Piolo Pascual to attend son’s graduation in the United States

Piolo Pascual on his son Iñigo: "My son is graduating soon, so he’s coming [home]. But I’m attending his graduation first in the States and, hopefully, spend some time here [with him] after that."


Isa si Piolo Pascual sa inulan ng intriga nuong nagdaang taon.

Partikular na ang naging usap-usapan kaugnay ng hiwalayan nila ni KC Concepcion.

Pero patuloy lang si Piolo sa ginagawa niyang mga proyekto at hindi raw siya natitinag ng anumang intriga o kontrobersiya.

Sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng The Buzz, "I’m thankful for the year that was.

"Of course, I’m looking forward to another year.

"You never dwell on the negative things.

"We live through another year.

"You think positive about everything."

BIG PROJECTS. Ngayong 2012, ibubuhos daw ni Piolo ang kanyang buong atensiyon sa malalaking proyektong gagawin niya.

Una na rito ang pagsasamahan nilang teleserye ni Jericho Rosales sa Kapamilya network, ang Padre de Pamilya.

Sabi pa ni Piolo, "I’m good. I’m concentrating on what we’re doing. It’s gonna be shown soon.

"I’m excited. Madugo ang taping, e. I have to concentrate first sa taping."

MR. PRODUCER. Bukod sa pagiging aktor, magiging abala rin si Piolo ngayong 2012 bilang producer sa kanyang Spring Films.

Ang Spring Films ang nag-produce ng box-office hit na Kimmy Dora, na launching movie ni Eugene Domingo.

Aniya, "There are a few movies in the pipeline, and Kimmy Dora [sequel] is shooting already.

"And we have a movie here in ABS and another movie outside.

"Iniisip pa namin kung ano ang ipa-prioritize namin sa Spring Films because maraming naka-lineup."

MY SON! Pero, kung may mahalaga raw na papel na gagampanan si Piolo ngayong 2012, ito ay ang pagiging ama niya sa kanyang anak na si Iñigo.

Kuwento ni Piolo, "My son is graduating soon, so he’s coming [home].

"But I’m attending his graduation first in the States and, hopefully, spend some time here [with him] after that."

Sa kabila ng mga intriga, marami rin naman daw blessing na natatanggap si Piolo at nagpapasalamat siya sa lahat na sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just thankful for all the support that I’m getting.

"Thank you, thank you sa panibagong taon.

"Let’s look ahead. Maging masaya tayo sa taong ito.

"I guess, it’s an important thing to do...to search inside our hearts, put things in place, and keep the faith.

"Thanks everyone for everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN