Direk Tikoy Aguiluz on Darryl dela Cruz’s statements: "Wala akong intention mang-insulto ng co-worker ko sa Asiong."

Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg">

Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg">

"Alam lahat ng mga co-workers namin sa Asiong kung sino ang nang-insulto at nambastos sa aming lahat. Alam lahat ng crew kung ano si Darryl sa Scenema Concepts," says director Tikoy Aguiluz in response to statements made by MMFF Best Director "winner" Darryl dela Cruz.


Maikli ang bagong mensaheng natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay direktor Amable "Tikoy" Aguiluz VI sa Facebook kahapon, January 1.

Kontra-reaksiyon ito ni Direk Tikoy sa nalathalang reaksiyon din ni Daryll dela Cruz, ang nanalong Best Director para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night noong December 28.

Si Direk Tikoy ang talagang nanalong best director, pero ang pangalan ni Daryll ang tinawag noong Gabi ng Parangal.

Ito ay sa dahilang may nauna nang Temporary Restraining Order (TRO) na ibinigay ang korte kay Tikoy para tanggalin ang pangalan niya sa publicity materials at kredito ng pelikula.

Matatandaang hindi nagustuhan ng direktor ang pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena sa pelikula nang wala siyang pahintulot.

Kasunod nito, pati sa pagkakamit ng parangal ay hindi puwedeng banggitin ang pangalan ng premyadong direktor, kaya ang isinumiteng pangalan ng prodyusers ng Asiong Salonga ay isang staff nito—si Daryll nga.

RESPECT. Pero ayon sa naunang lumabas na ulat, hindi naging maganda ang pagtanggap ni Daryll sa sitwasyon dahil may hinanakitan sila ni Direk Tikoy.

Ayon kay Darryl, "Magaling po siya, pero sana, tulad ng hinihingi niyang respeto, ibigay niya rin ito sa ibang tao ng Asiong, tulad ko.

"Marami siyang pinintasang tao na involved sa pelikulang ito, sana nirespeto niya rin kami.

"Pati nga po producer namin, hindi niya rin nirerespeto."

Dagdag pa niya, "Sana po ay tigilan na ni Direk Tikoy ang pang-iinsulto sa mga taong involved sa pelikula na minamaliit niya.

"Sa totoo lang po, malaki po ang pasasalamat ng Asiong Salonga sa lahat ng involved sa pelikula na nagmalasakit at gumawa ng paraan para lalong mapaganda ang Asiong.

"Kung hindi rin naman dahil sa kanila, hindi rin po tayo nakakasigurado na maiiuwi ng Asiong ang maraming awards sa nakaraang MMFF."

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIREK TIKOY’S RESPONSE. Ito naman ang naging tugon ni Direk Tikoy sa mga naging pahayag ni Darryl:

"Bagong taon, move on na tayo. Humihirit pa rin ang kampo ng Asiong produs."

Ang tinutukoy rito ng batikang direktor ay ang Scenema Concepts, Inc., na represented ni Leonard Villalon at nina Ryan at Maylin Enriquez.

Dagdag pa niya, "Wala akong intention mang-insulto ng co-worker ko sa Asiong.

"Ang Associate Director ko ay si Soc Jose, na hindi tinawag [to receive the Best Director award] in my place.

"Insulto ’yon para kay Soc, na mas senior at matagal na sa industriya.

"Ang dalawang editor ko ay hindi nabigyan ng credits."

Hindi binanggit ni Direk Tikoy ang mga pangalan ng sinasabi niyang co-editors.

Sa awards night, ang pumalit na editors na sina Jason Cahapay at Ryan Orduna ang naparangalang best editors.

"Maliit ang industriya," patuloy pa ni Direk Tikoy.

"Alam lahat ng mga co-workers namin sa Asiong kung sino ang nang-insulto at nambastos sa aming lahat.

"Alam lahat ng crew kung ano si Darryl sa Scenema Concepts."

Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg">


Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg"> Asiong."" data-url="https://www.pep.ph/news/32435/direk-tikoy-aguiluz-on-darryl-dela-cruz39s-statements-wala-akong-intention-mang-insulto-ng-co-worker" data-desc="The veteran director says his associate director and two editors were not given the credit." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f6411d00.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN