Genelyn Magsaysay asks Janelle Manahan not to involve her minor children in video issue

Genelyn Magsaysay (right) to Janelle Manahan (left): "Janelle, minahal kita, minahal ka namin. Huwag mo kaming gawing ganito. Mahal na mahal ko ang mga anak ko, Janelle. Minahal kita. Please lang, Janelle."


Nakikiusap si Genelyn Magsaysay kay Janelle Manahan na huwag idamay ang kanyang menor de edad na mga anak sa isyu ng umano’y pagkalat ng sex video ni Janelle at ng napaslang na anak ni Genelyn na si Ramgen Revilla.

May mga pahaging daw ang kampo ni Janelle na mga anak ni Genelyn, na sina Ramlyn, Reuben, at Julius, ang diumano’y nag-upload ng intimate video nina Janelle at Ramgen sa Internet.

Ito ang ibinalita ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, Enero 5.

Apela pa ni Genelyn, itigil na ang pagdidiin sa kanyang mga anak bilang mga suspek sa pagpatay kay Ramgen.

Ayon kay Genelyn, "Huwag na nilang isama ang menor de edad kong mga anak. Parang awa n’yo na po.

"Janelle, minahal kita, minahal ka namin. Huwag mo kaming gawing ganito.

"Mahal na mahal ko ang mga anak ko, Janelle.

"Minahal kita. Please lang, Janelle."

STILL HOLDING RAMGEN’S LAPTOP. Ganito na ang pananalita ni Genelyn ngayon matapos niyang aminin sa isang panayam na hawak pa nila ang laptop ni Ramgen, na sinasabing pinanggalingan umano ng sex video.

Taliwas ito sa naunang pahayag ng abugado ni Gail Bautista-Furiyama, isa pang anak ni Genelyn at kapatid ni Ramgen.

Ayon kay Atty. Jose Caringal, ang abugado ni Gail: "Walang gadget na naiwan si Ramgen, kinuha na lahat ng pulis."

Pag-amin kasi ni Genelyn sa panayam ni Anthony Taberna para sa Umagang Kay Ganda noong Enero 4: "Ang laptop po ang nasa amin. Pero naka-lock yung laptop namin."

Giit naman ni Genelyn, kahit daw hawak pa nila ang naturang laptop ay hindi raw nila ito mabuksan dahil hindi nila alam ang password.

(CLICK HERE to read related story.)

TO GET BACK AT JANELLE? Dahil dito, mas tumindi ang paniwala ng kampo ni Janelle na pamilya ni Ramgen ang responsable sa pagpapakalat ng sensitibong video ng magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa laptop daw kasi ni Ramgen nakapaloob ang video, kung kaya’t wala raw makakapag-upload ng video kundi ang mismong pamilya ni Ramgen.

Ayon sa legal counsel ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra, gusto raw kasi ng pamilya Bautista na gantihan ang kanyang kliyente.

Ani Atty. Guevarra, "Nasaktan ang pamilyang Bautista dahil sa mga katotohanang isiniwalat ni Ms. Janelle Manahan.

"Tumirang pikon sila at isiniwalat ang video na ’yan."

FACEBOOK MESSAGES. Samantala, pati raw sa Facebook, matitindi ang mga salitang ibinabato ng pamilya ni Ramgen kay Janelle.

Sa account na nakapangalan sa kapatid ni Ramgen na si Ramlyn, galit na galit ito kay Janelle sa pagsangkot sa kanilang pamilya sa kaso.

Saad ni Ramlyn: "I love Kuya Ramgen. I tried to be kind to you. You know that. And you know me, I don’t like liars. That’s why I’m so pissed at you! Ikaw nga eh, you BRAIN WASHED almost all of the Filipinos. Thinking you’re right and that you love my brother. And if Kuya Ramgen ever end up marrying you, I’d rather kill myself than see him make a mistake."

Bago pa lumabas ang video, nagmensahe rin daw si Reuben kay Janelle na gusto niya itong kausapin.

Ani Reuben: "JANELLE!!! I need to talk to you, as in seriously. I just found out something. I’m here [not] to have a fight with. I’m here para magtanong lang. Kasi may kumakalat na hinde maganda. Nasisiraan ung kuya ko. Sobrang mali na to. Not to have a fight."

At nang ma-upload na ang video, tila mensahe rin ng pangungutya ang ipinihatid ni Ramlyn para kay Janelle: "Belated Merry Christmas and Happy New Year, Ate!"

Pinasaringan naman ni Atty. Guevarra sa kanyang reaksiyon ang FB message ni Ramlyn.

Ayon sa abugado ni Janelle, na nagdagdag na ng konteksto niya: "’Happy New Year and Merry Christmas, Janelle,’ tila ba nanlilibak at nangungutya. ’At eto ang regalo ng aming pamilya sa iyo, yung pagkalat ng sex video n’yo ni Ramgen.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-aaralan ng mga abugado ni Janelle kung magagamit na ebidensiya sa isasampa nilang kaso ang mga mensaheng ito sa Facebook ng magkakapatid na Bautista.

Plano rin ng kampo ni Janelle na isailalim sa forensic examination ang laptop ni Ramgen para mapatunayan na ginamit nga ito sa pag-upload ng video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN