Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. asks NBI to investigate spread of Ramgen Revilla-Janelle Manahan intimate video

Bong Revilla (main photo): "Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko. Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao. Mas grabe pa ang pambababoy na ginagawa nila kay Janelle. Grabe na ang kanyang pinagdaanan, at pilit pa nilang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon."


Humingi ng tulong si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kumakalat na video ng yumao niyang kapatid na si Ramgen Revilla, kasama ang nobya ni Ramgen na si Janelle Manahan.

Magkapatid sa ama sina Senator Bong at Ramgen.

Makikita sa naturang video ang intimate moments ng magkasintahang Ramgen at Janelle.

(CLICK HERE to read related article.)

Ngayong hapon, Enero 2, ay nagpadala ng press statement ang opisina ni Senator Bong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay inihayag ng actor-politician ang kanyang matinding pagkadismaya sa nagpakalat ng naturang video.

"Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko," sabi ni Senator Bong.

"Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao.

"Mas grabe pa ang pambababoy na ginagawa nila kay Janelle.

"Grabe na ang kanyang pinagdaanan, at pilit pa nilang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon."

ANTI- VOYEURISM LAW OF 2009. Iginiit din ni Sendaor Bong sa NBI na nilabag ng nagpakalat ng video ang Republic Act 9995, o ang Anti-Voyeurism Law of 2009.

Ang main author ng batas na ito’y si Buhay Partylist Representative Irwin Tieng, habang si Senador Bong naman ang co-author.

Ayon sa lawphil.net, ito ang kahulugan ng photo or video voyeurism: "act of taking photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or of capturing an image of the private area of a person or persons without the latter’s consent, under circumstances in which such person/s has/have a reasonable expectation of privacy,

"or the act of selling, copying, reproducing, broadcasting, sharing, showing or exhibiting the photo or video coverage or recordings of such sexual act or similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and similar means or device without the written consent of the person/s involved, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of same was given by such persons."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECTION 4 OF ANTI-VOYEURISM LAW OF 2009. Sa ilalim ng Section 4 ng Anti- Voyeurism Law of 2009, sinasabing ipinagbabawal ang mga sumusunod:

"(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

"(b) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;

"(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or

"(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device."

Ang sino man daw lumabag sa naturang batas ay maaaring maparusahan ng "tatlo hanggang pitong taong pagkakakulong at multang mula isang daang libong piso hanggang kalahating milyong piso."

SENATOR BONG’S STATEMENT. Narito ang press statement mula sa opisina ni Senator Bong Revilla:

Hiniling ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang may kagagawan ng pagkalat sa internet ng intimate video ng kanyang yumaong kapatid na si Ramgen Revilla at ang girlfriend nitong Janelle Manahan.


Ang video ay kumalat sa internet may isang linggo na nakakaraan.


"Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko. Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao," ani Bong Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Mas grabe pa ang pambababoy na ginagawa nila kay Janelle. Grabe na ang kanyang pinagdaanan, at pilit pa nilang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon," sabi pa niya.


Iginiit ni Bong Revilla sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon at arestuhin ang mga nagpakalat ng video dahil sa paglabag sa Anti-Voyeurism Law of 2009 (RA 9995), ang batas laban sa hindi otorisado at walang pahintulot na pagpapakalat at pag-upload ng mga video.


Sa ilalim ng Seksyon 4 ng naturang batas, ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan o video sa sinuman o anumang grupong nagsasagawa ng sexual act o anumang katulad na aktibidad, gayundin ng anumang maselang bahagi ng katawan, nang walang pahintulot ng mga taong kinukuhanan. Ipinagbabawal din ang pagkopya, pagbenta, pagpapalabas at pagkalat ng mga ganitong klaseng larawan at video kahit pa pumayag ang mga taong nasa larawan o video na sila ay kuhanan.


"This means that every person who downloads, copies and sends the video is guilty of committing the offense, regardless if they were the original uploaders," paliwanag ni Bong Revilla.


Ang mga mapapatunayang lumabag sa Anti-Voyeurism Law of 2009 ay mahaharap sa tatlo hanggang pitong taong pagkakakulong at multang mula isang daang libong piso hanggang kalahating milyong piso. Si Bong Revilla ay co-author ng nasabing batas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN