Watch Now

Protégé winner Krizza Neri on sharing her prizes:"Kung magiging selfish po ako, ayoko nang manalo. Ayoko nang angkinin ang prize."

by Rose Garcia
Dec 19, 2011
"Sa totoo lang po, kung ako, hindi ako kasali rito, gusto kong manalo si Lovely. Kaya po kanina, sinabi ko na willing po ako na i-share kay Lovely. Kasi po, wala naman pong reason na akuin ko lahat 'to. Kasi, sobrang laki po [ng papremyo]," says Protégé winner Krizza Neri.

Si Krizza Neri ng Cagayan de Oro ang itinanghal na kauna-unahang winner ng singing talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Break.

Tinalo ni Krizza, 16, sa Final Battle kagabi, December 18, ang kapwa niya finalists na sina Lovely Embuscado ng Davao at Lirah Bermudez ng Iloilo.

(CLICK HERE to read related story.)

Nang tanggapin ni Krizza ang kanyang mga premyo bilang grand winner—kabilang ang one million pesos at two-bedroom condo unit—marami ang nagulat at na-touch nang sabihin niya na anumang premyong matatanggap niya ay ibabahagi niya.

Una, sa mga biktima ng flash flood sa Mindanao, partikular na ang mga kababayan niya sa Cagayan de Oro.

Pangalawa, sa kanyang mga kapwa Protégé contestants, lalung-lalo na kay Lovely, na sa paniwala ni Krizza ay mas nangangailangan sa kanilang lahat.

Dahil sa gesture ni Krizza, mas lalong na-convince ang marami na siya talaga ang karapat-dapat na magwagi.

NOT EXPECTING. Pagkatapos ng Final Battle ng Protégé sa Centerstage ng SM Mall of Asia kagabi ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Krizza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narinig namin nang sabihin niya sa isang bumati sa kanya na, "Masarap talaga kapag walang ine-expect."

Kaya ang una naming tanong kay Krizza ay kung talaga bang hindi siya nag-expect na manalo nung gabing iyon.

Ayon sa 16-year-old aspiring recording artist, "Actually po, wala po talaga. Hindi ko po inisip.

"Kaya po noong una, hindi po ako... Masaya po ako, yung maging parte po ng Top 3.

"Yung maging parte ng Top 10 man lang...hindi po siya lang, pero sobrang laking bagay na po yun.

"Lalo pa po't may assurance naman na po. May work na po kaming lahat.

"Pero yung makuha po ang title, makuha ang prizes, hindi ko po talaga siya ini-expect."

Bukod sa mga napanalunan niyang mga papremyo, kasama ni Krizza sina Lovely at Lirah na pipirma ng five-year contract sa GMA Artist Center.

LOVELY FOR THE WIN. Kahit siya na ang itinanghal na nanalo, nagpakumbaba pa rin si Krizza nang sabihin niya na sa lahat na si Lovely ang gusto niyang manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Krizza, "Sa totoo lang po, kung ako, hindi ako kasali rito, gusto kong manalo si Lovely.

"Kaya po kanina, sinabi ko na willing po ako na i-share kay Lovely.

"Kasi po, wala naman pong reason na akuin ko lahat 'to.

"Kasi, sobrang laki po [ng papremyo]. So, yun po."

Magkano ang plano niyang ibigay kay Lovely?

Mabilis na sinabi ni Krizza na, "Share po kami, half...

"Ay, hindi naman po si Lovely lang. Pero yung ibang protégé rin po.

"At saka, nasalanta po ng bagyo ang Cagayan de Oro kaya magdo-donate ako.

"Kasi po, kung wala sila, wala rin naman po ako dito. Yung mga tao po.

"Kaya sobrang thankful po ako.

"At kung magiging selfish po ako, ayoko nang manalo. Ayoko nang angkinin ang prize.

"Ayoko na po yung title kung magiging selfish ako."

JUDGES' CHOICE. Sa Final Battle, pagkatapos ng bawat round ay tinanong ng host na si Dingdong Dantes ang mga judges kung sino sa palagay nila ang umangat sa tatlong finalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang beses napili si Krizza—ni Cherie Gil sa unang round at ni Eula Valdes sa pangalawang round.

Ano ang naramdaman niya that time na siya ang napili ng mga judge?

Ayon kay Krizza, "Iniiwasan ko po talaga ang mag-expect.

"Kasi po, kung mag-e-expect ka at hindi rin mangyayari, sobrang sakit po.

"Kaya sa isip ko po kanina, sinabi nila yun, hindi dahil mag-e-expect ako.

"Kung hindi para magawa ko pa nang maayos ang performances ko."

MENTOR AIZA. Ang mentor ni Krizza ay si Aiza Seguerra, na very proud sa kanyang protégé.

Sa ilang buwan na pagsasama nila bilang mentor at protégé, ano ang mga natutunan niya kay Aiza?

"Ako po, yung pagiging open po.

"At sa ilang months na magkasama kami ng mentor ko, natutunan ko po na hindi mag-expect nang sobra-sobra. At saka, tiwala sa sarili.

"At yung hindi mo iisipin kung ano ang makukuha mo sa ginawa mo, kung ano lang ang maibibigay mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May usapan na rin daw sila ni Aiza na kung hindi man siya ang pinalad na manalo, itutuloy pa rin nito ang pagtulong sa kanya.

"Kung hindi man po ako ang napili na maging ultimate Protégé, gagawan niya po ako ng album.

"Ako po, hindi ko po talaga...wala pong hard feelings kung matalo po.

"Kasi po, sobrang saya ko na po. Sobrang thankful.

"Sobrang blessed ko po na maging parte sa Top 3," saad ng Protégé winner.

LIFE-CHANGING. Nararamdaman na ba niyang mababago na ang buhay niya simula nung gabing yun?

Nakangiting sabi ni Krizza, "Siguro po. Pero, for the better po.

"Hindi pa rin ako magbabago. Ako pa rin ang Krizza.

"Ang kaibahan lang po, ako po yung nanalo dito sa Protégé."

Sa ipinalabas na VTR ng homecoming ni Krizza sa Cagayan de Oro, ipinakita ang pagdalaw ni Krizza sa kanyang lolo.

Malapit si Krizza sa kanyang lolo, na may sakit na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Krizza, "Sa lolo ko po, para rin ito sa kanya.

"Dahil po sa kanya, sobrang...ito po ay idine-dedicate ko ito para sa kanya. Hindi lang sa mga tao.

"On top po, si God, then lolo ko."

Ngayong nanalo si Krizza, nararamdaman ba niyang posible na niyang makita ang kanyang ama na matagal nang nawalay sa kanya?

"Sa daddy ko po? Ngayong nanalo po ako, siguro magkikita po kami ng dad ko.

"Pero, hindi po ako yung, 'Ay, ngayon ka pa lang magpapakita.'

"Pero kasi po, hindi ko naman alam ang side niya kung bakit nawala siya nang sobrang tagal.

"Wala rin po akong right para magalit po. Yun po."

KRIS BERNAL'S FAN. Napag-alaman naman ng PEP na si Krizza pala ay miyembro ng online fans ng Kapuso star na Kris Bernal.

Sa kabilang banda, masipag naman sa pagtu-tweet ang idol niyang si Kris na iboto siya.

Kuwento pa ni Krizza, "Si Kris Bernal po, may pinasuot po siya sa aking ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nga nito ay ipinakita niya sa amin ang singsing na suot-suot niya.

"Sa kanya po galing.

"Sabi po niya, dinadala niya raw po ito. Lucky charm niya raw po, pang-good luck."

Habang nasa Party Pilipinas daw sila noong umagang yun ay iniabot ni Kris ang singsing sa kanya.

Sabi ni Krizza, "Gusto ko lang din pong magpasalamat kay Kris. Sa suporta niya po.

"Sobrang laking tulong po ng ginawa niya, yung pagtu-tweet.

"Kahit ganoon lang po kasimple, sobrang malaki na po yun."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa totoo lang po, kung ako, hindi ako kasali rito, gusto kong manalo si Lovely. Kaya po kanina, sinabi ko na willing po ako na i-share kay Lovely. Kasi po, wala naman pong reason na akuin ko lahat 'to. Kasi, sobrang laki po [ng papremyo]," says Protégé winner Krizza Neri.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results