UPDATE Tyron Perez found dead in Valenzuela

Tyron Perez, 26, is dead.

This photo was taken last December 17, the day he mentioned the possibility of being part of another TV series that will be aired on ABS-CBN.


Patay na si Tyron Perez.

Ito ang balitang kumakalat ngayon sa Internet.

Ayon sa ilang blog sites at sa Twitter, natagpuan daw si Tyron na wala nang buhay sa isang "abandoned car sa Valenzuela," ngayong gabi, December 29.

Isang gunshot daw sa kanang bahagi ng kanyang ulo ang naging sanhi ng pagkamatay ni Tyron.

Sa report naman ni Charlie Mendoza ng dzMM, natagpuan daw ang lifeless body ni Tyron sa isang kotse na naka-park sa service road ng North Luzon Expressway, na malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela.

Ito ay ayon kay Senior Superintendent Wilben Mayor.

Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay ang Star Magic, ang management team na humahawak kay Tyron, sa mga naulila nito.

Sa isang text message na ipinadala ng publicist na si Thess Gubi ngayong alas onse ng gabi:

"Our deepest condolences to the family of Tyron. Let’s pray for the eternal repose of his soul."

WAKE DETAILS. May asawa si Tyron: si Liv Espino, na isang flight attendant.

Para sa mga gustong makiramay, narito ang latest tweet ng misis ni Tyron:

"Tyron’s public viewing will start at 12pm today until 1st of Jan, 2012 at Loyola Memorial Park, Sucat, Paranaque City. Thank you!!"

Si Tyron, na tubong Tarlac, ay alumnus ng Starstruck batch 1.

Ang unang manager niya ay ang yumaong si Douglas Quijano.

Mas nakilala ito bilang Dwight sa pelikulang Twilight Dancers (2006).

Taong 2010 noong lisanin niya ang GMA Network at naging talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Huling nakapanayam si Tyron ng PEP noong December 17, sa Ilocos, kung saan sinabi niyang wala pa siyang anumang plano sa Pasko dahil ang kanyang non-showbiz wife ay may lipad sa pinagtratrabahuhan nitong airline.

(CLICK HERE to read story.)

Aniya, may biyahe raw ito, "Magkalayo kasi kami, e."

Nabanggit din niyang tatlong taon pa ang kanyang hihintayin bago nila planuhing magsimula ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ni Tyron, "Hindi rin siya pwedeng magbuntis din kasi kapag lumilipad, malakas ang radiation ng eroplano. Kung sakali, siguro ano, after three years pa siguro ang plan namin."

Ang huling teleserye ng aktor ay Mula sa Puso, kung saan ginampanan niya ang papel na Gilbert.

Nakatakda sanang maging bahagi siya ng isang teleserye sa ABS-CBN sa 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN