Boy Abunda aspires for an international TV hosting career

Boy Abunda on a possible international TV hosting job: "Wala pa, e. I think what can happen, you create that, e. You somehow create that offer, e. You see yourself in many ways."


Isang karangalan ang natanggap ng King of Talk na si Boy Abunda at ng bansang Pilipinas nang manalo ang programa niyang Bottom Line ng ABS-CBN sa kakatapos lang na Asian TV Awards na ginanap sa Singapore.

Huwebes ng gabi, December 8, nang personal na tanggapin ni Boy ang karangalan; kasabay ng pagtanggap din ng TV5, na nanalo sa kategoryang Best Theme Song para sa drama anthology na Star Confessions.

Hindi pa humuhupa ang kasiyahan sa mukha ni Boy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa programa niyang The Buzz nitong nakaraang Linggo, December 11.

Wala raw sa hinagap ni Boy na sila ang mananalo nang gabing iyon dahil mabibigat ang mga kalaban nila.

Pero, alam naman daw niyang may laban ang kanilang talk show.

Ayon kay Boy, "Bago ako umalis, kinuha ko yung Bottom Line that was submitted to the Asian Television Awards [para panoorin].

"Tapos dun, I took it from there. Pero sabi ko, parang may laban.

"Pero nung nandoon na ako [sa awards night], natunaw na yung pag-asa kong yun.

"Kasi when you’re among Asia’s best, siyempre, di ba, huwag naman tayong mag-ilusyon."

PRAYERS HELP. Hindi raw ito beauty pageant na mararamdaman mo agad kung may tsansa kang manalo, ayon pa kay Boy.

"Of course, you wanna win in your heart," dugtong niya.

"Pero, mahirap yung sobrang umaasa, di ba?

"Pero deep in your heart, you wanna win.

"Nagsimba kami sa Singapore bago kami pumunta ng venue. Kaugalian ng Pinoy.

"Tapos, sinuot ko ang aking suwerteng suit at ang aking Louboutin na sapatos."

Producers at hosts ng iba’t ibang TV networks sa buong Asia ang nakita ni Boy sa naturang awards night.

"Ang pinag-uusapan mo dun, BBC, Al Jazeera, CNN, Media Corp., TVD ng Hong Kong...lahat!"

"Ang runner-up ng Bottom Line ay Talk Asia ng CNN," mariing banggit ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakaano lamang...na nakakataba ng puso.

"Dugo at pawis ang puhunan natin sa Bottom Line."

Kaba at ligalig ang naramdaman daw ni Boy habang binabasa ang nomination niya sa nasabing katergorya.

"I’ve been so used to awards, pero hindi pala...iba! Hindi ko alam.

"Nung sinabi na, ’The Bottom Line,’ hindi ko alam kung saan ako nakarating mula sa kinauupan ko hanggang sa stage.

"Hindi ko maalala, nanginginig ako.

"Ang naalala ko lang na sinabi ko, ’I dedicate my trophy to my beloved country, the Philippines.’

"Pero all the rest, hindi ko [maalala]...kaya gusto kong mapanood yung footage.

"Kasi, bago yung pang-10th award, yung best talk show host.

"Kasi walang host, e.

"Sa mga kategorya, lahat best talk show, Bottom Line ni Boy Abunda.

"Ang meron lang, tao [na nominated] yung best news anchor.

"Lahat ng nanalo, CNN. And the 9th, CNN [ang nanalo].

"Buti na lang at may intermission na band.

"’I-boo natin.’ Yun, yung mga biruan namin para matanggal yung nerbiyos.

"’Ganito ang gagawin natin, boo! Para hindi tayo mahalata.’

"Wala, e. Wala akong expectations talaga. Wala talaga.

"Pagkatapos no’ng band [performance], ’eto na.

"’The nominees for the best talk show in the Asian...’

"Naku po, ’eto na. ’And the winner is...’" masaya niyang salaysay sa pangyayari.

Dagdag pa ni Boy, "Proud ako sa Bottom Line kasi konsepto ko ito.

"Kasi pinagtulung-tulungan ito, Louie [Andrada], Ian [Reyno].

"At saka inilatag ko talaga itong konsepto na ito.

"Nagpapasalamat ako sa...for ABS-CBN’s bravery for allowing me to do this show.

"It takes a lot of courage for a network to be able to allow anyone to do this show."

BOY’S FIRST! Walang ideya si Boy kung kauna-unahang award ba ito ng Pilipinas sa kategoryang best talk show sa Asian TV Awards.

Pero ayon sa mahusay na TV host, ito ang unang pagkakataong nanalo siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ito first time na nano-nominate ako. Lagi lang akong runner-up, o kaya ay special commendation.

"Meron lang ako citation sa Peabody sa New York.

"Meron kaming Boy and Kris sa New York television Festival...mga citations.

"At kahit dito sa Asian Television Awards, yung Private Conversations With Boy Abunda, I was up against Heart Talk ng BBC.

"Lagi lang akong thank you girl.

"Controversial was also nominated in a number of international awards.

"Eto yung...dyusko, natuloy."


JUST "BRILLIANT." Hindi maikumpara ni Boy ang kasiyahang naramdaman niya sa international award niya sa mga natatanggap niyang awards dito sa Pinas.

"You don’t quantify that.

"Like for example, like my 15 trophies from the Star Awards is a different feeling.

"Parang with you, humility again, tumitingala ka sa Diyos para sabihin mong, ’How did it happen?’

"Di ba? Hindi ka naman nagsu-show at [isiping] pang-award ito.

"You just do your job. At the end of the day, you’re humbled.

"Ang bait ng Diyos, ang bait ng tao. People are good. You realize that.

"The more na hindi mo puwedeng ikayabang, kasi alam mo people will expect more from you.

"Alam mo yun. You push yourself harder and continue to learn and continue to search.

"Next? Hindi ko alam.

"Pinapanood ko lang yung ibang Asian hosts, newscasters, parang...sinasabi ko sa sarili ko, competitive pala tayo?

"Nung may lumapit sa akin na judge right after the show and she said, ’Congratulations.’

"Hindi ko lang maalala [ang sinabi], pero ’It was one of the most solid talk shows I’ve seen in my life.’

"Parang hindi ko alam kung ginamit niya ang salitang brilliant?

"Kasi wala akong marinig. Alam mo yung smile ka lang nang smile.

"’Congratulations, it was one of the most...’ May word siyang ginamit.

"Yun yung nakaka...there were 46 judges from all over Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From different networks. From different stations around Asia.

"Malaysia, Singapore, from Al Jazeera, CNN, BBC. Kuwarenta y sais, 46 judges!"

Hindi raw alam ni Boy kung ilan sa mga naturang judges ang bumoto para sa show niya.

"Ang alam ko lang, first runner-up ang CNN, Talk Asia," mariin niya uling banggit.

LOVE YOUR JOB LIKE DIANA ROSS! Ipinaliwanag ni Boy kung bakit nabanggit niya ang kuwento tungkol kay Diana Ross na kahit bumabagyo sa kanyang concert ay hindi ito umalis sa venue.

May kinalaman daw kasi iyon sa sinasabi niyang pagmamahal sa propesyon, o trabaho.

"Ang sinasabi ko pag pinangalagaan mo ang karera mo, wala talagang bagyong makakahila sa iyo palabas ng trabaho.

"Kasi si Diana Ross, nag-concert at the Central Park. It was her dream to perform at the Central Park.

"E, bumagyo. Nung nag-o-opening, bumabagyo.

"So, hinihila siya papalabas.

"Ang lola n’yo, nag-i-spiel palabas.

"’It’s a whole lifetime for me to get into this stage.

"’No storm is gonna get me out of the stage. No storm.’

"Pero nandun na siya sa bus.

"Pero bumalik siya. Few days later she’s back at the Central Park.

"Wala, ako ano lang...I’m so blessed and inspired to do better.

"But, may mga nagsasabing, ’Will this make or change you for the better?’ ’Yes!’

"Ako naman, I really work hard."

Ano ba ang feeling na pinataob niya ang lahat ng mga mahuhusay na talk show programs at hosts sa buong Asia at sa buong Pilipinas?

"Masaya siya. It is very flattering.

"The Pinoy is competitive. I’m proud to be a Filipino host.

"I’m proud to be a Filipino interviewer. I didn’t realize that we are so competitive.

"Ang feeling ko, I’m wanna go to the next one. A regional talk show.

"I’m looking forward to the next one. Let’s go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was seated with an Indian producer and an Indonesian host who both won.

"It was a lucky table. One was for...as a producer and one is for his pitch.

"Merong ganun na pitch portion."

EARLY STRUGGLES. Hindi naging madali kay Boy na maabot ang pangarap na makilala ang husay niya sa larangan ng TV hosting.

Aniya, "Hindi naman problema, pero ang daming challenges.

"Kasi, ’you didn’t look the part. Hindi ka kagandahan. Bisaya ka,’" komento daw ng iba sa kanya noong una.

"Meron pa ngang nagsasabing, ’Bakla ka.’

"Alam mo yung point of weakness ang tinitignan pag may ginagawa ka.

"Ang sinasabi ko lamang, move from the point of strength. Yun ang gamitin mo.

"Don’t move from the point of negativism. Ilaban and it is possible."

Naabot na ba niya ang pinangarap niyang tagumpay?

"Oo naman," mabilis niyang tugon.

"Masaya na ako kung saan ako naroon.

"Pero, marami pa akong goal.

"Eto nga, nag-uumpisa pa lang.

"First, I look forward to the next one."

Bagamat bukas si Boy sa tsansang magkaroon siya ng international TV hosting career, wala pa naman daw offer sa kanya abroad.

"Wala pa, e. I think what can happen, you create that, e.

"You somehow create that offer, e. You see yourself in many ways."

HIS NANAY LESING. Maliban sa kanyang award, ang mabuting kalagayan raw ngayon ng kanyang ina na si Nanay Lesing ang magandang Christmas gift na natanggap ngayon ni Boy.

"Magaling na ang nanay.

"Yung hindi 100 percent, but she’s so very well.

"Yung pagpapagamot niya abroad, pinag-aaralan pa namin. Baka [sa] Marso.

"But she’s doing very well.

"This is one of the best Christmases, kasi dito mo mari-realize that you enjoyed every minute with her."

Maraming mga plano si Boy sa 2012.

Ito ay ang pagbutihin pa ang kanyang trabaho at pagandahin pa ang kanyang mga shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The difference now kasi kung nasaan man ako, I seize the moment. Wala akong sinasayang na pagkakataon.

"I will continue on my talk show. I will continue to think of my new concepts."

HOW’S KC CONCEPCION? Samantala, hindi pa bumabalik sa The Buzz si KC Concepcion. Nakausap na raw siya ni Boy sa telepono last Sunday.

"I spoke to her," pagbabalita niya.

Sinabi rin ni Boy na wala siyang alam kung ano ang magiging desisyon ni KC sa kanilang programa. Kung babalik pa ba ang dalaga, o hindi na?

"Hindi ko alam kung ano ang kanyang plano, pero lilinawin ito in the next few days.

"Kararating ko rin lang, I spoke to her kanina.

"Nagkumustahan lang kami," kuwento niya.

Dahil sa international award ni Boy, pinalitan na raw ang bansag sa kanya. Hindi na raw siya King of Talk kundi Asia’s King of Talk.

"I’m flattered. Salamat," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN