Genelyn Magsaysay admits possession of son Ramgen Revilla’s laptop, but claims not to know its password

Genelyn Magsaysay on murdered son Ramgen Revilla’s laptop, which reportedly contains an intimate video of him and girlfriend Janelle Manahan: "Wala po kaming access, wala po kaming alam. Basta ang alam po namin ’yong laptop po na iyon, wala po nakakaalam ng password ni Ramgen. Maaari pong alam ni Janelle ang password. Hindi ko lang po masabi kung talagang alam niya o hindi niya alam. Kasi si Ramgen po, masyado po ’yang mahigpit, very p


Inamin ni Genelyn Magsaysay na nasa kanila ang laptop ng yumaong anak na si Ramgen Revilla.

Taliwas ito sa naunang pahayag ng abugado ni Gail Bautista-Furiyama, na isa pang anak ni Genelyn at kapatid ni Ramgen.

Ayon kay Atty. Jose Caringal, ang abugado ni Gail: "Walang gadget na naiwan si Ramgen, kinuha na lahat ng pulis."

May kinalaman ang mga pahayag na ito sa kumakalat na video ni Ramgen at nobya niyang si Janelle Manahan, kung saan makikita ang kanilang intimate moments sa loob ng isang banyo.

(CLICK HERE for related article.)

Nakapanayam ni Anthony Taberna sina Genelyn at Atty. Caringal sa kanyang segment na "Punto Por Punto" sa ABS-CBN morning show na Umagang Kay Ganda kanina, Enero 4.

Si Genelyn ay na-interview via phone patch, samantalang si Atty. Caringal ay nasa studio ng ABS-CBN.

Sinabi ni Genelyn na tanging ang isang laptop ni Ramgen ang naiwang equipment sa kanila, at ang iba pang gamit ng pinaslang na anak ay hawak na ng pulis.

Saad ng ina ni Ramgen, "Ang telepono po wala sa amin, ang laptop lang po ang nasa amin, at a... Pero naka-lock ’yong laptop namin, naka-lock ’yon.

"Tapos, ano pa ba ’yan...may iba pang kagamitan, digital camera daw po, wala nang memory card.

"Tapos po, ’yong iba pang kagamitan, nasa mga pulis na daw po ngayon—first day po ng pagkamatay ni Ramgen."

Bagamat nasa kanila ang laptop na pagmamay-ari ni Ramgen, iginiit ni Genelyn na hindi nila alam ang password nito.

Wala raw sa kanilang pamilya ang nakakaalam nito.

Hindi rin sigurado si Genelyn kung alam ni Janelle ang password sa nasabing laptop.

"Wala po kaming access, wala po kaming alam," sagot ni Genelyn nang pag-usapan ang tungkol sa laptop ng kanyang panganay na anak.

"Basta ang alam po namin, ’yong laptop po na iyon, wala po nakakaalam ng password ni Ramgen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maaari pong alam ni Janelle ang password. Hindi ko lang po masabi kung talagang alam niya o hindi niya alam.

"Kasi si Ramgen po, masyado po ’yang mahigpit, very private na tao po si Ramgen.

"Ayaw niya pong ipapaalam kahit kanino po kung ano man ’yong para sa kanya, sa sarili niya, gagamitin niya."

NOT FROM THEIR CAMP. Kaugnay nito, nagbigay ng reaksiyon sina Genelyn at si Atty. Caringal tungkol sa bintang ng legal counsel ni Janelle na sina Atty. Argee Guevarra at Atty. Luke Espiritu.

Sinabi ng mga huli na ang pamilya Bautista ang nagpakalat ng video nina Janelle at Ramgen.

Sinabi ng ina ni Ramgen na hindi nila magagawa ang bagay na iyon.

Aniya, "Ang kahihiyan po ng anak kong si Ramgen ay kahihiyan po ng buong pamilya."

Si Atty. Caringal naman, sinabing naghihintay lamang sila na sampahan ng kaso ang kanyang kliyente at mga kaanak nito.

Iba-iba kasi ang abugado para sa bawat kasangkot sa naturang kaso, tulad na lamang nila Genelyn, Ramon Joseph Bautista, Ramona Bautista, at Hiro Furiyama.

"We are ready," pahayag ni Atty. Caringal, na nagsalita para kay Gail.

"Kasi kitang-kita naman na hula lang ito o espekulasyon, wala namang ebidensiya.

"Go ahead, just file case and we will be ready because you do not have any evidence para i-file sa mga kliyente, sa kliyente ko.

"Wala silang ebidensiya except for the bare allegation na sila Genelyn ang may kasalanan niyan, na sila magkakapatid ang may kasalanan niyan.

"Ano lang ’yon, e, bintang lang ’yon, walang matibay na ebidensiya.

"As lawyers, we should know that all our accusations should be based from facts and hard evidences."

Gayunman, aminado si Atty. Caringal na "very damaging" ang kumalat na video na ito kay Janelle, at ganoon din sa pamilya Bautista.

"Ako, I have my sympathy for her," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, naaawa sa kanya, nabaril siya, biktima siya, and now she’s facing up with this sex video.

"In much the same way na kawawa naman ’yong mga kliyente ko dahil pinagbibintangan sila nang walang batayan, walang ebidensiya."

THE MOTIVE. Tahasang sinabi ni Atty. Caringal na naniniwala siyang walang kinalaman si Janelle at gayundin ang pamilya Bautista sa pagpapakalat ng naturang video.

Saad niya, "Janelle has no part on it, and as we have heard now, itong si Genelyn, anak niya ito, e.

"Ginagalang niya ang pagkamatay ng anak niya, ayaw niyang mabuksan pa ’yan, lalo na’t kahihiyan ang dala ng video na ’to.

"So, definitely the family of Gail and Genelyn, wala din silang kinalaman dito.

"Hindi ko tsina-charge ang mga pulis dito, na they’re doing something na ganito.

"As a lawyer, I will suggest, tutal puwede namang imbestigahan ’yan and to find out very specifically kung saan nanggaling ’yang pag-a-upload na ’yan, o pagda-download na ’yan, natse-check natin ’yan."

Sang-ayon naman si Genelyn sa naging pahayag na ito ni Atty. Caringal.

Ani Genelyn, "A, ako po ay naniniwala na kahit papaano naman po’y mayroong konsensiya si Janelle.

"Ako po’y naniniwala na hindi niya magagawa ’yan dahil iyan ay kasiraan."

Ang tanging hiling na lang sa ngayon ni Genelyn: "Sana po talaga ay mapalabas kung sino ang may gawa niyan.

"Iyan po ay kasiraan sa anak ko na namatay na, at dapat respetuhin at bigyang galang natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN