Billy Crawford to resume international singing career in 2012; not worried about being away from girlfriend Nikki Gil

Billy Crawford on being away from girlfriend Nikki Gil: "I don’t think I have anything to worry about on my part. Wala rin siyang kailangang alalahanin sa akin. Yung loyalty and trust, hindi puwedeng mawala yun, hindi puwedeng maiba. Kasi, di sana, hindi na lang kami naging kami kung wala kami nun sa isa’t isa."


Kakaiba ang taong 2012 para sa Pinoy international singer na si Billy Crawford.

Kumpirmado na kasi ang paglipad ni Billy sa United Kingdom upang balikan ang kanyang iniwang international singing career doon.

Sa January naka-schedule umalis ng Pilipinas ang Fil-Am singer-TV host.

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Sa mga interview noon ni Billy ay sinabi nitong isa sa malaking dahilan kung bakit hindi niya mabalikan ang kanyang international career ay dahil sa kasintahan niyang si Nikki Gil.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa sinabi noon ni Nikki na natatakot siya sa isang long-distance affair.

Ito kasi ang nakatakdang mangyari sa relasyon nila sa sandaling matuloy ang pag-alis ni Billy.

May takot din bang nararamdaman si Billy sa posibleng kahinatnan ng relasyon nila ni Nikki kapag nagkalayo sila?

"Oo naman," sambit ni Billy.

"But I don’t think I have anything to worry about on my part.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala rin siyang kailangang alalahanin sa akin.

"Yung loyalty and trust, hindi puwedeng mawala yun, hindi puwedeng maiba.

"Kasi, di sana hindi na lang kami naging kami kung wala kami nun sa isa’t isa.

"I also think na matanda na ako diyan para sa high-school games na long-distance relationship.

"Kung gugustuhin ng isang tao na maging mabuti, then they’re gonna work to make it work."

NOT THE FIRST TIME. Ayon pa kay Billy, hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkakalayo sila ni Nikki.

Halos two months din siyang nawala nang makasama siya ni Sarah Geronimo sa U.S. tour nito noon.

"Saka di pa alam kung gaano talaga ako katagal mawawala, negotiable pa.

"Four months yung una, apat na buwan muna, then we’ll see what happens.

"Tapos na yung album ko dun and my contract is same as before," banggit ni Billy.

TRYING AGAIN. Aminado si Billy na may kaba rin siyang nararamdaman sa pagsubok niyang muli na buhayin ang kanyang international career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi, hindi ako puwedeng maging kampante.

"I’m hoping na maging successful. I think I have to work on certain stuff."

Pero tiniyak niya na kahit na ano ang mangyari ay babalik at babalik siya ng Pilipinas.

"Of course, babalik ako dito.

"Hindi ko naman puwedeng iwan yung mayroon dito ang ABS para sa akin.

"Mayroon nga akong movie, Moron 5 and Crying Ladies under the direction of Direk Wenn, under Viva [Films].

"Basta abangan ninyo. Kaunting regalo, kaunting iiwan ko."

EVERY DAY IS CHRISTMAS. Tatlong araw na lang ay Pasko na, kaya tinanong ng PEP si Billy kung ano ang plano niya ngayong holiday season.

Sabi niya, "Actually for Nikki, araw-araw ’ata, Pasko.

"Ang ginagawa ko lang, I have some few things, sentimental things para sa kanya.

"Andito kasi ang mommy at daddy ko for Christmas, so magsasama-sama kami ng family ko at family niya.

"Pupunta kami sa bahay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa naging takbo ng 2011 para sa kanya?

"2011 was a blessing," sambit ni Billy.

"It was quite hard, very difficult para sa adjustments para sa lahat.

"Pero it’s been a blessing kasi ang dami ring nangyari sa 2011.

"I think sa lahat naman, ang dami pagsubok at ang dami ring success na nangyari."

Ano naman ang nakikita niya para sa 2012?

"Sinasabi ng ibang tao na it’s the end of the world, but for me, 2012, I think, is the opposite of the end of the world.

"It’s a new beginning for everyone, new chance sa lahat."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close