Janelle Manahan’s lawyer condemns spread of video of his client and her murdered boyfriend Ramgen Revilla

"This video represents the second assassination of Ramgen (left) and second frustrated murder of Janelle (right) orchestrated and masterminded by the Bautista household," says Atty. Argee Guevarra.


Kinumpirma ng legal counsel ni Janelle Manahan na si Atty. Argee Guevarra na ang kliyente niya ang nasa isang video na mabilis na kumakalat ngayon sa Internet.

Kasama ni Janelle sa naturang video ang kanyang yumaong kasintahan na si Ramgen Revilla.

Sa video ay makikita sina Janelle at Ramgen sa kanilang intimate moments habang nasa loob ng tila isang banyo.

Ayon kay Atty. Guevarra, nagulat at umiyak si Janelle nang malaman nito—sa pamamagitan ng social networking sites gaya ng Facebook at Twitter—na may nag-upload ng video noong Huwebes, December 29.

"This video represents the second assassination of Ramgen and second frustrated murder of Janelle orchestrated and masterminded by the Bautista household," saad ni Atty. Guevarra sa phone interview sa kanya ng Philippine Star.

Inakusahan din ni Atty. Guevarra ang mismong pamilya ni Ramgen na siya diumanong nasa likod nito.

Ayon sa abugado, isa sa mga nakababatang kapatid ni Ramgen ay namba-blackmail diumano kay Janelle sa pamamagitan ng mga mensahe sa Facebook.

"She was told, ’You are not clean Ate Janelle,’" sabi ni Atty. Guevarra patungkol sa isang kapatid ni Ramgen.

Dagdag pa ng abugado ni Janelle, tanging ang may access sa computer ni Ramgen ang makakapag-upload ng kumakalat ngayong video.

Saad ni Atty. Guevarra, "That video was stored in Ramgen’s computer and later transferred to one of the computers of the Bautista household."

Dalawa sa kapatid ni Ramgen ang itinuturong masterminds sa pagpatay sa kanya noong Oktubre 28 sa bahay nila sa BF Homes Parañaque—sina Ramona at Ramon Joseph Bautista.

Si Janelle ay witness laban sa dalawang kapatid na ito ni Ramgen.

Nais din ni Janelle na isama ang isa pang kapatid ni Ramgen na si Gail Bautista, at ang asawa nitong si Hiro Furuyama, sa listahan ng mga akusado.

"ABSURD." Kaugnay ng mga akusasyon ni Atty. Guevarra, sumagot naman ang abugado ng pamilya Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi nitong "absurd" na isisi sa pamilya ni Ramgen ang pagkalat ng pinag-uusapang video.

Ayon kay Atty. Jeffrey Gepte, "It’s absurd [to blame the family] because it’s a private matter between Ramgen and Janelle.

"So it would be very absurd for the whole Bautista family to know about it."

Sabi pa ni Atty. Gepte, bago magtuturo ang abugado ni Janelle, alamin muna raw nila kung si Ramgen lang ang may kopya ng naturang video.

CALL FOR SENATOR BONG. Samantala, nanawagan naman si Atty. Guevarra sa half-brother ni Ramgen na si Senator Bong Revilla Jr.

Pamunuan daw nito ang imbestigasyon kaugnay ng pagkalat ng video nina Janelle at Ramgen upang mahuli kung sinuman ang may kinalaman dito.

Si Senator Bong ang isa sa authors ng Anti-Voyeurism Act sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Guevarra, maging masigasig sana si Senator Bong sa pag-iimbestiga sa pagkalat ng video nina Janelle at Ramgen gaya ng ginawa niya sa kaso noon ni Katrina Halili.

Matatandaang kumalat noong 2009 ang sex video ni Katrina at ng dating cosmetic surgeon na si Hayden Kho Jr.

Naging very vocal noon si Senator Bong sa pagtatanggol kay Katrina at sa pag-uusig kay Hayden.

Matatandaang ang huling pananalita ni Senator Bong tungkol sa kaso ng pagpatay kay Ramgen ay ipinauubaya niya ito sa mga awtoridad. Hindi malinaw kung ganito rin ang magiging posisyon niya tungkol sa pagkalat ng video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN