Pokwang clarifies that her launching movie, A Mother’s Story, is not based on her life

Pokwang on her launching movie: "Nagkataon lang talaga na ang pelikula, hindi nalayo sa pagiging Marietta Subong [her real name] ko sa totoong buhay. OFW [overseas Filipino worker] ako. Nagpapasalamat naman ako dahil ako talaga ang binigyan nila ng tiwala na gawin ito sa TFC, di ba?"


Opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel ngayong 2012 ang launching movie ng comedienne na si Pokwang—ang dramatic film na A Mother’s Story.

Pero taliwas sa inaasahan ng marami, isang dramatic movie ang pinagbibidahang pelikula ni Pokwang.

Noong mismong New Year, January 1, live na nag-guest si Pokwang sa The Buzz para sa one-on-one interview niya kay Toni Gonzaga.

Magkasama rin sina Pokwang at Toni sa daily noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! (HYY).

Pero hindi lamang ang pagkakaroon ng launching movie ang bago kay Pokwang, kundi maging ang pagkakaroon niya ng bagong bahay.

Kasabay ng bagong taon ang paglipat ni Pokwang sa kanyang bagong bahay.

Ayon sa komedyana, "Ay, napakasaya!

"Hindi ba nga, kinukuwento ko sa dressing room sa inyo kahapon [December 31] sa HYY na excited ako sa bagong bahay ko kasi first new year... lahat."

Maraming magagandang nangyari kay Pokwang nung 2011, pero ano ba ang pinaka-pinasasalamatan niya?

"Unang-una, siyempre, natupad yung mga pangarap ko na mabigyan ng mga disenteng tahanan ang mga mahal ko sa buhay.

"Yun naman talaga ang pinakaimportante, di ba, yung mga mahal natin, walang masamang mangyayari sa kanila.

"Yun na ang bonggang-bongga para sa akin," saad niya.

Meron bang New Year’s resolution si Pokwang?

"Doon nga ako nagtataka, bakit kapag New Year lang natin ginagawa, e, puwede namang araw-araw yun, di ba?" sagot niya.

LAUNCHING MOVIE. Kuwento ni Toni, tuwing mag-uusap sila ni Pokwang ay palagi nitong sinasabi na kinakabahan siya tuwing maaalala niya na malapit nang ipalabas ang kanyang pelikula.

Ilang kababayan natin sa abroad ang nakapanood na ng movie.

Nilinaw naman ni Pokwang na hindi isinulat ang pelikula base sa totoong buhay niya.

Aniya, "Hindi, nagkataon lang talaga na ang pelikula, hindi nalayo sa pagiging Marietta Subong [her real name] ko sa totoong buhay.

"OFW [overseas Filipino worker] ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat naman ako dahil ako talaga ang binigyan nila ng tiwala na gawin ito sa TFC, di ba?"

Nahirapan ba si Pokwang habang ginagawa ang pelikula at may nanumbalik na alaala noong OFW pa siya?

"Actually, kapag nagbabasa na kami ng script sa set, talagang nagkakatitigan kami ni Direk [John-D Lazatin], mamaya iyak na.

"Tapos, yung hugot, yung hugot nito, ’Direk, ’eto na po, sasabog na ako.’ Sobra, sobra!

"Bumabalik sa akin yung mga pinagdaanan ko bilang isang single mom. Bumalik lahat yun.

"Yung pagod mo, pag-aalala mo sa kanila dahil malayo sila sa ’yo."

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Pokwang ang maging emosyunal at mapaluha.

Ayon kay Toni, hindi niya makayang nakikitang umiiyak si Pokwang at naiiyak din siya dahil alam daw niya ang lahat ng napagdaanan nito base na rin sa kuwento ng huli.

Pero ano ba ang naging inspirasyon ni Pokwang habang ginagawa niya ang A Mother’s Story?

"Yung mga nanay na alam ko na nagpapakasakit sa ibang bansa na kagaya ko rin.

"Sila ang naging inspirasyon ko dahil alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera at alam ko kung gaano kasakit na mawala ka sa mga mahal mo sa buhay.

"Sila ang inspirasyon ko dito."

Dagdag pa ni Pokwang, "Mas lalong dapat panoorin ng mga kababayan natin dito na may mga kamag-anak abroad na nagtatrabaho dahil mas lalo ninyo silang mamahalin at bibigyang halaga ang mga pinagpapaguran nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN