KC Concepcion leaves The Buzz; excited to host X Factor

KC Concepcion on cutting her hair: "I wasn’t there for my hair. I was there for my nails. Bigla akong nagtanong, ’Can you do the hair?’"


Lilisanin na ni KC Concepcion ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Ito ay matapos ang halos dalawang taon niyang pamamalagi sa programa. Nagsimula si KC noong April 11, 2010.

Bago ito ay ilang linggo ring hindi napanood si KC sa The Buzz, sa gitna ng kontrobersiya sa breakup nila ni Piolo Pascual.

Pero kahapon, January 8, ay bumalik si KC sa naturang programa upang magpaalam.

Ipinakilala rin siya bilang host ng X Factor Philippines.

Si Boy Abunda ang nag-interview kay KC bilang isang guest.

Bungad ng actress-TV host, "I feel at home. Siyempre, itong The Buzz, palagi siyang magiging at home sa akin.

"Kanina pumapasok ako, naghahanap ako ng lapel.

"Sabi ko, ’Wala na pala akong lapel, kasi guest na pala ako, Tito Boy.’

"In fairness, sa two years na yun, na-miss ko rin palang maging guest dito, ha!" natatawa niyang sabi.

THANK YOU, KC! Nagpasalamat naman si Boy kay KC in behalf of The Buzz family sa pagiging bahagi nito sa show.

Ang naging tugon ni KC: "Thank you. This is really where I learned.

"Ito yung show talaga na kung saan, naging ano rin ako...sasabihin ko sana military [training], pero hindi naman yun ang right term.

"Parang dito ako tinuruan. Dito ako natuto. Dito ako nagka-experience.

"Even if two years is just a short time, it’s quite something to be seen regularly every Sunday.

"Pero, talagang yung pagharap ko sa mga tao, pagpapakilala ko sa mga tao, pagkakilala ko rin sa mga naging guests—ito yung first time na talagang nilusob ko yung bawat istorya at bawat isang guest na ininterbyu natin dito.

"And na-experience ko rin na makatrabaho si Tita Kris [Aquino].

"And as usual, may mga changes. Dumating sina Toni [Gonzaga], dumating sina Charlene [Gonzalez].

"Isang pagbabago na naman yun.

"At lahat yun, parang naging parte ng experience ko dito sa The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat yun, dadalhin ko anywhere I go."

Ano ang unforgettable experiences niya na nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak in the last two years na siya ay nasa The Buzz?

"Well, isang beses kasi, Tito Boy, yung nakakatawa siguro, yung pinaka-kalog, yung time na naging apat na tayo, Tito Boy.

"Di ba, before, si Tita Kris, ako, ikaw.

"And then, noong naging Charlene, Toni, ako, ikaw, may mga times na ang gulu-gulo talaga natin.

"Ang gulo-gulo talaga natin minsan na may mga nagtu-tweet na.

"May mga nagtu-tweet na mga fans or may mga nagtu-tweet na mga artista na parang, siyempre, maraming puwedeng sabihin sa isang topic.

"Merong times na, siyempre, tuluy-tuloy, parang normal conversation.

"Kapag magkasama kayo ng mga kaibigan ninyo, yun ang mami-miss ko siguro talaga."

HER NEW HAIRCUT. Hindi pinalampas ni Boy na maitanong kay KC ang tungkol sa kanyang pagpapagupit ng buhok.

Sa tinagal-tagal kasi ng panahon na mahaba ang buhok ni KC ay nagdesisyon ang dalaga na bigla itong ipaputol.

Sinasabi kasing kapag may nagbabago sa style ng buhok ng isang babae ay may pinagdadaanan ito sa buhay.

Ayon naman kay KC, "No.

"Sabi nila, kapag nagpagupit daw kayo ng buhok ng ganyang kahaba or ganyan ka-drastic, kailangan talaga, ready kayong gawin yun.

"At talagang hindi ninyo na pinag-isipan.

"I mean, kasi kapag ’yan, pinag-isipan ninyong ginawa, you can regret it.

"Malulungkot ka, mami-miss mo yung buhok ninyo.

"But, ang tawag ko nga diyan, feelings.

"Ang tawag sa pagpapagupit ng buhok, emotion!" natatawa niyang sabi.

Pero bakit?

"Sabi nila, kapag ang babae raw may pinagdaanan—ke maganda or hindi, basta life-changing—ang unang pinapapalitan ay ang buhok," sabi ni KC.

Ano ang moment na yun na nag-decide siyang magpaikli ng buhok?

Sagot ni KC, "I wasn’t there for my hair. I was there for my nails.

"Bigla akong nagtanong, ’Can you do the hair?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

START ANEW! May kinalaman ba ito sa new management ng kanyang career (Viva Entertainment, Inc.), new show (X Factor), sexier...ano ito?

"Maybe," sambit ni KC.

"I’m just excited for the changes that are happenning.

"May X Factor...marami. Maraming mangyayari.

"Sexiness? I don’t know. Depende ’yan kung gaano ko puwedeng magpapapayat.

"Siyempre, kung pipikit naman kayo, ayoko nang gawin yun [pagpapaseksi], di ba?

"Siyempre, depende rin kung gaano ako papayat at kung gaano ka-sexy."

Handa na ba siya sa mga pagbabagong ito?

"Yes," mabilis na tugon ng dalaga.

PEP QUESTION: Ang hindi nga lamang naitanong kay KC ng The Buzz ay kung paano maaapektuhan ng kanyang pagpapagupit ng buhok ang kanyang mga endorsements.

Ang alam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay may mga kontrata pa si KC para sa shampoo o hair care hanggang 2013.

Sa mga ganitong produkto, malimit ay kelangang mahaba ang buhok ng endorser. Sa kaso nga ni KC, panay payagpag ng kanyang long hair sa mga advertisements niya ng hair-care products.

HOLIDAYS WITH THE FAMILY. Noong holidays naman, nakasama ni KC ang kanyang pamilya for a grand vacation.

Banggit niya, "We went to Japan. We went to Hong Kong.

"It was a bonding moment."

Mero’n ba siyang mga bagong discovery sa kanyang pamilya?

Nakangiting sabi naman niya, "Wala.

"Kailangan mo talagang samahan ang pamilya mo. Kahit ano, pamilya talaga yun.

"Hindi perfect. Hindi laging masaya lahat.

"May tension lalo na kapag Pasko, pero at the same time, hindi nag-iiwanan."

NEW ME. Kahapon din sa ASAP 2012, napanood daw ni Boy nang kantahin ni KC ang single nito na "Di Bale Na Lang."

Saad naman ni KC tungkol dito, "I get so emotional kapag marami akong pinagdadaanan and nandito kayo.

"But I just want to say, yung album ko, came out last year or two years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami nang nangyari since my album.

"But ang dami rin sumuporta since dumating ako dito.

"And I’d like to thank you all for being there.

"With every single, with every experience, tinatanggap ninyo ako at ngayon ko nakita yun."

Dugtong pa niya, "May mga times talaga, Tito Boy, na feeling ko, parang, ’Mahal pa ba ako ng tao ngayong umuwi na ako from Paris?’

"Na wala na yung parang Parisiana na Kristina or Parisiana na KC na nakilala nila in their eyes.

"Pero, hindi yun mawawala. Kung sino yung estudyanteng yun, yun pa rin ako.

"And mas marami lang akong pinagdadaanan ngayon, pero kasama ko pa rin kayo at ngayon ko talaga nakikita yun."

Kumusta naman ang lagay ng puso niya ngayon?

"Eto, kinakabahan. Farewell na pala talaga ’to.

"But, okay, okay na po," sabi niya.

Yung sinasabi niyang may pinagdadaanan siya, kumusta naman ang estado ng kanyang buhay ngayon?

"Okay, Tito Boy, I’m very excited for 2012.

"I’m really excited for the new me.

"Sa lahat ng pinagdaanan natin, laging may bagong leaf.

"Bagong chapter na talagang tine-turn over.

"At lahat, naniniwala akong talaga, may dahilan," saad niya.

Ano ang gustong sabihin ni KC sa sarili niya?

"That you should never allow anyone to step on you."

Dugtong pa niya, "You should not let anyone think less of you.

"And that, bilang babae, mero’n kang strength na hindi mo alam.

"Or, hindi mo malalaman agad-agad na mero’n ka. Pero mero’n ka no’n at huwag mong bibitawan."

TEARS OF JOY. Napaluha si KC sa puntong ito.

Pero ayon sa kanya, "These are tears of joy. Masayang-masaya po ako na, fulfillment po ito.

"Isang malaking experience sa akin na nagkaroon ako ng two years sa The Buzz.

"Mero’n akong nakitang panibagong nakita sa mga supporters at sa mga viewers, hindi lang ng The Buzz kung hindi ng buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na talagang ngayon ko lang nararamdaman na mahal ninyo pala ako. Na talagang nandiyan pa rin pala kayo.

"Na kahit na anong project na i-try ko rito, nandiyan kayo, willing kayo na panoorin.

"Willing kayong i-accept kung alam ninyong ito, sinusubukan ko pa lang ngayon.

"Alam ko na kasama ko kayo hanggang doon sa time na, alam ninyo yun... kilalang-kilala ninyo na kung sino ako.

"At kayo na mismo ang makakapagsabi kung sino ako at ano ang pinaninindigan ko.

"Nakakatuwa lang talaga, Tito Boy, may time na inisip ko na wala na talaga, hindi na nila ako mahal."

MY NEW SHOW! Sa huli, sinabi rin ni KC how excited she is sa kanyang bagong show na X Factor.

Aniya, "I’m so excited for X Factor. This is the biggest show in the U.K.

"It was a really big show in the U.S. at napakalaking bagay na ibinigay sa akin ang X Factor talaga.

"At, hay naku, yung mga makakasama ko do’n, hindi pa namin puwedeng sabihin sa inyo.

"Pero yung mga makakasama ko do’n, first time kong makakasama.

"First time nating makakasama sa telebisyon.

"Isa na naman itong singing competition na talaga namang tagisan ng galing.

"At ito ay isang nationwide [search]. Maghahanap kami ng mga contestants from Bacolod, Cebu, Davao...

"Hay, naku, buong Pilipinas talaga lilibutin namin at ipapakita ang mga nag-o-audition.

"Sa umpisa pa lang, kasama na kayo sa show. I’m x-cited and I’m x-tremely excited," pakuwela pa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN