Claudine Barretto admits 2011 was not a good year for her; promises "a better Claudine, a better actress, a better idol" this 2012

"2011 wasn’t my year. Ang daming mga intriga, ang daming pinagdaanan. Although, marami ring magagandang nangyari sa buhay ko, like yung pagbabati namin ng kapatid ko, which is I guess washed out lahat ng masasama," says Claudine Barretto.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine Baretto kahapon, January 5, sa taping ng Tween Hearts.

Nag-guest ang aktres sa naturang youth-oriented show ng GMA-7.

Inamin ng kontrobersiyal na aktres na ang taong 2011 ay hindi naging maganda para sa kanya.

Aniya, "2011 wasn’t such a good year for me.

"Honestly, hindi ako masyadong masaya sa 2011.

"I only had one show for 2011."

Ang fantaserye na Iglot ang tanging nagawang teleserye ni Claudine, at puro guest roles na ang ibang proyekto niya noong isang taon.

Dagdag pa niya, "Siyempre, nakaka-bore din pag hindi ka nagtatrabaho, di ba, and lagi kang nasa bahay?

"Yung ganun, lalo pa’t gustung-gusto ko yung nagtatrabaho ako.

"And I did Iglot, and then short-lived lang, plus fantaserye yun."

Wala pang tatlong buwan tumagal sa ere ang naturang palabas.

Sabi pa ng aktres, "Although I was willing to try something new rin naman, hindi siya kumbaga...

"And 2011 wasn’t my year.

"Ang daming mga intriga, ang daming pinagdaanan.

"Although, marami ring magagandang nangyari sa buhay ko, like yung pagbabati namin ng kapatid ko, which is I guess washed out lahat ng masasama."

Ang nakaalitang kapatid na si Gretchen Barretto ang tinutukoy ni Claudine dito.

POSITIVE IN 2012. Positibo naman si Claudine na magiging maganda ang taong 2012 para sa kanya.

Pero matatapos na ang kontrata niya sa GMA-7 sa susunod na buwan.

Wala pa naman daw negosasyon kung magkakaroon ng renewal o posibleng lilipat ba siya sa ibang istasyon, gaya ng TV5.

Saad ni Claudine, "Kung ako ang tatanungin, gusto ko talaga ng ano...both movies and teleserye na drama talaga.

"Oo, teleseryeng heavy drama talaga.

"Yun ang gusto ko sana.

"And I’m happy kasi ngayon, mas inaayos na itong 2012.

"Mas exciting kasi dalawa na yung managers ko—si Boss Vic [del Rosario], which is Viva Films, and Tita Shirley Kuan pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m excited for this year, I’m excited for what’s in store.

"And I hope and I pray na excited rin yung fans ko, kaibigan ko, sa kung ano ang puwedeng mangyari."

EUROPEAN VACATION. Ayon pa kay Claudine, ngayon ay pinaghahandaan daw nila ni Raymart Santiago ang nakatakda nilang bakasyon sa Europe.

"Pupunta kami ng France, UK, sa London, Italy, ni Raymart itong January.

"Tatapusin ko lang yung ibang mga regional shows for GMA itong January, and then pupunta kami nga dito sa mga places na ito para makapag-spend time kami together.

"Kasi, wala talaga kaming honeymoon talaga.

"Kasi yung honeymoon namin nung 2006, kasama pa namin nun si Sabina.

"Tapos yung next time na nagkaroon kami ng chance na to be together for ten days was in Bangkok last year.

"Yun lang yung only time na nakapag-spend time kami na kaming dalawa lang.

"And naisip namin, we should do this every year, part of yung counselling namin yun, na kailangan talaga naming mag-spend time together.

"And this will be mga sixteen days trip together," kuwento ni Claudine.

Sinundan namin ng tanong na since dalawa lang sila ni Raymart na magbabiyahe, posibleng masundan na ba si Santino?

"Hindi pa," mabilis na sagot ni Claudine.

"Gusto na ng mga anak namin, sobra.

"Pero kasi meron akong parang...siguro mga okey pag mga ilang pelikula meron ako.

"Kasi sa utak ko, na pag nakailang pelikula pa, nakailang soap pa ako, siguro.

"Basta alam ko, siguro in two years, for sure yun," sagot pa nito.

NOT DWELLING ON THE PAST. Iniiwasan na ni Claudine na pag-usapan pa ang mga intriga at gulong pinagdaanan niya nung nakaraang taon.

Ang magandang bagay lang daw na natutunan niya sa mga napagdaanan nung nakaraang taon ay nakilala niya ang mga tunay na kaibigan.

Saad ni Claudine, "Sa mga napagdaanan ko sa 2011, at kung ano man ang natutunan ko at gusto kong i-apply sa 2012, is that I have to choose my friends very well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was a time na meron akong pinagdaanan na wala ang mga kaibigan ko dun na akala ko mga kaibigan.

"Nalaman ko na nandun lang pala sila kapag kailangan nila ako.

"Masakit pala talaga yun. Ganun pala talaga ang buhay.

"At the same time," patuloy niya, "I consider it a blessing kasi ibig sabihin, pruning yun, e.

"Sa Christian, may mga tinatanggal ang Diyos na masakit, dahil meron Siyang gustong i-blossom at mabu-bloom na mas importante at mas maganda."

Ipinapangako niya na ngayong taon, isang bagong Claudine daw ang ating maaasahan.

Ayon sa aktres, "A better Claudine, a better actress, a better idol...just a better person for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN