PEP EXCLUSIVE: Governor ER Ejercito’s camp mulling return of Direk Tikoy Aguiluz in movie billing

Governor ER Ejercito (left) and director Tikoy Aguiluz had a rift after ER and the producers of Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story re-edited and shot new parts for the film. Direk Tikoy then requested for a Temporary Restraining Order (TRO) from the Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), with the demand that his name be removed from the billing, and that the showing of the film be put on hold.


Humingi ng tawad si Direk Tikoy Aguiluz kay Laguna Governor ER Ejercito.

Ito ang kinumpirma ng tumatayong spokesperson ng gobernador, na si Jobert Sucaldito, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, Enero 4.

Kaugnay ito ng paghingi ng Temporary Restraining Order (TRO) ni Direk Tikoy sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Hindi kasi sinabihan si Direk Tikoy nina ER at ang prodyuser ng pelikula na si Maylin Enriquez ng Scenema Concepts, Inc. na magpapa-reedit at magpapa-shoot sila ng mga dagdag na eksena para pelikula.

(CLICK HERE for related article.)

Sa kabila ng nangyari sa kanila, kinilala pa rin ni ER ang husay ni Tikoy bilang isang direktor.

Ito ay ginawa ni ER sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2011, na ginanap noong Disyembre 28, 2011, sa Resorts World Manila Performing Arts Theater, Pasay City.

Ani ER, "Direk Tikoy worked hard for this film. He labored for nine months, for 40 shooting days.

"You’re one of the best and brightest directors in the country.

"Pasensiya ka na, there were decisions the producers had to make to improve the film."

Nagtamo ng labing-isang karangalan ang Asiong Salonga sa MMFF Awards Night, kabilang na ang Best Picture at Best Director.

Pero imbes na si Tikoy—na ang tunay na pangalan ay Amable Aguiluz VI—ang ginawaran ng pagkilala, ang staff ng Scenama Concepts Inc. na si Darryl dela Cruz ang binanggit na direktor ng pelikula.

DIREK TIKOY’S BILLING. Bukod sa paghingi ng dispensa sa isa’t isa, sinabi rin sa mga report na "nag-compromise" na ng kani-kanilang mga posisyon sina ER at Direk Tikoy.

Kaya raw ibabalik na ang pangalan ng direktor sa posters at print ads ng Asiong Salonga para sa international showing nito.

Gayunman, nilinaw ni Jobert na "nasa talking stage" pa lamang ang gobernador at ang direktor, kasama na rin ang mga prodyuser ng pelikula, kaya wala pang anumang tiyak na desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ng spokesperson ni Governor ER na may nakatakdang hearing para sa TRO na nakuha ni Direk Tikoy para sa Manila Kingpin kahapon, Enero 3.

Nagtungo raw doon ang prodyuser ng pelikula na si Maylin, ngunit ang abugado lamang daw ni Tikoy ang dumalo sa hearing.

Ngayon, inaayos muna nila ang mga isyu sa Asiong Salonga.

At saka na raw nila pag-uusapan kung si Direk Tikoy pa rin ang magdidirek ng El Presidente.

Ang El Presidente ay pagbibidahan ni ER at ng Superstar na si Nora Aunor.

Iginiit din ni Jobert na ang mga prodyuser pa rin ang may "last say" sa pagdedesisyon kung si Direk Tikoy ang tatapos ng pagdidirek ng El Presidente.

Ang Scenema Concepts, Inc. din ang prodyuser ng nasabing pelikula.

Bukas ang PEP.ph na ilathala ang reaksiyon ng mga taong kasangkot sa naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN