Vice Ganda grieves over his grandmother’s death

Vice Ganda posted this tweet: "Ako po at ang buo kong pamilya ay malugod na nagpapasalamat sa inyong pakikidalamhati sa pagpanaw ng aking Mamang. Maraming salamat po."


Maraming kaibigan at kapamilya ang nakiramay at nakidalamhati kay Vice Ganda sa pagkamatay ng kanyang lola.

Pumanaw ang lola ni Vice na si Rosita Borja noong gabi ng December 31, 2011, Sabado, sa edad na 86.

Nag-tweet si Vice sa kanyang official twitter account, @vicegandako, bilang pamamaalam sa kanyang lola, na kung tawagin niya ay "Mamang":

"Bye Mamang. Mahal na mahal kita. Dito ka lang sa puso ko hanggang magkasama tayo ulit."

Kung matatandaan, nag-post din si Vice sa Twitter nito lang nakaraang taon, November 22, Martes, ng updates tungkol sa pagkaka-stroke ng kanyang Mamang.

"Prayer warriors my family needs your support. My Mamang is in ICU. Please pray for her. Please!"

(CLICK HERE to read related article.)

Nang pumanaw na ang kanyang Mamang, nagpahayag ang komedyante ng kanyang kalungkutan sa pamamagitan pa rin ng Twitter noong December 31.

Aniya, "I lost my smile. I’ll just find it again. Dnt know how. Dnt know when. But I will. Soon."

Sinundan niya ito ng isa pang tweet: "I won’t sob. I won’t cry. If u’re not here Im living life without you. I can’t look. I’m so blind. Lost my heart I lost my mind without you."

Via Twitter din na pinasalamatan ni Vice ang mga nakiramay at sumuporta sa kanyang pamilya.

Tweet ni @vicegandako, "Ako po at ang buo kong pamilya ay malugod na nagpapasalamat sa inyong pakikidalamhati sa pagpanaw ng aking Mamang. Maraming salamat po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN