PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Eigenmann shifts from kontrabida to bida in next soap after Munting Heredera

Gabby describes his 2011 as "blessed."
by Rose Garcia
Published Dec 24, 2011
Gabby Eigenmann on winning his first acting award: "It's not that I've been playing for the longest time, it's just that I was trying to do my best. Sabi ko nga, it's just timing. Good timing. Parang I've been in the business for 15 years, bakit ngayon lang? So, sabi ko nga, patience lang talaga. I can say I've waited for so long, pero nang mabigyan, it's priceless.

"Blessed."

Ganito inilarawan ni Gabby Eigenmann ang taong 2011 para sa kanya.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. noong Miyerkules, December 21, sinabi ni Gabby na masaya niyang tatapusin ang taon at masaya rin niayng sasalubungin ang 2012.

"Unang-una, what a way to end 2011.

"Unang-una, wala naman akong hiningi masyado for Christmas, pero yun nga, nabigyan ako ng karangalan."

Ang tinutukoy ni Gabby ay ang Best Supporting Actor award na napanalunan niya mula sa Golden Screen Awards ng Enpress para sa pagganap niya sa Munting Heredera.

"Tapos, at the same time, pagdating sa personal na buhay, tulad ng family, masaya naman ang family.

"Even Andi [Eigenmann, his half-sister], naging healthy naman ang panganganak niya.

"Tapos, pagbukas nga ng 2012, may bagong blessing na naman.

"At nagpapasalamat ako sa GMA-7, sa network, dahil sa patuloy na pagtitiwala nila sa akin."

Hindi pa man kasi natatapos ang kinabibilangan niyang primetime series na Munting Heredera, heto't may kasunod na siyang project sa GMA-7—ang afternoon soap na Broken Vow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Gabby, "Ang tagal ng itinakbo ng Munting Heredera, tapos walang paligoy-ligoy pa, hindi ako pinagpahinga, binigyan pa ko ng isa pa.

"Natutuwa rin ako kasi yung pagtitiwala ng network, tiwala ng management, tapos tiwala ng mga writers, mga katrabaho ko, natutuwa ako.

"Feeling ko, it paved the way, yung pagkapanalo [ng award].

"Sabi ko nga, nai-tweet ko nga yun, kung anuman ang hiningi mo sa Diyos, hindi lahat naibibigay sa 'yo kung kailan mo gusto.

"Siguro, kung kailan mo kailangan.

"Nagkataon na hindi ko kinailangan din.

"Nagkataon na mukhang ngayon ibigay ang dapat sa akin.

"Very thankful ako and I just feel so blessed."

MUNTING HEREDERA. Sa mga napapanood na episodes ngayon ng Munting Heredera, may ilang twists na sa kanyang character bilang si Desmond.

Sabi ni Gabby, "Feeling ko, sana magkaroon sila ng patience.

"Kasi, may ibang manonood, sinasabi nga, ang tagal na ng itinatakbo ng Munting Heredera, ano pa raw ba ang tatakbuhin lalo na't nakita na ni Sandra [Camille Prats] si Jennifer [Mona Louise Rey].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sabi ko, para maiba lang, 'Baka naman gusto ninyong malaman kung bakit nagkakaganoon si Desmond, kung bakit siya naging masama?'

"So, yun ang ilan sa aabangan nila."

Posible bang patayin na ang character niya sa Munting Heredera dahil may bago na siyang seryeng sisimulan?

"It's a possibility," sagot ng aktor.

"Sabi ko nga, kapag ikaw ay gumaganap na isang kontrabida sa isang show at siyempre, sa sobrang galit ng tao sa 'yo, siyempre maaaring ang pagganti lang nila, e, 'Sana mamatay na 'yan.'"

NOTHING LIKE DESMOND. Marami ang hindi nakakakilala ng tunay na pagkatao ni Gabby sa likod ng kamera. Ilang porsiyento ba ng katauhan ni Desmond ang meron siya—kung meron man?

Natawa si Gabby sabay sabing, "Wala, e. Wala talaga.

"Kasi ako, I always live my day, each day, as a positive one.

"Palagi kong... Sabi ko nga, kanina lang, may nag-text sa akin, sabi ang bait-bait ko naman daw pala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko naman, mas marami akong nage-gain kapag mabait ka kesa sa kapag napakasama mong tao.

"I think, it's an obvious thing to do, and the thing is to be nice and you gain more friends, more blessings.

"That's why siguro nabibiyayaan din tayo.

"Kasi, kapag masamang tao ka naman, alam naman natin kung saan tayo mapupunta.

"Ako, I always make time to pray. Before I wake up, before I sleep.

"I always thank God na nabubuhay pa 'ko. Basta, palagi lang akong positive."

DIFFERENT ROLE. Dahil wala siya halos pahinga sa paggawa ng mga teleserye, gustong tiyakin ni Gabby na may makikitang kaibahan ang manonood sa kanya sa Broken Vow, at maiiwan sa Munting Heredera ang character niya bilang si Desmond.

"This is gonna be different," sambit ng aktor.

"Itong holidays, itong season na ito, this is the time na preparation for me.

"Kasi, kapag lumaktaw ako sa isang soap, kailangan mawala yung shadow ni Desmond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The only thing I can say is, iba...iba itong role, iba itong character."

Malaki nga ang kaibahan dahil this time, leading man si Gabby ni Bianca King. Bida-kontrabida raw sila pareho ng isa pang leading man na si Luis Alandy.

Pag-amin naman ni Gabby, "Ang pinakamahirap na gagawin ko with this next project is the transition nga from kontrabida, na napaka-kontrabida, na this time, bida naman.

"I've learned to love the character of being a villain nga, kasi doon ako nag-e-excel. Nakasanayan, e.

"Pero may nagtanong nga sa akin, since nanalo na raw ako, may chance raw ba na mamimili na ako ng roles ko.

"Sabi ko naman, it's not about choosing the roles, it's about how you portray the roles that are given [to you].

"Palagi ko namang sinasabi, it's a job, it's a profession."

WHEN WILL HE SING AGAIN? Bukod sa pag-arte, kumakanta rin si Gabby. Sa katunayan, nagkaroon na siya ng album noon na iprinodyus mismo ni Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Twitter nga raw ay maraming nagtatanong kung kailan siya kakantang muli.

Ayon kay Gabby, "Sabi ko naman, acting has always been my first love.

"Singing is just a part of me that I want to show to everyone.

"But again, kung hindi man nila matanggap, naiintindihan ko naman yun dahil marami rin namang magagaling diyan.

"The thing is, I hope I have proven something as an actor.

"And it's a different thing naman from the longest time na magli-lead, so happy ako."

HIS FATHER'S REACTION. Naitanong din namin kay Gabby kung ano ang naging reaksiyon ng ama niyang si Mark Gil sa pagkapanalo niya ng acting award.

Hindi man direktang aminin ni Gabby, tila may pressure sa kanya bilang isang Eigenmann na magkaroon ng acting award.

Halos lahat kasi ng mga kamag-anak niya ay mayroon na nito, gaya ng kanyang ama, ang tita niyang si Cherie Gil, ang uncle niyang si Michael de Mesa, at ang half-brother niyang si Sid Lucero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sabi naman ni Gabby, "Okay naman, happy naman.

"Tumawag siya. At sabi nga niya, natutuwa siya that finally, I received an award.

"Sabi niya, 'I just hope that you remember lahat ng pangaral ko sa 'yo. That you treasure [it].'

"Kasi, sometimes ang dating, I've lost focus pagdating sa acting.

"To me, parang ang dating kasi, parang laro-laro lang.

"Pero sinabi ko nga... I defended myself.

"It's not that I've been playing for the longest time, it's just that I was trying to do my best.

"Sabi ko nga, it's just timing. Good timing.

"Parang I've been in the business for 15 years, bakit ngayon lang?

"So, sabi ko nga, patience lang talaga.

"I can say I've waited for so long, pero nang mabigyan, it's priceless.

"My dad, happy siya."

HAPPY CHRISTMAS. Kaya naman walang-duda na masaya rin na sasalubungin ni Gabby ang Christmas.

Kuwento niya, "Most of my relatives, nasa U.S. na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero yung mga anak ni Tita Cherie, darating dito.

"Yung panganay niya, nandito na. Yung iba, uuwi.

"We usually spend Noche Buena of the 24th, kaming Eigenmann.

"Pero ngayon, kulang-kulang kami. Mapapaaga, magiging 23 [Friday].

"So, 23 namin gagawin para lunch time.

"Sa 24 naman, kasama ko naman sina Ryan, Geoff... kaming magpipinsan.

"Then, of course, family. Sa 25th naman, sa family naman nina Apples [Arrizabal, Gabby's wife].

"So, happy lang talaga."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Eigenmann on winning his first acting award: "It's not that I've been playing for the longest time, it's just that I was trying to do my best. Sabi ko nga, it's just timing. Good timing. Parang I've been in the business for 15 years, bakit ngayon lang? So, sabi ko nga, patience lang talaga. I can say I've waited for so long, pero nang mabigyan, it's priceless.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results