Anne Curtis on her forthcoming Araneta concert: "Hindi ako papayag na walang birit!"

Anne Curtis on her record album being spared from piracy: "Na-offend ako, but at the same time, kaya nga nag-platinum dahil wala silang choice kung hindi ang bumili ng original!"


Lahat na yata ng rason ngayon para maging masaya ay na kay Anne Curtis na.

Isa na nga siyang recording artist dahil certified platinum record ang kanyang first album under Viva Records, ang Annebisyosa.

Idagdag pa ang kanyang masayang personal na buhay at box-office hit na pelikula.

At siyempre, ang kabi-kabilaang endorsements.

Isang masayang Anne Curtis nga ang humarap sa ilang entertainment press sa office ng Viva Entertainment sa Tektite Towers, Ortigas Center, Pasig, kahapon, December 14, para sa press conference ng kanyang concert titled Annebisyosa: No Other Concert World Tour.

Nakatakda ang concert ni Anne sa January 28, 2012 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kasabay na rin nito ang pag-celebrate ni Anne ng kanyang 15th year sa showbiz.

"Di ba nga, palaging tinatanong ako na kung, ’Ano naman ang mae-expect ngayong may album ka na?’

"Nandiyang nagdyo-joke-joke ako, ’Ano pa nga ba, concert!’ Naggagaganoon lang ako.

"Kaya nagulat lang ako noong sinabi ni Ate VR [Veronique del Rosario, her manager] na, ’Uy, tumuwag na si Daddy [Vic del Rosario]. Magko-concert ka. Sa Araneta.’

"’Huh?!’ Kasi, hindi talaga expected.

"After siya ng Side A at Martin Nievera’s concert, na nakita ni Boss Vic doon na kina-clap ako ng tao sa production number ko do’n, so doon nagka-idea.

"Nginig na nginig ang kamay ko.

"So, after noon, naging open-minded si Boss Vic na magko-concert ako.

"Na-shock lang po ako na Araneta [ang venue]."


Isang mabilis na "Siyempre!" ang tugon ni Anne nang tanungin kung kakayanin ba ng vocal cords niya ang concert.

"Hindi ako papayag na walang birit!" mabilis niyang sagot.

WHAT LESSON? Natawa rin ang entertainment press sa confidence ni Anne dahil ayaw raw niyang mag-voice lessons.

Kuwento ng actress-singer, "Tinanong ako ni Ate VR, ’Gusto mo bang mag-voice lessons?’

"Sabi ko, ’Ayoko!’ sabay tawa niya nang malakas.

"Sabi ko, ’ayoko kasi eto na Ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos sabi niya, ’You will have to adjust for the breathing.’

"Siyempre, iba naman yung kanta-kanta, laru-laro, doon sa kakanta na may dancing nang kasama.

"E, live ito. So, kailangan ko raw aralin yun.

"May preparation na learning how to breathe properly.

"Tapos, mag-aaral ako ng isang instrument para may pasabog naman nang bongga."

Sorpresa raw kung anong instrument ang pag-aaralan niya, pati ang magiging guests ng show.

"Siyempre, nakita ko na nga pala at na-announce na sa TV Patrol na si Sarah [Geronimo] will also be part of it.

"Of course, the boys! May boys akong kasama."

HE’LL WATCH! Manonood lang daw ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff ng concert niya.

"Hindi siya magpe-perform. Pero manonood na lang siya with all my friends," banggit pa ni Anne.

Mga ex-boyfriends ba niya ang mga "boys" na binabanggit niya?

"Meron...pero hindi lahat.

"Basta! I’m sure alam ninyo rin naman yun kasi magtu-tweet din naman ang mga yun sa Twitter soon enough.

"So, yun, abangan ninyo na lang kung sino dahil alam din naman nila yun for sure.

"Pero iilan lang din naman ang mga nakakasama ko dito sa business that are truly my friends.

"So, yun na yun."

WORLD CLASS? Kapansin-pansin sa titulo ng concert ni Anne na may "world tour."

Ibig sabihin, hindi lamang dito sa Araneta siya magpe-perform kung hindi maging sa ibang bansa?

Ayon kay Anne, "I think, may mga dumating kasi sa office noon. Na-shock ako, kasi sabi ni Boss Vic, ’Come here, may i-introduce ako sa ’yo.’

"Sila yung mga magpo-produce ng concert ko sa abroad.

"’Huh? Hello!’ Super-chika naman ako.

"After that, doon ko nalaman na ang Annebisyosa: No Other Concert ay magwu-world tour pala.

"Kaya sabi ko, ’Wow, taray, ha, hindi muna ko nag-nationwide, world tour na kaagad!’" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Anne, "At Araneta agad! Pressure! Pressure na pressure talaga.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Pero, I’ll take this as a challenge. Basta sana, ma-pass ko nga siya with flying colors.

"So, fun lang naman ’to. Hindi siya seryosong concert at all.

"It’s really just for fun."


FASHIONISTA ANNE! Pinagsamang best stylists daw ang magko-collabarate para sa mga isusuot niya sa concert—sina Liz Uy at Pam Quiñones.

"It’s gonna be their first time to collaborate with anything.

"Super excited kasi siyempre, iba rin ang eye ng dalawang yun for fashion.

"Palagi ko ngang sinasabi, kung ano ang pinagkulangan ng voice ko, babawiin ko naman sa fashion and production design," saad niya.

Makakailang palit ba siya ng damit?

"I don’t know yet. Pero siyempre, hindi naman kada-song, palit kaagad.

"Pero ano ’yan, may theme for each genre. Taray! May mga ganoon!"

Posible raw na one and a half hours ang itatagal ng concert niya.

Pero, may hirit daw sa kanya si Vice Ganda: "’I’m sure hindi lang ’yan.’

"Sabi ko, ’Bakit?’

"’Sa kadaldalan mo na ’yan, baka tumagal pa.’

"Sabi ko, ’Hindi, I’ll try my best.’"

Ang magiging director ng concert niya ay sina Rico Gutierrez at Marvin Querido.

JUST WANNA HAVE FUN! Ano ang maia-advice ni Anne sa mga totoong singers na hindi pa nakakatuntong sa Araneta Coliseum para magdaos ng concert at hindi pa umaabot man lang sa gold ang mga album nila?

Natatawang sagot naman ni Anne, "Have fun lang. Have fun lang.

"You know, I think, that’s probably... When I checked, yung mga Twitter ko, ang feedback lagi, ’Ikaw na yung naging inspirasyon namin’

"May mga ganoon. I think, it helps din.

"Meron pa silang mga statement na, ’Simula noong sumikat si Vice Ganda, ang dami nang natutong mangbara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pero simula nang sumikat si Anne Curtis, ang dami nang hindi na nahihiyang gumanda.’

"May mga statements na silang ganoon.

"But I think, that’s one of the key factors kung bakit naging platinum yung album ko.

"They can sing-along na hindi sila nahihiya.

"Ako, hindi nga nahiya. Sila pa kaya?

"Talagang hindi ako nahiya. Talagang tinodo ko!

"That’s the good thing, I guess.

"Baka yun ang key na you just have fun. Huwag mong seryosohin.

"Hindi nga ako sineryoso ni Boss Vic noong sinabi ko na gusto ko ng album."

Tawanan uli ang entertainment press dahil kumpara sa mga singers talaga na maingat sa boses nila at hindi kumakain ng bawal, si Anne naman daw ay walang mga bawal-bawal.

"No, no! Hindi talaga!

"Kaya nga parang inaasar ako, ’Nag-a-ice cream ka diyan, hindi puwede ’yan!’

"Sabi ko, ’Naku, anong di puwede? E, kasi, it’s just for fun lang naman.’

"It isn’t gonna be my career path. I’m not gonna be a singer my whole life.

"If ever, magkaka-reloaded album lang.

"Pero, wala pa nga sa isip ko to have another album again."

Hindi ba na-offend si Anne na hindi na-pirate ang album niya?

"Na-offend ako, but at the same time, kaya nga nag-platinum dahil wala silang choice kung hindi ang bumili ng original.

"Yun, yun, e! Nakakatuwa nga na parang I even made sure na the whole CD packaging.

"Di ba, ang uso ngayon yung cardboard na parang book?

"Sabi ko, ’Hindi, gusto ko, ’90s [ang look].’

"I think, it’s the fact din na may old-school factor.

"Nakakapagpa-autograph signing sila na tatanggalin pa nila ang papel and everything.

"It’s something I grew up loving with the music."

CONCERT EMPRESS? Maraming titulo ngayon ang ibinabansag kay Anne: Pop Star Sweetheart, Twitter Queen, The Other Woman, National Sweetheart, at Ultimate Media Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakapaborito niyang title?

"Hindi ko alam!" natatawa niyang sabi.

"Pero, pinaka-favorite kong narinig yata galing kay Miss Regine [Velasquez].

"Hindi ko alam kung may mga Twitter kayo, pero tinuweet niya ako.

"Nag-tweet ako na, ’Hey guys, this is the official poster of Annebisyosa: No Other Concert World Tour.’

"Nag-tweet si Ms. Regine.

"Sabi niya, ’Hi Anne, kung kailangan mo ng backup, just let me know.’

"Sabi ko talaga,’ Aaaahhh!!! Miss Regine! Thank you so much!’

"Kasi, you know, coming from someone na nagme-make fun, make fun...to know that there’s someone who’s the Songbird...Songbird of Asia who’s also having fun.

"Hindi niya tine-take against me na unfair. It’s really a compliment.

"Tapos yung tweet-tweet niya, ’Go, go, go! Concert Empress. Wow, ha, Empress kaagad!

"So, yung title, yun ang favorite ko ngayon.

"But of course, Twitter Queen [title, gusto ko rin].

"Actually, lahat. Hindi ako puwedeng mamili. So, everything na lang."

DUET WITH PACQUIAO? Sakaling mag-offer si Manny Pacquiao na siya ang kakanta ng national anthem sa laban nito, papayag ba si Anne?

"Hindi po. Hindi po," ang mabilis niyang sagot.

"Aminin naman natin, hindi ko kaya yun.

"Happy na ako na Araneta, pero huwag naman yung all over the world.

"Hindi ko kaya.

"Maging aminado naman tayo. Hindi ko level yun.

"Masyadong mataas ang level na yun.

"My gosh! Hindi ko kaya talaga.

"Ibigay na lang natin sa mga totoong singers yun!"

Kung mataas ang talent fee?

"Hindi rin, pangalan ko ang naka-ano dun. Thank you na lang.

"Sabihin ko na lang, ’Dito na lang, pagbalik na lang.

"Yung welcoming ceremony, ako na lang ang kakanta do’n. Huwag na lang sa opening ng fight."

Duet daw sila ni Manny Pacquiao, if ever?

"Game ako do’n! Tutal nag-GSM Blue naman kami together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"OMG, di ba?!"

May dagdag na kuwento pa si Anne sa naging pag-uusap daw nila ni Martin Nievera sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN sa Araneta Colisuem noong December 13.

Aniya, "Opening kasi ng Christmas special yun.

"Sabi niya, ’O, this is the testing ground for you.’

"Sabi niya, ’Next thing you know, it’s gonna be you, alone on this stage.’

"Sabi ko, ’Nanginginig na ’ko kasi mag-i-start na ang Christmas special.

"Sabi niya, ’It’s not dream anymore, it’s really happening.’

"Sabi ko, ’Yeah, but I just wanted it to be fun. Ayoko ng thrill.’

"Sabi niya, ’That’s the magic!’

"Sabi niya sa akin, ’How we worked 20 years ago, we were all just having fun.’

"Yun daw ang key.

"So, tama ang sinabi ko kanina, just having fun. Huwag nating seryosohin."

May kasamahang writer na humirit ng, "Singer kasi talaga sila."

Natatawang sagot naman ni Anne: "Singer din naman ako, a!"

Dagdag niya, "One of the things that I enjoyed also, ginagawa ko ang mall tour, may pilahan, may autograph signing.

"And then, you hear people say, ang ganda raw ng ganito, ang ganda raw ng ganyan. Yung kanta ko.

"Ako naman, ’Ows?’ You find them na, ’O, kumakanta na kami ngayon.’

"May nagsabi na ang ganda raw ng voice ko!" natatawa niyang sabi.

"May iba naman, nagsasabi, ang ganda-ganda mo! Wala nang sinasabi tungkol sa voice.

"Thank you! Happy na ako do’n. Happy na.

"It’s just a warm feeling knowing na, yung mga fans, the people that buy my album, tanggap nila na hindi naman talaga na napakalinis ng voice ko, tanggap nila yun."

STAGE FRIGHT? May napansin daw si Anne na kapag nagka-karaoke siya at bumibirit, okay lang daw siya.

Pero kapag nasa stage siya at bumibirit, kahit na for fun lang, iba ang pawis niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong ina-award ako, pansinin ninyo, pawis na pawis ako.

"Noong Araneta with Side A and Martin Nievera, pawis na pawis ako.

"Hindi ko alam kung paano. Isa pa yun, nagba-blackout sa akin ang lahat ng tao.

"I think, it’s different when you’re on stage and nagka-karaoke or Showtime na birit-birit, it’s really different.

"Yun lang ang napansin ko. Iba ang pawis ko.

"Kahit yung Christmas special last night.

"Pawis na pawis ako after opening. Kasi live, tapos nakahilera lahat ng singers.

"Tapos nandoon din ako at kumakanta, pang-Christmas special ng opening.

"Doon ako naloka talaga noong nilagay ako ni Mr. M [Johnny Manahan] sa tabi ni Martin.’ Ano ’to?!’

"Tapos, katabi ko si Papa P [Piolo Pascual], ’Ano ’to?!’ Doon lang ako kinakabahan.

"Kaya sa concert ko sa Araneta, ang hiniling ko lang talaga, sana may mga [electric] fan para humahangin para hindi lapotchika agad.

"Para fresh lagi.

"Kasi, yun ang napansin ko when I’m on stage and singing as singer at hindi singing na laru-laro lang.

"Pinagpapawisan na ako sa tension, nanginginig ako."

Tinanong naman ng PEP si Anne kung nao-overwhelm ba siya sa lahat ng mga success na nangyayari sa kanya ngayong taong ito.

"You know what, it’s in this latter part this year na sumunud-sunod talaga lahat ng blessing.

"And I’m so grateful with everything that’s happening to me.

"And then, to find out, to start the year of 2012, Viva gave me this concert.

"Yun talaga ang, I think, the peak of my career.

"After that, I think I’ve almost done everything as an actress or an artist can do.

"Mag-concert ka ba naman?

"So, I think, indie film na lang po yata ang hindi ko nagagawa."

INDIE MOVIE? Ano naman ang kulang pa?

"I haven’t done an indie film. Wala pa..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan talaga na makagawa siya ng indie?

"Hindi naman kailangan.

"But for me, I always tell Ate VR na a nice script and if it’s worth doing, why not?

"Kasi siyempre, yung schedule and everything.

"Pero sa sarili ko, if it’s the script that’s worth it, why not?

"Doon ka nakakapag-offbeat character, e.

"So, if ever, yun na lang ang kulang na hindi ko pa nagagawa as an artist."

Possible na dark comedy raw ang next movie niya. Pero hindi pa raw ito confirmed.

ONE NIGHT. Sa darating na Christmas, dito raw muna sa bansa si Anne dahil nandito naman daw ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Bukod sa magbo-voice lessons din kasi siya at mag-aaral nga raw siyang gumamit ng isang musical instrument para sa kanyang solo concert.

"It’s okay. Wala akong reklamo. It’s gonna be one night for me.

"Pero natutuwa ako dahil lahat ng followers ko, tinu-tweet nila ang mga tickets that they bought.

"Sobrang thankful din ako sa lahat ng bumibili.

"Yung iba naman, sinasabi nila na hinihintay ko na lang po ang 13th-month bonus namin.

"So, may mga ganoon silang sinasabi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN