PART 2. Kris Aquino all praises for Segunda Mano director Joyce Bernal and co-star Dingdong Dantes

Kris Aquino (right) gets to work for the first time with director Joyce Bernal (left) and Kapuso actor Dingdong Dantes (middle) in the MMFF entry, Segunda Mano. Kris only has the nicest words for the two.


Bilib na bilib si Kris Aquino sa direktor ng pelikula niyang Segunda Mano na si Joyce Bernal.

Ang pelikulang ito, kung saan kasama ni Kris sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban, ay entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Deklara ni Kris, "This movie approaches Chito Roño brilliance, promise! Yun bang hindi ako mapapahiya na."

Si Chito ang naging direktor ni Kris sa horror movies na Feng Shui (2004) at Sukob (2006).

Sabi pa niya, "Kasi makikita mo kay Joyce talaga, yung ano...yung pacing, e.

"Di ba, ang horror, pacing? May takot, tapos may moment na maggi-giggle ka talaga, nakakaaliw.

"Parang sa kababawan, maggi-giggle ka, tapos takot ulit!

"Tamang timpla, perfected talaga."

REMAKE OF RELASYON. Isa nga sa mga plano ni Kris sa susunod na taon ay ang makatrabaho uli si Direk Joyce.

Aniya, "Pero ang sinabi ko, I have a dream...eto I can vocalize it.

"I told Direk, sabi ko, ’Sana makatrabaho kita uli. And ang wish ko makatrabaho...’

"Kasi, mahal na mahal niya si Piolo [Pascual]. ’Ang wish ko maging leading man si Piolo.’

"Sinabi ko sa kanya, ’And I want to make a version of Relasyon.’

"Ang ambitious, di ba?"

Ang Relasyon ay ang award-winning film nina Vilma Santos at Christopher de Leon noong 1982 na idinirek ng yumaong iconic director Ishmael Bernal.

Ginampanan dito ni Vilma ang papel ng isang kerida. Dito rin sa pelikulang ito napanalunang ni Vilma ang grand slam best actress noong 1983 mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Patuloy ni Kris, "Well, sinabi ko ito kay Direk Joyce.

"Ang sinabi ko, we’re [she and Piolo] both coming from different breakups, different points of view.

"Direk said it best. Sabi niya, ’In any relationship, there’s a girl’s point of view and there’s a man point of view.’

"Sabi niya, ’Kung God’s point of view, e, di sana walang naghiwalay?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, eto, sinabi ko, ’Direk, gusto ko, sinabi ko na kay Piolo, sana mangyari talaga.’

"Kasi alam mo yung, parang, there’s something in your soul that tells you this is the next step.

"Because yung sinabi ko sa inyo na iniyakan ko, pero tapos na yung scene iyak pa ako nang iyak kay Dong [palayaw ni Dingdong]?

"Kasi nung nagmakaawa siya na, ’Huwag mo akong iwan, huwag mong hayaan na itong pangyayaring ito, sirain ako.’

"Tapos, parang naisip ko na I kept focusing on my pain and how I recovered and saan ako nagpunta and all.

"And then, na-realize ko sa eksena kay Dong, the one na nakihiwalay rin pala, ang daming pain rin palang nabitbit.

"So, parang ang Segunda Mano brought emotional maturity.

"Kasi dun sa nakita ko, sabi ko, ’Oo nga, ang lahat ng relasyon, dalawa naman pala ang may kasalanan.’

"Tapos, ayun nga, iyak pa rin ako nang iyak."

EMOTIONAL MATURITY. Pinagtatakhan ni Kris kung bakit ang laki ng ipinagbago niya at ramdam niyang nag-mature na siya talaga.

"Ewan ko nga kung anong nangyari sa akin, " sambit niya.

"Dahil siguro kay Bimby.

"Siguro ano kasi, wala na akong angst.

"Natanggal yung angst sa katawan.

"Sinabi ni Direk Joyce na brat daw ako, spoiled brat.

"Sinabi rin niya sa akin na, ’Alam mo, gusto kita, kasi hindi ka selfish.

"’Hindi ka selfish sa trabaho, hindi ka sa selfish sa mga katrabaho mo, marunong kang makisama.’

"Sabi ko, ’Talaga?’

"’Oo, takot na takot ako sa iyo dati dahil Kris Aquino ka, pero na-feel ko mabuti kang tao kasi mabait ka sa lahat.

"’Pero marami ka lang kaartehan.

"’Pero hindi ka naman pabigat dahil dala mo naman lahat ng kaartehan mo.’

"Tapos, sinabi niya, ’Mahal na mahal ka ng tao mo.’

"Kasi hindi raw niya nakitaan talaga... Kasi, di ba, ganun, ang tagal ng oras?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Suwerte ka kasi efficient yung tao mo at mahal ka nila.’

"Sabi ko, ’Kasi siyempre ang laki ng suweldo nila!’

"Kasi sinabi niya na walang palpak, e, walang costume na naiwan ever.

"Di ba, ganun yun? Yung continuity, hindi naano."

Patuloy pa ni Kris, "Magkasundo talaga kami ni Direk Joyce.

"Kasi matalino siya, thinking director siya.

"That’s why na nagkasundo kami ni Direk Chito Roño.

"Kasi it’s wanting to be an artist, it’s wanting to be an intelligent artist.

"And she respected my intelligence."

DINGDONG DANTES. Bilib din si Kris sa ipinamalas na husay ni Dingdong sa kanilang pelikula.

Kuwento niya, "Tinext ko sa kanya talaga na, ’Dingdong Dantes forever ako, you were brilliant.’

"’No offense to any other, but this is your moment.

"’Hindi ako nanghihinayang na moment mo.’

"Sabi ko, ’Hindi naman ako nainggit na moment mo ito kasi nga moment mo talaga.’

"Eto yung tour de force niya. Honestly, ito ang movie that will define him as an actor.

"Eto yung ano... Di ba, Aga [Muhlach] maintained his leading-man status, pero si Richard [Gomez] yung nag-experiment.

"So, this is his [Dingdong’s] Richard Gomez moment, this is his Cesar Montano moment.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Happy ka sa kinalabasan?’

"Sabi niya, ’Hindi ko alam na mahuhugot ko pala yun.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN