Watch Now

Kris Aquino lines up vacations for two sons in New York and Japan; says Bimby wants to become a "karate star"

by Rey Pumaloy
Dec 17, 2011
Kris Aquino on son Bimby: "Star Cinema offered him a movie for next film festival. I asked him, and sinabi niya sa akin na, 'I want to be a karate star first. Star muna. Magni-Ninja Turtle chuva muna siya."

Sinabi ni Kris Aquino sa presscon ng Segunda Mano noong nakaraang linggo na aalis sila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby patungong New York matapos ang Pasko.

Doon sasalubungin ng mag-iina ang New Year.

Ayon kay Kris, "December 26 alis kami and we'll be back on January 7.

"Because I'm an obsessive-compulsive mother, we all have the tickets na of the shows that we're gonna watch.

Binanggit ni Kris ang Spider-Man, Lion King, Radio City Musical Spectacular, Addam's Family, Rock of Ages sa mga Broadway musicals na nakatakda raw nilang panoorin doon.

Dagdag pa niya, "Pero yung ako lang ang manonood, kasi one-man show lang naman siya, kasama ko si Liz Uy [celebrity stylist]. Kasi she's driving us.

"And si Sweet [John Lapus], ang papanoorin namin, si Hugh Jackman.

"Hindi naman siya si Wolverine doon, pero ang mahal-mahal ng ticket!

"Kasi naka-itinerary na... Nakakatawa, naka-type na.

"Day 1, punta kami sa Toy Center... Pero para happy ang mother, pupunta ng Sephora bibili ng makeup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Day 2 na ang shows. Puro matinee lahat ang shows na binili ko kasi para hindi sila [her sons] antukin."

Sabi pa ni Kris, magbabaon din daw sila ng rice cooker pagpunta nila ng New York.

Paliwanag niya rito, "Kasi si Bimby, nababaliw pag hindi masarap yung [rice], kaya naalala ko.

"Hindi...si Bimby talaga, he really looks for rice. Naa-unhappy [pag wala].

"Every day, he can eat fried chicken, cream of mushroom and rice, and walang exadg [exaggerated], eight [bottles] na Nido.

"Pero bote pa rin. Hindi ko matanggal. Sabi ko, pag five ka na.

"Sayang naman, nagkalaman na kasi at ang laki, ang taas.

"So, tuloy na lang.

"Pero talagang eight glasses of Nido. Siksik na talaga siya.

"'Mama, I love food na.'

"Dati kasi ayaw niyang kumain, pero ngayon love na niya ang food. Happy na siya.

"Huwag na lang siyang tumaba, okey na siya nang ganyan."

FUTURE KARATE STAR. Papasok na rin ba sa showbiz si Bimby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Kris, "Kasi tinanong kasi...Star Cinema offered him a movie for next film festival.

"I asked him, and sinabi niya sa akin na, 'I want to be a karate star first.

"Star muna. Magni-Ninja Turtle chuva muna siya.

"Sabi ko, 'Kasi may mga co-stars ako...'

"'No, just me!' Ang taray! Kaya yung nanay, naloloka.

"Karate star muna siya.

"Pero sabi ko, 'Pag mga ten years old na ka lang.'

"Kailangan talagang maging marunong muna siya sa taekwondo, karate. Yun ang aanuhin muna namin."

Natuwa naman si Kris sa nalamang prediction na magiging superstar daw si Bimby.

NAME GAME. Pero ayaw raw ng bata na palitan ang kanyang nickname na Bimby nang James na lang ang itawag sa kanya.

"Ayaw niya. I keep saying, 'You're James.' 'No, I'm not!'

"Sabi ko, 'Why not?'

"'Kasi James is James Yap. He's my dad, he's my Papa! I'm Bimby.'

"'No, you're James Aquino Yap.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'No...' nagagalit siya sa akin.

"'You want to be Kristofer? That's me, Kris!' Ginagano'n ko, inaasar ko.

"'Yuck!' Sabi ko, 'That's my name!'

"'I'm sorry Mama, I'm sorry. I'm Bimby.'

"'Bim, when you get older, you don't wanna be Bimby.'

"'Mama, but I'm still a little kid. In school, I'm James. But I'm a little kid.'

"'But when will you be James?'

"'When I'm old.'"

BIMBY'S SCHOOL. Banggit pa ni Kris tungkol kay Bimby, "We're transferring him to a Filipino school in June.

"We're still considering two. Dalawa ang pinagpipilian namin.

"Because hindi na marunong mag-Tagalog, and it really felt wrong.

"It felt wrong na slang attack na yung ano niya.

"He's in Brent. I love Brent, but there's no Filipino [language subjects].

"Nagtanong ako kung wala bang options for a Filipino citizen to have. E, wala, e.

"Kasi ang konti nila [Filipinos], they're less than 20 percent of the school population.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, we're considering two schools.

"One is an international school that has a Filipino cultural program and Filipino language every Friday.

"The other one is La Salle.

"La Salle is because of my Mom.

"Sorry, kasi they were really close to her yung sa death. 'Tapos, dun yung ano niya...for sentimental reason.

"And wala pang Aquino na nagla-La Salle.

"And si Brother Armin [Luistro] ng DECS, galing ng La Salle. So, you know...

"Kasi parang yung sa Ateneo, pressure, e.

"Kasi si Noy nanggaling dun, yung mga pamangkin ko, nag-aral doon. Baka ma-compare.

"So, siya ang first.

"Pero dalawa ang pinagpipilian namin.

"We're both going in January to see."

NOSE BLEED. Maging ang ilan sa mga kasamahan ni Kris sa showbiz ay nagrereklamo na raw sa pakikipag-usap kay Bimby dahil English lang ang alam nitong salita.

"Si Kim Chiu nga sabi, 'Ate, nagnu-nose bleed na ako sa kanya.'

"So, yun. And I was explaining it to Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sad siya kasi nga yung friends niya...

"Pero sabi ko, 'Two of your friends are moving anyway.'

"Yung isa kasi German school. Yung isa British school.

"E, gusto niyang sundan.

"Sabi ko, 'We're not German, we're not British, we're Pinoy."

BIRTHDAY PLANS. May plano na rin si Kris para sa kanyang birthday sa February 2012.

"Nasa Tokyo kami because for the kids. We've never been to Tokyo Disneyland.

"Naka-booked na. Kasi mas mura, 25 percent off.

"We'll be gone February 10 to 15.

"Yung last na vacation namin, main vacation namin is Disney cruise.

"Bagong ship sila. Disney Dream or Disney Fantasy. Caribbean lang.

"Care ko naman sa fort. Hindi naman kami bumaba.

"Yung mga anak ko, gusto lang ng ship talaga at yung mga shows gabi-gabi at yung mga character breakfast.

"Gusto ko na lang ngang kunin yung mga mascot at dalhin sa bahay para konti na lang ang ginagastos ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yun, until May.

"I have to give my calendar to Deo [Edrinal, Kris's manager].

"So they could work on the ano.

"So, tinanong ako ni Deo, 'You have to choose. It can't be a movie and a soap. You choose which one.'"

TV SHOW. Nababalita ang pagkakaroon nila ng TV show ni Vice Ganda.

Ayon kay Kris, "Actually, they asked me to go back to The Buzz.

"I can't work on a Sunday, panata na talaga. Sabi ko, 'Ilipat ninyo ng Saturday.'

"Tapos, sabi nila, 'Gawan ka na lang namin ng pang-Saturday. Bahala na, maghanap tayo ng Saturday na kung ano ang trip mo.'

"Hindi ko alam kung sino ang makakasama ko, but it's a tandem with someone na funny, tapos ako yung mabait.

"Yung Kris TV ko, every day pa rin. Tuluy-tuloy siya for life.

"Yung gusto ko, kasi yung Kris TV nag-adjust sa shooting.

"I work on Kris TV the whole Monday and the whole Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I shoot Wednesday, Thursday, Friday, and Saturday," sabi ng overworked but well-paid ABS-CBN star.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on son Bimby: "Star Cinema offered him a movie for next film festival. I asked him, and sinabi niya sa akin na, 'I want to be a karate star first. Star muna. Magni-Ninja Turtle chuva muna siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results