Gina Alajar prefers to portray women who are not necessarily kind, but who have minds of their own

A priest, a few old folks and her hairdresser are among the people who are "angry" with Gina Alajar’s character, Dian Lamitan, in the epicserye Amaya.

"’Naku, ginalit mo na naman ako kagabi!’ Yung mga ganun, pero alam naman nila na it’s all acting," Gina relates.


May tao na palang nagalit kay Gina Alajar dahil sa kasalbahihan niya bilang si Dian Lamitan sa epicseryeng Amaya.

At ito ay isang pari!

Ayon sa kuwento ni Miss Gina...

"As in meron na talagang tahasang nagsabi sa akin na ’Galit ako sa yo!’

"It’s this pari, it’s this priest during the wedding of Paulo Molina, AD [assistant director] ni Direk Joel [Lamangan], nag-ninang kami.

"So nandun ako sa harap tapos talaga from his homily nag-divert siya ng sinasabi, tapos sinabi niya talaga, ’Ikaw, galit ako sa yo!’

"Nag-uumpisa pa lang [nuon] ang Amaya. Bumaba siya [from the pulpit], ’Ikaw galit ako sa ’yo. Bakit mo pinahihirapan si Amaya?’

"Ganyan-ganyan, ’Lagi akong nanonood at galit na galit ako sa yo!’

"Ganun. Iyon lang naman yung ano," kuwento sa amin ng actress/director tungkol sa epekto ng kontrabida role niya sa naturang epicserye ni Marian Rivera.

Naganap ang aming interview with Miss Gina kahapon sa set ng taping ng Amaya ng GMA-7 sa Marilao, Bulacan.

Sa mga malls naman raw, hindi niya naranasan na may nang-away o nanakit sa kanya dahil sa galit kay Dian Lamitan.

"Thank God naman wala pa namang ganyan, but I was aware of that, I was aware of that so I make sure na when I go out I’m very simple, I wear my eyeglasses, yung ganyan ba.

"Para lang makita nila na... minsan halos wala akong make-up para makita nila na ibang-iba yung itsura ko every night na nakikita nila ako sa television.

"Pero as far as I’m concerned wala naman akong ano, wala namang humablot pa at nagalit.

"Merong ano, merong minsan yung mga old people na ganyan, ’Naku, gigil na gigil ako sa yo!’

"Yung ganun. Pero sasabihin din nila, ang ganda-ganda ng Amaya, yung ganun.

"Ang galit na galit sa akin, yung hairdresser ko, yung pinupuntahan ko na nagbu-blower sa akin, nagkukulay sa akin ng buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galit na galit siya every time na ano... ’Naku, ginalit mo na naman ako kagabi!’

"Yung mga ganun, pero alam naman nila na it’s all acting."

AWARDS. Sa husay nga ni Gina Alajar sa pag-arte ay nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Golden Screen Awards for TV ng Entertainment Press Society o ENPRESS.

May "hang-over" pa ba siya sa nasabing award?

"Medyo matagal ko namang dinala," ang natatawang sinabi ni Miss Gina.

"Siyempre, sa taping di ba, lahat ’Congratulations!’, yung ganyan, kung saan man ako magpunta, yung mga nakakaalam, di ba?

"So matagal-tagal ko siyang nadala, yeah, yung ganun," at muling tumawa ang aktres.

Bago ang naturang award ay nanalo rin si Miss Gina sa ENPRESS...

"I think by ENPRESS also but it was a lifetime achievement award, yung Lino Brocka, I think that was the last one."

"Nae-excite pa ba siya sa mga awards at recognition sa kanyang kahusayan sa pag-arte?

"You know I think hindi naman mawawala yun, especially when you win in a project that you like, yung ganun, yung talagang alam mo yung proyekto, pinaghihirapan mo.

"Tapos parang ano, parang yung ma-recognize yung effort mo at yung trabahong binigay mo dun sa work na yun, yung ganun.

"Tapos na-recognize ng mga tao, iyon masarap yun, masarap yung feeling.

"Kaya salamat, ENPRESS, salamat talaga!"

Sa next project ba niya ay hiniling niya na maging mabait naman ang kanyang character?

Sa next project niya kasi for GMA, ang Hiram Na Puso nina Kris Bernal at Mark Herras ay mabait ang kanyang papel, malayo sa nakakasuklam na si Dian Lamitan.

"Parang ganun, hindi ko pa alam masyado yung twist ng istorya pero ano siya, mother siya ni Kris na gagawin ang lahat para mabuhay yung anak niya, yung ganun. But eventually, may mga twists and turns."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na magiging salbahe rin siya?

"Not necessarily contravida but may mga decisions yung character that may be good for her pero hindi acceptable sa ibang tao, that makes her a contravida.

"Pero para sa kanya, di ba?"

Sa tanong kung alin ang mas gusto niya, mabait siya o salbahe onscreen...

"Ngayon mas challenging sa akin yung medyo may dating na hindi siya mabait, yung may sarili siyang pag-iisip, yung meron siyang drive, yung meron siyang push na character.

"Kasi very typical din yung mga nanay roles na nakikita, di ba?

"Pag mahirap ka dapat ikaw yung nanay ng bida, dapat mabait ka, yung ganun, mabait ka, parang hindi ka na nakakalaban, parang lagi kang api, di ba?

"Iyon yung typical, pero sa totoong buhay hindi naman ganun, di ba?

"You can be mabait pero lumalaban ka, yung mga ganun."

ON MARIAN RIVERA. Sa tagal ng pagsasama nila ni Marian sa Amaya, ang pagkakakilala ni Miss Gina sa aktres ngayon...

"Bilang Amaya she’s doing very, very well!

"When I get to see and watch her, I don’t think there is or there are any other actresses that could play the role with zest. Alam mo yun?

"Because when you see her, naiintindihan niya e, naiintindihan niya kung ano yung responsibilidad ni Amaya, her character, so pag pinapanood mo siya parang you get to think sino pa kaya ito?

"Sino pa kaya ang puwedeng gumanap nito?"

At wala na raw maisip si Miss Gina na ibang aktres na puwedeng gumanap bilang Amaya na tulad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN