Mikael Daez on Rhian Ramos being replaced in The Beloved: "Kung sinuman ang leading lady na papalit sa kanya, I’m sure she’s gonna be just as good."

Mikael Daez on his first year in showbiz: "Masaya! You have Temptation Island. You have Amaya. You have Penshoppe. I mean, those three things, sa top na yun. Wala pa akong one year basically, but it’s been amazing, and hindi ko ine-expect. I find it fulfilling."


Unang sabak sa pag-arte ng baguhang aktor na si Mikael Daez ang epic-serye ng GMA-7 na Amaya, kung saan naging isa siya sa leading men ng bida ritong si Marian Rivera.

Pero bagamat palabas pa hanggang ngayon ang Amaya, hindi na napapanood dito si Mikael dahil namatay na ang character niya bilang si Lumad.

Pero may kasunod naman agad na proyektong ibinigay sa kanya ang Kapuso network, ang The Beloved.

At buong-puso naman daw na tinatanggap ni Mikael ang pangyayaring ito sa kanyang career.

Ayon kay Mikael, "Of course, I know that it’s part of showbiz, so okay lang.

"Pero siyempre, nalungkot din ako dahil grabe ang pagkakaibigan namin sa Amaya, yung friendship na nangyari.

"May kinausap ako do’n at sinabi, ’Mikael, you make friends at work but at the same time, work is work. So, kailangan, you know how to move on and grow.’

"Kaya sabi ko, ’Tama. Mabuti nakausap kita.’

"So, yun, nalungkot pa rin ako.

"It’s a great show and being it’s my first show, of course, who would want to see it finish?

"At saka siyempre, may pagka-sentimental moment pa ’yan, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa thanksgiving dinner ng Mercator Model and Talent Management ni Jonas Gaffud noong Miyerkoles ng gabi, December 14, sa Casa Pura.

Pero ayon kay Mikael, malaki ang pasasalamat niya na ang Amaya ang naging regular show niya sa TV.

"Super!" bulalas ng model turned actor.

"I feel so fortunate and thankful sa GMA kasi I started off at Temptation Island, and then Amaya, that were both hits and sobrang saya ng production.

"Alam mo ’yon? Yung first impression mo sa industry natin, sobrang ganda.

"And if they wanted me to move in a new show, okay lang din sa akin.

"Pero feeling ko talaga, sobrang suwerte ko na nagawa ko ang dalawang projects na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BELOVED.Sa The Beloved, si Mikael ang ka-love triangle ni Dingdong Dantes at ng leading lady ng upcoming series na ito.

Dapat sana ay si Rhian Ramos ang gaganap sa papel bilang female lead, pero hindi na matutuloy rito ang young actress.

Tinanong ng PEP si Mikael kung ano ang reaksiyon niya na hindi na si Rhian ang lalabas na leading lady sa The Beloved.

"Of course, ako, nagulat ako.

"Wala pa akong one year sa industry. Hindi ko naman alam ang mga pangyayari.

"But like anything else, work is work at lagi namang may mga crisis.

"So, just keep on working.

"At kung sinuman ang leading lady na papalit sa kanya, I’m sure she’s gonna be just as good."

Bilang isang baguhan, hindi pa raw niya masyadong naiintindihan ang mga desisyong ginagawa ng management tungkol sa mga ganitong usapin.

Ani Mikael, "Hindi ko pa naman naiintindihan ang industry nang kumpleto.

"Okay, nagka-isyu, so ano ba ang mga rason dahil doon?" Ang tinutukoy ni Mikael ay ang nangyaring iskandalo sa pagitan nina Rhian at ang ex-boyfriend nitong si Mo Twister.

"So, iba yun. I’m still learning, e.

"Ang dami ko pang kailangang matutunan.

"Ako, I just listen with management.

"Okay, napalitan siya. Just go on with work lang."

Natawa naman si Mikael nang tanungin namin kung ano ang maipapakita niya o aabangan sa kanya sa The Beloved.

"Magpapakita na ako ng damit!" turan niya.

Sa Amaya kasi ay halos naka-bahag lang ang costume niya.

Patuloy ni Mikael, "My name is Nelson here.

"Okay siya, kasi nakakapanibago.

"Mabait ako rito...actually, sobrang bait ko, na may gusto sa character ng leading lady.

"So, of course, may love triangle na magaganap doon.

"I’m very happy because very different din siya.

"Of course, hindi ako warrior. Wala akong espada, nakadamit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At iba talaga ang character.

"And of course, may ginugusto siyang babae.

"Just like Lumad, ginusto niya si Amaya [Marian], pero hanggang doon lang siguro ang similarities namin."

THE COLUMNIST. Bukod sa pagiging modelo at artista, columnist din si Mikael sa Liftestyle section ng broadsheet na Philippine Star.

Kuwento niya, "Alam n’yo, I only started writing when I was in college.

"Before that, I hated writing. Super!

"But it was like...summer job ko yun when I was in college.

"I write for a person who gives me project.

"And then, eventually, I ventured into modeling, showbiz, tapos may mga nagtanong sa akin, ’Hey, Mikael, do you write? Do you want to write?’

"Parang one time muna. So, sabi ko, ’Game, game!’ Parang na-miss ko.

"And what I like pa, my editor Ricky Lo, he gives me complete freedom on what to write.

"My first episode, si JC Tiuseco and Sarah Lahbati and I made a video.

"Usually ang video, trailer ’yan for the article."

May listahan na raw siya for his next four episodes/columns na gusto niyang gawin.

Ilan pa sa gusto niyang maging subjects ay ang videographer na si Jason Magbanua at ang photographer na si Mark Nicdao.

Sabi ni Mikael, "I want to see yung point of view nila. Being the premiere videographer and the premiere photographer.

"Pero kailangan, may personal connection para mailabas ko ang personality nila, kasi my column is about personality."

Bukod sa dalawa, sino pa ang gusto niyang ma-interview?

"Well, to be honest with you, I’d love to interview Bianca Gonzales because, well, magaling lang. Nagagalingan ako sa kanya.

"She’s doing a lot of things so... I met her a couple of times, parang chit-chat lang. I just find her interesting.

"Si Chris Tiu rin...

"Si Marian din. I do want to interview Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong ipakita ang likod, yung side.

"Iba naman siya kapag nagagalit, kapag natutuwa, kapag pagod.

"Hindi naman nakikita ng tao yun. Nakikita lang yung stereotype, e.

"That’s what I want to show.

"Pero hindi ko pa nasasabi, so it’s in the works pa.

"I know naman na she’s busy pa with Amaya."

A HAPPY 2011. Para kay Mikael, ang 2011 ang isa sa mga pinakamasayang taon.

"Masaya!" sambit niya.

"You have Temptation Island. You have Amaya. You have Penshoppe.

"I mean, those three things, sa top na yun.

"Wala pa akong one year basically, but it’s been amazing, and hindi ko ine-expect.

"I find it fulfilling.

"So, I said ’Thank you, thank you, Lord.’

"I know that it’s something I can do for a long time.

"And it’s something I want to improve kasi alam ko na wala naman akong acting background ever since pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN