UPDATED Initial police reports claim Tyron Perez "suicide" caused by "gambling problem"

by Nerisa Almo
Dec 31, 2011
"Ang daya niya. Sabi niya walang iwanan. Sabi niya sa akin yesterday [December 29], 'Uy, walang iwanan ha?' 'Yon, nauna na, iniwanan niya ako," said Liv Espino (inset), the grieving wife of Tyron Perez.

Problema umano sa pagkakautang dahil sa sugal ang isa sa mga posibleng dahilan upang tapusin ni Tyron Perez ang kanyang buhay noong gabi ng Disyembre 29.

Ito ay base sa naging salaysay sa pulisya ng dalawang kaibigan ng 26-year-old actor na sina Priscilla at Alvin Salazar.

Natagpuang wala nang buhay ang Kapamilya talent sa loob ng isang Toyota Altis na nakaparada sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa ulat ni Doland Castro at Jerome Lantin ng ABS-CBN News, malaki umano ang pagkaka-utang ni Tyron dahil sa madalas niyang pagpunta sa casino.

Nabanggit din sa mga salaysay na napilitang ibenta ng StarStruck Batch 1alumnus ang kotse ng kanyang asawang si Liv Espino para makabayad sa utang.

Pero hindi pa rin daw isasantabi ng mga awtoridad ang anggulong maaring pinatay ang aktor.

"'Yon talaga ang lumalabas dito.

"Mayroon siyang pahiwatig na magpapakamatay siya, ayon sa mga nakuha naming testigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero as of this moment, hindi namin sinasabing nag-suicide siya," saad ni Senior Inspector Arthur Quiñones.

MARITAL WOES. Bukod sa problemang pinansyal, iniimbestigahan din ngayon ang umano'y problemang mag-asawa nina Tyron at Liv.

Ayon sa kaibigan ni Tyron na si Priscilla, "Basta ang alam ko lang, may problema siya pero hindi niya masyadong dini-detalye, hindi masyadong madaldal."

Sa ulat ni Ginger Conejero ng ABS-CBN News, inamin ni Liv na nagkaroon sila ng problem dahil sa pagsusugal ng kanyang asawa.

"Ito na 'yong third time," kuwento ni Liv.

Pero wala raw sa hinagap ng flight attendant na tatapusin ng kanyang asawa ang buhay dahil sa problemang ito.

Nabanggit din ni Liv, na mahigit dalawang taon nang kasal kay Tyron, na nakausap pa niya ang asawa noong mga huling sandali nito.

Hindi raw niya inakalang tototohanin ni Tyron ang bantang pagpapakamatay.

THE SUICIDE. Paglalahad ni Liv, "'Magpapakamatay na ako, magpapakamatay na ako,' sabi niya. 'Gusto mong marinig?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Akala ko joke lang....Binaril niya yung sarili niya.

"Parang, bam! Parang nahulog na malaking book, parang ganoon. Nahulog na yung phone.

"Hello ako nang hello, wala na."

Samantala, sa ulat nina Castro at Lantin, ito umano ang sinabi sa kanila ni Liv:

"'Sabi niya na hindi na niya kaya, gagawin na niya.

"'Yung last text niya, hindi na daw siya aabot.

"'Parang may nahulog lang, narinig ko lang, 'yung very vivid na naalala ko, 'yung huling hininga na parang struggling.'"

Bagamat nakalulungkot ang mga pangyayari, hindi rin maiwasan ni Liv na isiping bigla na lang siyang iniwan ng asawa, lalo na't sinusubukan nila muling mag-umpisa sa ngayon.

Ang mangiyak-ngiyak niyang sinabi kay Conejero: "Ang daya niya. Sabi niya walang iwanan.

"Sabi niya sa akin yesterday, 'Uy walang iwanan ha?'

"'Yon, nauna na, iniwanan niya ako."

Base sa cross-examination ng SOCO (Scene of the Crime Operatives), isang gunshot ang nakita sa kanang sintido ni Tyron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay mula sa isang .22 caliber na baril na natagpuan sa tabi ng aktor.

Nasa pulisya ngayon ang ginamit na baril para sa ballistic exam.

Ang cellphone naman na ginamit sa forensic exam ay nasa Camp Crame.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Tyron sa Loyola Memorial Park, Sucat, Parañaque City.

Pumayag ang pamilya ni Tyron na makita siya ng publiko hanggang Enero 1.

Pagkatapos nito ay dadalhin raw ang kanyang mga labi sa Tarlac, kung saan siya ililibing sa Enero 8.

Read Next
Read More Stories About
Tyron Perez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang daya niya. Sabi niya walang iwanan. Sabi niya sa akin yesterday [December 29], 'Uy, walang iwanan ha?' 'Yon, nauna na, iniwanan niya ako," said Liv Espino (inset), the grieving wife of Tyron Perez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results