Genelyn Magsaysay on Ramgen Revilla-Janelle Manahan intimate video: "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi."

Genelyn Magsaysay (main photo) on sex video of Ramgen Revilla and Janelle Manahan (inset): "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi. Di namin ilalabas iyon dahil kawawa naman ang anak ko. Patay na ang anak ko, nasisira pa. Gano’n kasakit ang ginagawa ninyo. Kung sino man ang may pasimuno nito, mananagot kayo sa Panginoon."


Itinanggi ni Genelyn Magsaysay na may kinalaman siya at ang kanyang pamilya sa kumakalat ngayong video ng yumao niyang anak na si Ramgen Revilla at ang nobya nitong si Janelle Manahan.

Noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan sa iba’t ibang social networking sites ang naturang video, kung saan makikita ang intimate moments ng magkasintahan.

Nang kumalat ang video na ito, sinabi ng abugado ni Janelle, na si Atty. Argee Guevarra: "This video represents the second assassination of Ramgen and second frustrated murder of Janelle orchestrated and masterminded by the Bautista household."

(CLICK HERE for related article.)

Ang akusasyong ito’y mariing itinanggi ng ina ni Ramgen na si Genelyn.

Ayon sa report nila Ron Gagalac at David Dizon sa ABS-CBN News na lumabas ngayong araw, January 3, sinabi ni Genelyn na kung sakali raw at nakita nila ang naturang video, hindi nila ito isasapubliko.

Aniya, "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi.

"Di namin ilalabas iyon dahil kawawa naman ang anak ko.

"Patay na ang anak ko, nasisira pa.

"Gano’n kasakit ang ginagawa ninyo.

"Kung sino man ang may pasimuno nito, mananagot kayo sa Panginoon."

Dagdag pa ng abugado nila Genelyn na si Atty. Jose Caringal, wala na sa kanyang kliyente ang mga gadgets ni Ramgen, at bagkus ay nasa kamay na ng pulisya.

"Walang gadget na naiwan si Ramgen, kinuha na lahat ng pulis. Itanong ninyo sa mga pulis," saad niya.

THE THREATS. Samantala, nabanggit na noon ng abugado ni Janelle na si Atty. Guevarra na nakakatanggap ng "threats" ang kanyang kliyente.

Bina-blackmail diumano ng isa sa mga kapatid ni Ramgen si Janelle sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Facebook.

Sinabi umano sa naturang mensahe na, "You are not clean, Ate Janelle."

Inamin daw ni Janelle na alam niya ang tungkol sa naturang video, ayon sa kaniyang abugado, at inasahan na nilang gagamitin ito laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan daw, matapos kumalat ng naturang video ay tumindi pa ang mga banta sa kanyang kliyente.

Si Janelle kasi ang pangunahing testigo sa nangyaring pagpaslang sa nobyo niyang si Ramgen.

Sabi ni Atty. Guevarra, "We already knew that there are videos of her and we expected this.

"It was just to get even with Janelle because the Bautista family was deeply hurt when the mother was depicted as schizophrenic."

Ang schizophrenic ay tawag sa mga taong may schizophrenia.

Ang schizophrenia, ayon sa medicinenet.com, ay isang kondisyon kung saan dumadaan ang isang tao sa "psychotic phase," kung saan nahihirapan siyang "malaman kung ano ang totoo sa hindi totoong karanasan."

ANTI-VOYEURISM LAW. Matapos ng mga kontrobersyang ito’y nagparating ng panawagan ang kapatid sa ama ni Ramgen na si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Hiniling niya sa National Bureau of Investigation (NBI) na alamin kung sino ang nagpakalat ng nasabing video dahil nilabag daw nito ang Anti-Voyeurism Law, kung saan co-author siya.

Ayon sa press release na in-email ng kanyang opisina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matinding pagkadismaya raw ang naramdaman ng senador.

Sinabi niya na: "Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko.

"Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao.

"Mas grabe pa ang pambababoy na ginagawa nila kay Janelle.

"Grabe na ang kanyang pinagdaanan, at pilit pa nilang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon."

(CLICK HERE for related article.)

Kaugnay nito, sinabi ng partner ni Atty. Guevarra na si Atty. Luke Espiritu na plano nilang sampahan ng kasyong "violation of the Anti-Voyeurism Act of 2009" ang mga kapatid ni Ramgen.

Paliwanag niya, nasa mga kapatid ni Ramgen ang ilang gadgets nito, tulad ng laptop niya, at wala sa kamay ng mga pulis.

Aniya, "That is absurd. Why will the police spread the sex video? What’s their interest? Why would they sabotage their own case?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are exploring it against the brothers and sisters of Ramgen. They both have opportunity and motive.

"They [Ramgen’s siblings] have opportunity because they still have access to the laptop of Ramgen.

"They have motive because they want to harass Janelle, [give her] mental stress para hindi na tumestigo."

Hihingi din daw sila sa korte ng subpoena para sa mga mahahalagang impormasyon, mula sa telecommunications and Internet networks, na makakatulong upang malaman ang pinagmulan ng naturang video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN