Tyron Perez finally laid to rest; wife Liv Espino skips funeral

Tyron Perez was buried yesterday, January 5, at a cemetery in Concepcion, Tarlac.


Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang aktor na si Tyron Perez kahapon ng umaga, Enero 5, sa Jaika Cemetery sa Concepcion, Tarlac.

Punumpuno ang sementeryo ng mga taong nakiramay at nakipaglibing sa aktor.

Sa mga taga-showbiz, dumalo ang dating kasintahan ni Tyron na si Charee Pineda at ang ka-batch niya sa StarStruck na si Christian Esteban.

THE EX-GIRLFRIEND. Ayon kay Charee, maayos naman ang paghihiwalay nila ni Tyron.

Kahit matagal na silang break, naging magkaibigan pa rin daw sila at parehong close ang kanilang pamilya.

Sabi ni Charee, "Ang pinaka-nakausap ko lang po siya, September [2011], Star Magic Ball."

Parehong Star Magic artists sina Tyron at Charee.

Patuloy ng young actress, "Kinumusta lang niya ako saka yung family ko kasi naging close na siya, e.

"Pero ang pinakahuling kita namin, parang mga two months ago po yata, birthday ng isa sa mga producers [ng ABS-CBN].

"Pero hindi po kami nakapag-usap talaga ng ibang bagay, kumustahan lang."

CO-AVENGER. Naalala naman ni Christian na nagkita sila ni Tyron mga apat na buwan na ang nakararaan.

Nagkaroon daw sila ng dinner, kasama sina Cristine Reyes at Jade Lopez, na parehong kasamahan nila sa StarStruck.

Nag-text pa raw si Christian kay Tyron dalawang linggo bago ito namatay, pero hindi naman daw siya nasagot.

Naging palaisipan din daw sa kanya ang ginawa ng kaibigan, pero ang pakiusap na lang ni Christian ay huwag na lang daw sanang husgahan si Tyron.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay nag-suicide si Tyron.

Saad ni Christian, "Every time I see him, full of smiles si Tyron and that’s what he wants.

"He wants everyone to be happy, ganun si Tyron, e.

"Siguro his problem, he kept inside and ayaw niyang ipakita sa ibang tao.

"Of course he’s a married man, so he’s doing a responsibility, so this is not him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Please don’t judge Tyrone.

"Or judge his sin, but don’t judge his heart.

"Because his heart is compassionate, his heart is kind, and very giving si Tyron.

"And if anyone meet Tyron—Jojo Perez before—they could vouch for me that sobra siyang mabait," mangiyak-ngiyak na pahayag ni Christian.

MISSING WIFE. Kapansin-pansin naman na wala ang asawa ni Tyron na si Liv Espino sa libing.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, dumating si Liv nung Miyerkules, January 4, ng mga alas-onse ng gabi.

Pero umalis din ito ng mga alas-tres ng madaling araw ng Huwebes, January 5.

Pagpasok daw ni Liv sa bahay nina Tyron, hindi na ito lumabas at hindi napaunlakan ang media na gustong mag-interview sa kanya.

May nasagap ding kuwento ang PEP na nagkaroon daw ng konting gulo kaya nagdesisyon si Liv na umalis na lang.

Inaasahang babalik daw ito para sa libing kinabukasan, pero hindi na ito nakarating.

STILL IN DENIAL. Aminado ang buong pamilya ni Tyron na hindi pa rin nila matanggap ang maagang pagkamatay ng aktor, lalo na ang balitang nagpatiwakal ito.

Nandiyan pa rin ang pagdududang pinatay ito.

Gusto raw nilang hanapin ang buong katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Tyron.

Pahayag ng kanyang kapatid na si Jerwin Perez; "Hindi po ako naniniwala na yung kapatid ko nag-suicide.

"Kasi po, ’yan po yung kapatid ko, Pasko po ka-text ko po siya.

"Sabi po sa akin, ’Tol wag kayong mag-alala sa akin, okay lang ako, nagre-relax lang ako.

"Kaya kami hindi kami talagang maniwala na nag-suicide sya.

"Meron po siyang nasabing problema sa pamilya niya, hindi po sila nag-uusap ng asawa niya.

"Tapos dun nga po, nasabi niya sa akin...

"Sabi ko, ’Nasaan ka niyan?’

"’Dito ako sa kaibigan ko.’

"Pero kilala ko yung kaibigan niya, mabait po yun."

Saad pa ni Jerwin, "Gusto ko po sana mahanap ko yung katotohanan na para yung kapatid ko, malaman po namin na talagang kung anong nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ang pananaw ng ama ni Tyron na si Carlito Perez.

Aniya, "Ang masasabi ko sa kanya, yung nangyari sa kanya, hindi ko akalain na siya ang pumatay sa kanyang katawan, siya’ng bumaril.

"Ewan ko kung sinong gumawa sa kanya.

"Pero sa totoo lang, hindi ako naniniwalang siya ang pumatay sa kanya."

Kahit masakit sa mga magulang ng aktor na tanggapin ang lahat na nangyari, taus-puso silang nagpasalamat sa lahat na pakikiramay at tulong mula sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit kay Tyron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN