Rocco Nacino and Kylie Padilla tandem to be tested in new afternoon soap

Natuwa raw si Rocco Nacino (in photo) nang sabihan siya na si Kylie Padilla ang magiging partner niya sa The Good Daughter, isang afternoon soap. Maganda raw kasi ang feedback sa dalawa nang magkasama sila sa isang guesting sa TV show. Bagay daw sila kaya susubukan ang tandem nila sa isang teleserye.


Masayang-masaya si Rocco Nacino dahil nabigyan siya ng bagong ka-partner sa isang bagong afternoon TV series ng GMA-7 ngayong 2012.

Si Kylie Padilla naman ang makakapareha niya sa afternoon series na The Good Daughter.

Natuwa raw si Rocco nang sabihan siya na si Kylie ang magiging partner niya.

Maganda raw kasi ang feedback sa dalawa nang magkasama sila sa isang guesting sa TV show.

Bagay daw sila kaya susubukan ang tandem nila sa The Good Daughter.

"Sobra po akong natuwa kasi nga hindi ko akalain na ang napakagandang si Kylie Padilla ang next na leading lady ko," ngiti pa ni Rocco nang makausap namin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

"Matagal ko nang kilala si Kylie at iniisip ko pa lang na sana balang araw ay makatrabaho ko naman [siya] sa isang TV drama.

"Bigla ba namang nagkatotoo! Kaya salamat kay Lord sa bagong project na ito at salamat sa GMA-7 for pairing me with Kylie."

Tanong din namin kay Rocco kung hindi ba nate-threaten sa kanya ang nababalitang boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica?

Hindi kaya magselos si Aljur dahil siya ang kinuhang leading man ni Kylie imbes na siya?

"Naku, kaibigan natin yang si Aljur. Hindi naman siguro siya mate-threaten or magseselos sa akin. Hindi naman gano’n si Aljur. Alam naman niyang trabaho lang ito.

"At si Aljur pa ang nagsabi na alagaan ko si Kylie kapag nagsimula na kami ng taping. Gano’n siya katiwala sa akin," diin ni Rocco.

Paano naman ang nababalitang girlfriend niyang si Sheena Halili? Hindi ba ito magselos sa anak ni Robin Padilla?

"Kilala ko si Sheena, hindi siya selosa. In fact, natuwa nga siya nang malaman niyang ako ang next partner ni Kylie.

"Very supportive si Sheena at hindi siya insecure na tao," aniya.

Masuwerte si Rocco dahil sunud-sunod ang magagandang projects niya noong nakaraang taon. Nakasama siya sa mga TV shows na Koreana, Time Of My Life at ang GMA News documentary na Pluma: Rizal, Ang Dakilang Manunulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Every Sunday din siya nagpe-perform sa Party Pilipinas.

May ginawa rin siyang indie film para sa Cinemalaya na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa at nakakuha ng magagandang reviews ang performance niya roon bilang isang gay.

Nakasama rin siya sa Metro Manila Film Festival entry na My Househusand... Ikaw Na! bilang kapatid ni Judy Ann Santos.

Sinasabing dinaig pa ni Rocco ang winner ng StarStruck batch nila na si Steven Silva at maging ang first runner-up na si Enzo Pineda. Hindi pa sila nabibigyan ng chance na maging leading men katulad ni Rocco na nakailang beses na.

"Pare-pareho naman kaming nabibigyan ng trabaho nila Steven at Enzo. I don’t feel na mas nakakaangat ako sa kanila.

"Pantay-pantay pa rin po kaming tatlo. Parang mga kapatid ko na ang dalawang ’yan kaya sabay-sabay kaming aasenso.

"We are all doing our jobs right. Nagkakataon lang po siguro na mas bagay sa akin yung mga roles na binibigay sa akin.

"Gusto ko rin mapatunayan na versatile ako. I can do drama, comedy, dance at minsan may action pa sa mga series na ginagawa ko.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos that He’s giving all these blessings sa pagpasok pa lang ng 2012," pagtatapos pa ni Rocco Nacino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN