Mark Herras’s father and uncle have taken ill

Mark Herras revealed on Startalk TX Saturday that his Tito Hermie Santos will undergo a bypass surgery, while his father, Jun Herras, has an enlarged heart and would need a checkup.


Base sa report ng Startalk TX kahapon, January 7, Sabado, inamin ng young Kapuso male star na si Mark Herras na may pinagdadaanang pagsubok ngayon ang kanyang pamilya.

Ayon pa rin sa report ng nabanggit na showbiz-oriented talk show, parehong may iniindang karamdaman ang kanyang Tito Hermie Santos at ang kanyang amang si Jun Herras.

Ayon kay Mark sa taped interview sa kanya ng Startalk TX...

"My tito, mag-a-undergo siya sa, I mean, like... magkakaroon siya ng dalawang operations. Yung isa po bypass, yung isa po yung dalawang ugat niya po sa leeg hindi na po dinadaluyan ng dugo, so iyon po.

"So bale surgery po sa leeg, and then yung bypass," pahayag ni Mark.

Sa January 20 daw posibleng isagawa ang mga nasabing operasyon.

Samantala, hindi rin umano mabuti ang kalusugan ng kanyang Daddy Jun, at ayon pa rin kay Mark...

"Parang lumulobo daw po ang heart niya, parang ganun. So ipapa-checkup ko din po si dad."

Hindi maiiwasan na maapektuhan si Mark ng mga pangyayari, pero nagpapakatatag ang binatang aktor.

Ayon pa kay Mark...

"Siyempre gusto ko lahat sa family ko... bottomline yung kalusugan.

"Kung anuman ang meron ngayon, alam ko, malalagpasan po namin iyon, at alam naman nila na hindi ko sila papabayaan kahit ano ang mangyari," seryoso pang sinabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN