturday silang nagkakasama sa Eat Bulaga!

Ano ba ang kuto niya? Ano ba ang napapansin niya sa dalawa?

"What you see is what you get."

Anong ibig niyang sabihin with that?

"A...kung ano ang nakikita n’yong sweetness sa kanila, iyon na ’yon."

May something special na sa pagitan nina Vic at Pauleen?

"I hope magkaroon para masaya!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN