Rochelle Pangilinan realized importance of boyfriend Arthur Solinap when he was away for Survivor Philippines

Rochelle Pangilinan on boyfriend Arthur Solinap: "Nakita mo lang ang importansiya ng isang tao noong wala na siya. Kasi, akala mo, palaging nandiyan. Pero noong wala na, ayun, nalulungkot na ’ko. Aminado naman ako."


"Happy year" para kay Rochelle Pangilinan ang taong 2011.

Ani Rochelle, "Masaya ang 2011. Masaya ang mga nangyari sa akin.

"Unang-una, sa work. Sa family, walang nagkasakit.

"Siyempre, yung lovelife, maganda.

"So, masaya ang 2011."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa Christmas party ng Summit Media noong December 15 sa Crowne Plaza Hotel.

Naging celebrity guests si Rochelle at ang kapwa niya PPL Entertainment, Inc. talent na si LJ Reyes.

Ngayong taon ay nakapag-ipon na rin siya para sa sarili niyang bahay.

"’Yung una kasi, sa tatay ko. Pangalawa, sa nanay ko.

"Tapos, sa kuya ko. Tapos ngayon, ako na.

"Nai-settle ko muna sila.

"Then, yung Amaya, siya yung parang birthday gift sa akin.

"Yun ang datíng niya kasi yung presscon namin, birthday ko mismo—May 23.

"So, itinuring ko siya na parang birthday gift.

"Ang ganda-ganda!

"Hindi ako binigyan ng sakit ng ulo ni Arthur nitong buong taon!" natatawang biro ni Rochelle tungkol sa kanyang boyfriend na si Arthur Solinap.

Dagdag pa niya, "Ang ganda lang. Maayos din kaming buong family ko.

"Masaya lang ang 2011."

AMAYA. Pansamantalang nabawasan ang exposure ni Rochelle sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya. Pero ngayon nga raw ay visible na naman ang role niya bilang si Marikit.

Ayon kay Rochelle, "Ngayon, hindi na ako baliw. Pinatino na nila ako.

"Actually, kahit ano naman ang gawin nila, happy ako kasi naging kasama ako do’n.

"Masaya ako dahil hindi rin naman biro-biro ang mga artistang kasama ko do’n.

"So, thankful pa rin ako.

"Sobrang ang saya-saya ng pakiramdam na nakasali ako sa show."

BROKEN VOW. Hindi pa man natatapos ang Amaya, may follow-up project na sa Kapuso network ang dating Sex Bomb dancer na nakilala sa Eat Bulaga!

Kasama si Rochelle sa afternoon soap na Broken Vow, na pagbibidahan ni Bianca King.

"Eto, e, pang-hapon naman ’to at maraming makaka-relate dito kasi about lovelife ang story nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kontrabida pa rin ako dito," saad niya.

Mas gusto na ba niyang malinya sa kontrabida matapos ng mga pagbibida niya noon sa Daisy Siete?

Sagot ni Rochelle, "Mas masaya, e. At saka, nag-e-enjoy ako.

"Hindi ka na sinasaktan at sinasampal-sampal.

"Actually, ako naman, kung saan naman ako ilagay, happy lang."

ARTHUR SOLINAP. Inalam din ng PEP kay Rochelle kung kumusta na siya habang wala ang boyfriend niyang si Arthur Solinap, na noo’y nagte-taping para sa reality show na Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Ilang linggo rin kasing wala sila talagang komunikasyon.

"Ang lungkot!" pag-amin ni Rochelle.

"Nasa bahay lang ako. Hindi ako lumalabas. Ini-enjoy ko rin siya.

"Nagpi-pray ako palagi na sana, maging maayos siya.

"Kasi, noong time na yun, meron din Pedring. Sunud-sunod ang bagyo na nadaanan nila do’n kaya mas natakot ako for him."

Ano ang naging realization niya sa ilang linggo nilang pagkakahiwalay at walang komunikasyon ni Arthur?

"Naku, hindi ko na kakayanin kung wala siya!" natatawa niyang bulalas.

"Hindi naman...nakita mo lang ang importansiya ng isang tao noong wala na siya.

"Kasi, akala mo, palaging nandiyan.

"Pero noong wala na, ayun, nalulungkot na ’ko.

"Aminado naman ako."

Bago umalis si Arthur para sa SurvivorPhilippines, napag-usapan ba nilang parang pagsubok din sa kanilang relasyon ang pasamantalang paghihiwalay?

"Wala naman," sabi ni Rochelle.

"Pero ako, sinabi ko sa kanya na ’24/7, nakatutok sa ’yo ang camera.

"’Pagkatapos niyan, mapapanood ’yan ng lahat. Pamilya mo, pamilya ko. Makikita ’yan ng lahat.’

"Hindi namin inisip ang ibang tao, inisip lang namin ang family namin. Yun lang."

Ngayong napapanood na niya ang mga ginawa ni Arthur sa Survivor, proud daw siya rito.

"Sobrang proud ako sa kanya. Wala akong masabi.

"Kasi, napaka-OC [obsessive-compulsive] noong tao.

"So, para lang mag-stay siya... Actually, sabi ko, five days.

"Ako, parang iniisip ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, I’m sure kaya niya yun. Hindi ko lang ine-expect.

"At sobrang nagulat ako, sabi ko, ’Talaga?!’

"Noong nalaman ko na na-out na si Carlo [Gonzales, Arthur’s cousin], ’Wow, so, nandoon pa si Art? Wow!’

"Nagtutuksuhan pa kami, nag-aasaran.

"Kaya sabi namin, ’Ano kaya kung si Arthur ang unang natanggal?’

"Nakakatawa, e, nangyari!"

SURPRISE FROM ARTHUR. Excited na si Rochelle ngayong Pasko dahil may surprise daw sa kanya ang boyfriend.

"Actually, ’eto, surprise niya.

"Kasi, usually kami, sabay kaming nagpaplano. Pero ngayon, biglang, surprise.

"So, parang birthday ko. Kasi kapag birthday ko, palagi siyang may surprise.

"Kaya ngayon, parang ninenerbiyos ako. Hindi ko alam kung saan at wala akong idea."

Ano naman ang kanyang Christmas wish?

"More blessings.

"Sana maging mabait pa si Art. Sana, walang magkasakit sa family ko.

"Yung tatlo lang na yun ang palagi kong hinihiling," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN