John Estrada says it’s a baby girl for him and wife Priscilla Meirelles

John Estrada on his first baby with Priscilla Meirelles: "Due na ang panganganak ni Priscilla nitong February. I’m not sure, pero sabi... baka February 11 hanggang March 4 puwede naming i-expect ang paglabas ng baby."


Para kay John Estrada, maganda ang itinakbo ng kanyang hosting career sa telebisyon nitong nakaraang 2011.

Umaasa si John na sana ay magtutuluy-tuloy ito ngayong 2012.

"Iyon naman ang hangad ng bawat artista, na maging maganda ang takbo ng ginagawa nila," aniya sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Kung paghu-host man ito, o pag-arte, siyempre ang hangad lang ng lahat, e, magtuluy-tuloy."

Masaya umano siya sa araw-araw na paghu-host ng noontiume show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey. Para na raw silang isang malaking pamilya ng mga kasamahan niya rito.

BABY COMING. Siyempre pa, excited na rin siya sa paglabas ng baby nila ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.

"Bukod sa trabaho, siyempre kailangan kong pagtuunan ng pansin ’yong magiging panglima kong anak."

Apat ang anak niya sa ex-wife niyang si Janice de Belen na ayon kay John ay masaya raw dahil magkakaroon sila ng bagong kapatid.

"Due na ang panganganak ni Priscilla nitong February. I’m not sure, pero sabi... baka February 11 hanggang March 4 puwede naming i-expect ang paglabas ng baby.

"Baby girl po siya. And... masaya ako siyempre. Masayang-masaya."

May pangalan na sila para sa baby?

"Alam mo... ready na kami lahat. May crib na. Kumpleto na sa gamit pati mga damit.

"Pero pangalan, do’n kami medyo ano... kasi kailangang espesyal.

"Dahil espesyal sa amin [ni Priscilla] ’yong magiging baby namin."

Tungkol sa nalalapit na panganganak ni Priscilla, handang-handa na raw pati ang ospital kung saan ito dadalhin.

"Sa St Luke’s Medical Center.

"Magpapa-3D [scan] kami one of these days. 3D meaning, makikita mo na kung ano ang hitsura ng baby.

"Pero, sabi ng doktor namin, hindi ’yong talagang... hindi pa raw talagang taung-tao.

"Pero, sa pamamagitan nga ng 3D, ’yong features, makikita mo na."

Normal delivery ba, o via cesarean section ang panganganak ni Priscilla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi pa po natin alam. Pero, mas gusto ng asawa ko... may anesthesia talaga."

WEDDING IN BRAZIL? May update ba sa plano nilang pagpapakasal ni Priscilla sa bayan ng kanyang misis na Brazil?

"Plano talaga namin iyon. Kaya lang, nabuntis ang asawa ko kaya... hindi na muna tuloy ’yong kasal namin sa Brazil," bahagyang natawang sabi ng actor-TV host.

"Pero, in the future, tuloy pa rin iyon. Hindi pa rin magbabago ang plano na magpakasal din kami sa Brazil. Yes po."

NEW YEAR, NEW HOPE. Sa pagsisimula ng taong 2012, mero’n na ba siyang New Year’s resolution?

"Ah, ito talaga, pina-practice ko... na kahit sa isang araw, isang bagay na maganda lang [ang magawa] sa isang araw sa bawat tao. Iyon lang ang hinihingi ko.

"Na kahit na may basura tayong nakikita sa tabi, kunin, o pulutin lang natin iyon, isang magandang gesture na iyon ng tao.

"At kapag nagawa nating lahat iyan, aba’y gaganda ang mundo natin.

"Hindi lang ang environment. Let’s say, minsan kung talagang kaskasero ka, e, di siguro sa mga bus drivers, huwag na kayong masyadong humabol ng mga pasahero.

"Isang tao na gumawa ng isang magandang bagay sa isang araw, gaganda ang mundo natin."

Kumusta ang New Year celebration nila ni Priscilla?

"Magkasama lang kami ng asawa ko. Ang mother-in-law ko, galing Brazil, nandito. So, nag-dinner lang, ’tapos sa bahay kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN