Kris Bernal admits to celebrating New Year with Jolo Revilla and his family

Kris Bernal on Jolo Revilla: "Ayoko naman na ma-misinterpret ko ’yong mga ginagawa ni Jolo sa akin ngayon. Basta sa ngayon, magkaibigan kami. At masaya ako sa pagiging magkaibigan namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong love life, e. Dumadating na lang ’yan, e. At kumbaga, tingnan na lang natin kung makapagbibigay inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career."


Kapansin-pansin na blooming si Kris Bernal nang mag-guest siya sa Showbiz Central kahapon, January 1.

Siya ang sumalang sa lie-detector test at live interrogation para sa segment na "Don’t Lie To Me Reloaded," kung saan si Jennylyn Mercado ang pumalit muna kay John "Sweet" Lapus, na nasa New York, sa pagtatanong.

Puro "Truth" ang resulta sa lie-detector machine ng mga sagot ni Kris.

Isa sa naging tanong sa kanya ay kung maayos na ang pakikitungo nila sa isa’t isa ngayon ng singer na si Jay Perillo matapos silang mag-break.

Ani Kris, "Yes. Magkaibigan kami and okey naman. Okey na.

"I hope na maging masaya siya. ’Yon lang."

Nang matanong naman tungkol kay Jolo Revilla, hindi na rin itinanggi ni Kris na nanliligaw ito sa kanya.

Pero hindi kaagad siya nakasagot nang tanungin kung may pag-asa ba na sagutin niya ang aktor.

Nag-isip munang mabuti si Kris bago nasabing "Yes!"

Dagdag na rebelasyon pa ng Kapuso young actress, "Lumalabas kami. Nagkikita kami.

"Pero hanggang do’n lang muna. Kinikilala ko pa lang muna siya.

"Pero sa ngayon, ang masasabi ko, mabait siya, sweet siya...bilang isang kaibigan, kumbaga.

"Yes. Nag-celebrate kami ng New Year na magkasama.

"After no’ng New Year countdown [ng GMA-7] sa MOA, nagkita kami.

"Pero magkaibigan lang kami. Hindi pa ako ready for a relationship ulit."

"I HAVE TO MOVE ON." Pagkatapos ng live interview kay Kris, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam siya sa dressing room ng GMA Network.

Ngumiti lang siya nang matanong kung bakit nga ba blooming siya at parang hindi nanggaling sa pagiging broken-hearted.

Totally ay naka-move on na ba siya? Wala na ’yong heartaches na inihatid ng breakup nila ni Jay?

Sagot ni Kris, "A, hindi naman sa... Siguro ngayon, I have to move on. And I have to forget the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have to start a new life. I have to focus more on my career.

"And that’s my goal for this year—to be more focused and mag-explore pa ng mga bagay na puwede kong gawin dito sa career ko."

Sinabi niyang "friends" na sila ni Jay. Ibig sabihin kaya, hindi na siya nasasaktan sa nangyaring hiwalayan nila?

"Wala na. Magkaibigan kami.

"Masaya siya. Alam ko ’yon.

"At alam niya ring masaya ako.

"Wala nang bitterness. Wala nang...

"Siyempre may konting heartache. Pero, it will heal, e.

"In time, mawawala rin iyon.

"Basta ang importante, okey kami," saad ng StarStruck alumna.

JOLO REVILLA. Malaking bagay ba para mapabilis ang healing process na kanyang pinagdaraanan ngayon ang pagdating ni Jolo sa buhay niya?

O iyong namumuong maganda at espesyal na pagkakaibigan nila ngayon?

"Uhm... sort of," sambit ni Kris.

"Si Jolo kasi, naging kaibigan ko talaga siya.

"Matagal na kaming naging magkaibigan. Pero ngayon lang ulit kami parang nagkita.

"Pero matagal na kaming magkaibigan. Matagal na kaming magka-text. Dati pa.

"Pero ngayon nga lang kami nagkikita.

"Siya kasi...siguro natulungan niya ako in way na gusto niya lagi akong masaya.

"Kapag ka-text ko siya, gusto niya...alam mo ’yon?

"Iniisip niya lagi ’yong happiness mo. Kung paano ka niya mapapasaya.

"Dahil alam niyang may problema ka.

"We communicate every day."

Gaano sila kadalas magkita? Halimbawa, sa isang linggo?

Ayon kay Kris, "Depende kung nagkayayaan.

"Siya kasi, he always asks me to go out for dinner. And, a...alam mo ’yon? Bonding lang.

"And I’m not saying na parang ginagawa ko ito dahil may bago, e, na gusto ko ito dahil may bagong manliligaw.

"Hindi iyon ang dahilan.

"Siguro ang gusto ko ngayon, kailangan ko ng mga kaibigan, e.

"Kailangan ko ng mga taong malapit sa akin.

"Kasi, nasaktan ’yong puso ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, naghahanap lang ako ng mga kaibigan. Ng mga bagong kaibigan.

"Ng mga affection. Ng pagmamahal ng pamilya ko.

"Iyon—iyon ang kailangan ko ngayon.

"Kaya si Jolo, he’s a new friend."

Sa recent interviews ni Jolo, hindi pa ito umaamin na nanliligaw siya kay Kris.

Ang lagi lang nitong sinasabi, hayaan muna silang magkakilanlang mabuti ni Kris.

Napag-usapan ba nila ni Jolo na aamin na siyang nanliligaw nga ito sa kanya?

"Yes," sagot ni Kris.

"Pero right now, parang I see him as more of being a friend, e. Alam mo ’yon?

"Ngayon talaga, magkaibigan kami, e.

"Pero ngayon, natutuwa ako dahil may taong nandiyan, nagki-care sa ’yo."

Pero hindi na niya puwedeng bawiin ’yong nasabi niyang may pag-asa naman na sagutin niya si Jolo?

"A, hindi naman sa... siyempre, dyusko! Ilang weeks pa lang kaming nagkakakilala talagang mabuti at nagkikita.

"Hindi naman puwedeng kayo na agad!

"Siyempre, habang tumatagal, do’n mo nakikilalang mabuti ’yong tao, e. ’Yong ugali talaga ng tao. ’Yong buhay niya.

"Kailangan talaga na magkakilala muna kayong mabuti," saad niya.

Ano ang mga nagustuhan niya kay Jolo? Halimbawa, sa physical?

Ayon kay Kris, "Hindi ko pa naman siya crush o gustung-gusto or whatever.

"Naa-appreciate ko lang siya sa mga ginagawa niya for me.

"Sa mga efforts niya for me. Sa attention na ibinibigay niya."

Ano ang gifit sa kanya ni Jolo nitong nakaraang Christmas?

"Huwag na. Secret na lang!" natatawang sabi ni Kris.

JOLO’S FAMILY. Ang ina ni Jolo na si Congressman Lani Mercado ay very vocal sa pagsasabing boto ito kay Kris.

Maganda at mabait naman daw si Kris, sabi pa nga nito.

"Talaga?" nangiti ulit na reaksiyon ng Kapuso young actress.

"Naipakilala na niya [Jolo] po ako sa family niya.

"And, ’yon, na-feel ko naman na ang init ng pagtanggap nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pumunta ako one time sa party nila. Nakakatuwa.

"Pero nahihiya ako. Kasi siyempre..." napabungisngis si Kris.

"Pero nakakatuwa din po ’yong mga naririnig ko na sinasabi nina Ms. Lani...ni Senator Bong."

JOLO’S SON. Naipakilala na rin ba siya ni Jolo sa anak nitong si Gab kay Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces?

"Kay Gab? Opo.

"Si Gab, ang cute-cute niya, e.

"Ang sarap na...kasi mahilig ako sa bata. Mahilig akong mag-alaga ng bata.

"So, no’ng ipinakilala niya sa akin [si Gab], talagang... gusto kong maging close sa kanya."

Okey lang na maging stepmom siya ni Gab kung saka-sakali?

"Not yet. It’s too early to say," nakangiting sagot ni Kris.

Pero okey lang na maging stepmom siya ng anak ng lalakeng magiging kapalaran niya halimbawa?

"I wouldn’t mind.

"But, a...I can’t tell now.

"Because hindi ko pa masyadong kilala si Jolo. Hindi ko pa masasabi ngayon.

"Pero it’s okay, it’s no big deal for me kung may anak siya."

JOLO’S SEVERE MIGRAINE. Nakakabahala ang napapabalitang severe migraines ni Jolo.

Nakatakda ngang pumunta ang young actor sa Amerika para humingi ng second opinion sa mga doktor doon.

Napag-uusapan ba nila ni Jolo ang tungkol dito?

Sabi ni Kris, "Opo. Minsan ka-text ko siya.

"Sinasabi niya na inatake raw siya ng migraine.

"Kapag inaatake siya ng migraine niya, siyempre bilang kaibigan, gusto kong tumulong.

"Pero hindi ko naman alam kung paano."

Bukambibig ni Jolo ngayon na siguro raw ay kailangan na niya ng "inspirasyon."

Si Kris ba ang tinutukoy na "inspirasyon" ni Jolo?

"Ewan ko sa kanya," nangiti ulit si Kris.

"Tanungin natin siya kung inspirasyon ba niya ako ngayon!"

Handa na raw si Jolo na magmahal ulit. Ito ang nasabi rin ng aktor kamakailan.

Ano ang reaksiyon dito ni Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya?

"A...puwede. Puwede naman.

"Kaso, pareho kami ng sitwasyon, e.

"Question pa rin kung handa na nga ba kaming magmahal ulit," sagot ng Kapuso young actress.

NEW YEAR WITH THE REVILLAS. Sandaling napako ang pansin ni Kris sa TV monitor sa loob ng dressing room ng GMA-7 dahil sa umeereng live phone-patch interview ni Pia Guanio kay Senator Bong Revilla para sa Showbiz Central.

Si Steff Prescott, na naroon din sa dressing room, biniro pa si Kris na: "Father-in-law mo, o! Ini-interview."

Hiningan ni Pia ng reaksiyon si Senator Bong sa sinabi ni Kris na may chance na sagutin niya si Jolo.

Sabi ng senador, "Kung saan masaya si Jolo, masaya rin kami para sa kanya."

Pero tumangging sagutin ng actor-politician ang tanong kung naki-celebrate ba ng Bagong Taon sa pamilya Revilla si Kris.

Sabi na lang nito, mas mabuting sina Jolo at Kris na lang daw ang tanungin.

Pero inamin ni Kris sa PEP na nagpunta siya sa bahay ng mga Revilla noong Bagong Taon.

Kuwento niya, "No’ng salubong ng Bagong Taon, nasa MOA [Mall of Asia] ako. Nakipag-countdown ako doon.

"Pero right after no’n, he [Jolo] invited me sa party ng family nila.

"And since ’yong family ko kasi, nakasama ko na rin naman sa MOA, pumayag naman ’yong mommy ko.

"Of course, nagtanong muna ako sa mom ko kung puwede kasi family time ’yong New Year, e.

"Pumayag naman ’yong mom ko.

"Tapos he [Jolo] introduced me to his whole clan. Gano’n lang."

Boto rin ba ang pamilya niya kay Jolo? Ano ang sinasabi ng mga ito tungkol sa aktor?

"Well, of course, they’re happy because someone is there for me.

"Pero siyempre, alam mo naman ang payo pa rin nila para sa akin na, ’Kilalanin mo muna. Ayaw na namin ikaw masaktan. Basta kung ano ang makakapagpasaya sa ’yo, do’n kami.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW YEAR, NEW SHOW. Sa pagpasok ng 2012, ano naman ang mga inaasahan o wish ni Kris NA mangyari sa buhay at career niya?

Ayon sa dalaga, "For 2012, I’m very happy to have a new afternoon drama again.

"I’ll be back on the afternoon slot. Hiram Na Puso ’yong bago kong series.

"Kasama ko dito sina Mark Herras, Bela Padilla, Ms. Gina Alajar, Ms. Ayen Munji, and si Polo Ravales.

"Sina Mark at Polo ang love interest ko sa story.

"Actually, the show [came at the right time].

"Kasi I’m somehow depressed [sa breakup nila ni Jay], tapos biglang may blessing na dumating na, ’Hey, you have a new show!’

"So, sinalo ako ng bago kong show.

"Buti na lang at may pagkakaabalahan ako at hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano."

MAGKAIBIGAN. Biro naman namin sa kanya, siguradong lagi siyang papasyalan ni Jolo sa set ng taping ng bago niyang show.

"Depende sa kanya iyon," nakangiti namang sabi ni Kris.

"Ayoko naman na ma-misinterpret ko ’yong mga ginagawa ni Jolo sa akin ngayon.

"Basta sa ngayon, magkaibigan kami. At masaya ako sa pagiging magkaibigan namin.

"Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong lovelife, e. Dumadating na lang ’yan, e.

"At kumbaga, tingnan na lang natin kung makapagbibigay inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career."

Dagdag pa niya, "There are so many things to consider before getting into a new relationship.

"Marami kang kailangang i-consider. Lalo na kapag sa trabaho.

"Mahal ko ang trabaho ko. And iyon ang priority ko.

"Basta ang focus ko muna sa ngayon, trabaho.

"Pagdating sa lovelife, hindi ako nagmamadali.

"Basta masaya ako na may mga taong nandiyan para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN