Details of Shalani Soledad-Roman Romulo wedding on January 22 revealed

Valenzuela City councilor Shalani Soledad and Pasig City congressman Roman Romulo will tie the knot on January 22 at St. Benedict’s Church in Cavite.


Excited na si Valenzuela City councilor at Wil Time Bigtime co-host Shalani Soledad sa nalalapit niyang pagpapakasal kay Pasig City Representative Roman Romulo sa January 22, bisperas ng Chinese New Year.

Ibinahagi ni Shalani at ng kanyang kaanak sa News5 ang ilang detalye ng kasal, gayundin ang wedding preparations na ginagawa nila.

Napanood ito kagabi, Enero 5, sa early primetime news program ng TV5, ang Aksyon.

Ayon sa pinsan ni Shalani na si Councilor Martell Soledad, pina-feng shui pa ng soon-to-be husband and wife kung ano ang pinakasuwerteng araw ng kasal nila.

Sabi ni Martell, "Ang lumabas nga, January 22 yung pinakasuwerte daw para sa kanilang dalawa bilang couple."

Ang St. Benedict’s Church sa Cavite ang napili nina Shalani at Roman na venue ng wedding.

Ang motif ay green at violet, na favorite colors daw ni Roman.

Ang magdidisenyo ng gown ni Shalani ay ang sikat na fashion designer na si Inno Sotto.

Nang matanong nga si Shalani tungkol sa kanyang wedding preparations, matipid naman ang kanyang naging sagot, "Actually, inaayos pa ang lahat."

Simple lang daw ang kasal.

Nailaan na raw kasi nila ang pera sa mga biktima ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.

Kasama sa mga ninong at ninang ang dating boss ni Shalani na sina Senator Ping Lacson, Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Congresswoman Cynthia Villar, at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

THE ANNOUNCEMENT. Matatandaang buwan ng Setyembre noong isang taon nang i-announce nina Shalani at Roman ang kanilang engagement.

Nag-propose si Roman kay Shalani sa Our lady of Fatima Church sa Valenzuela.

Isang diamond ring ang ibinigay ng congressman sa lady councilor.

Heirloom daw ito galing sa ina ni Roman na si Mrs. Rosie Lovely Tecson Romulo.

WILLIE REVILLAME. Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nagtatampo ang Wil Time Bigtime main host na si Willie Revillame dahil hindi siya kinuhang ninong sa kasal nina Shalani at Roman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nakabakasyon pa si Willie, ang Wil Time Bigtime business unit manager na si Jay Montelibano ang sumagot sa isyung ito.

Ayon kay Jay, "Ay, hindi naman. Wala naman akong narinig na ganung concern or issue.

"He’s happy of course for Shalani. We’re all happy for her."

Bago pa naging boyfriend ni Shalani si Roman ay nauna nang na-link ang lady politician-TV host kay Willie nang magsama sila noon sa Willing Willie at ngayon nga ay sa Wil Time Bigtime.

Kahihiwalay lang din noon ni Shalani sa dati niyang nobyo na si Pangulong Noynoy Aquino.

Bagamat nali-link sa isa’t isa ay lagi lang sinasabi ni Shalani na magkaibigan lang sila ni Willie.

Kung anuman ang napapanood ng mga tao na "lambingan" sa kanilang show ay biruan lamang daw ito para sa ikasasaya ng lahat.

Pagkatapos nga ng announcement ng engagement noon ay may pabirong sumbat pa si Willie kay Shalani sa Wil Time Bigtime.

Sabi ng TV host, "Porke mag-aasawa ka na, ginaganyan mo na ako. Binabalewala mo na kami rito.

"Wow...Shalani! Tandaan mo, nung nagdurugo ang puso mo, sino ang sumalo sa ’yo?

"Sino ang tumahi ng sugat sa puso mo? Sino ang naggamot niyan? Sino?

"Ako... di ba? Alam mo kung bakit?

"Iyan ang trabaho ko...gumagamot ng sugat ng puso.

"Ayokong matanggal ang tahi na ’yan sa puso mo at gusto kong maghilom na ’yan panghabambuhay.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot?" tanong pa ni Willie kay Shalani.

May pabirong sagot naman ang konsehala.

Ani Shalani, "Para sa akin...asset and liability ka. Both asset and liability ka."

Patunay nga raw ng hindi pagtatampo ni Willie ay ang pananatili ni Shalani bilang co-host niya sa Wil Time Bigtime kahit matapos ikasal ang konsehala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN