Nora Aunor returns to the U.S. for her throat operation

Superstar Nora Aunor and special friend John Rendez both wore masks when they arrived at the airport yesterday, January 8. Nora flew back to the United States for her scheduled throat operation.


Nakaalis na ang Superstar na si Nora Aunor papuntang Amerika.

Kagabi, January 8, bandang 8:30 p.m., ang flight ni Nora via Philippine Airlines (PAL) PR 112 patungong Los Angeles, California.

Mula roon ay tutungong Boston, Massachusetts si Ate Guy para sa nai-reschedule niyang throat operation sa isang hospital doon.

Matatandaang January 5 ang unang flight schedule ni Nora, pero kailangang i-postpone ’yon dahil sa ilang travel papers na kailangan pang maisaayos.

Kahapon, ganap na ika-5:30, dumating sa NAIA Terminal 2 si Nora kasama ang kaibigan niyang si John Rendez.

Kasamang naghatid ng dalawa sina Boy Palma (Nora’s personal manager) at Albert Sunga (ang coordinator ng mga fans groups ng singer-aktres).

As early as 4 p.m. ay nasa NAIA naman ang ilang opisyales ng Nora fans groups (GANAP at Solid Noranians) para magpaalam sa kanilang idolong aktres.

Hindi inaasahan ni Ate Guy na mayroong fans na maghahatid sa kanya sa airport dahil masama pa rin ang panahon.

Nasa airport din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ang ilang staff at crew ng Aksyon News team ng TV5 at TV Patrol ng ABS-CBN.

Bago pumasok sa Departure Area ng NAIA Terminal 2 ay nakausap ng PEP at ng media representatives si Ate Guy.

Para sa hindi pa nakabatid ng sanhi ng pagpuntang Amerika ni Nora ay muling binanggit ng Superstar ang kanyang pakay doon.

Aniya, "May schedule ako para sa operasyon kaya kailangan kong bumalik sa Amerika. Siguro, mga isang buwan lang."

Ayon naman kay Boy, "January 10 na ang scheduled operation ni Guy, kasi nga na-move ang pag-alis niya.

"Agad namang ni-reschedule ng kausap niyang doktor ang operation niya."

The name of the hospital remains undisclosed.

Habang nag-i-interview ang media at pinagkakaguluhan ng mga naroong fans si Ate Guy, nanatiling nakasuot ng mask sina Nora at John.

May karamdaman ang Superstar sa panahon ng pagbibiyahe niya sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mask, ayon kay Boy, ay upang maiwasang makasagap pa ng mikrobyo si Ate Guy sa maselang sitwasyon ng kalusugan ngayon.

Nagsimula ito matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon nang muling dinapuan ng matinding ubo ang aktres na natuloy sa trangkaso.

Noong January 3 ay inatake rin ng asthma o hika si Ate Guy kaya hindi natuloy ang naitakdang pagge-guest sana niya sa programang Moments ng Net 25 hosted by Gladys Reyes.

HOPEFUL. Hindi man mabuti ang nararamdaman nang umalis ay nakipag-usap pa rin si Nora sa ilang taga-media, at magiliw na nagpaalam sa mga naroong tagahanga.

Bahagya rin niyang inilililis ang mask na nakatakip sa kanyang bibig sa ilang punto ng pagsasalita.

Maririnig bang muli ng mga tagahanga niya ang kanyang magandang tinig sa kanyang pagbabalik?

"Sana, sana... Ipag-pray na lang po natin," maikling sabi ni Nora.

At sa kanyang fans na nag-express ng pagsuporta at pagmamahal, sabi ni Guy: "Mahal ko kayong lahat!"

UPCOMING PROJECTS. Naitanong din kay Nora ang tungkol sa mga pinaplanong projects para sa kanya ng TV5 (teleserye) at Studio 5 (pelikula).

O kung ano man ang tiyak na gagawin ang aktres pagbalik niya sa bansa.

"A, wala pa. Mga plano pa lang," sabi ng Superstar.

Tungkol sa El Presidente, ang historical movie opposite Governor ER Ejercito na sinimulang gawin Direk Tikoy Aguiluz noong Agosto, 2011, sabi ni Nora, "Tapos na ako doon. Pero sabi nila, mayroon pa yata akong isang araw na [shooting]."

Iyon ang ni-request ni Direk Tikoy kay Ate Guy bago nangyari ang mga kontrobersiya sa pagitan ng direktor at Scenema Concepts Inc., na siya ring nag-produce ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Itinanong din kay Ate Guy ang paggawa niya ng sunud-sunod na projects sa telebisyon at pelikula sa kanyang pagbabalik.

"Siguro naman... siguro naman..." tanging sambit ni Nora.

Dagdag naman ni Boy, "Ang daming projects na naka-lineup, pero ang priority, siyempre yung movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about the planned documentary film and indie movie with Direk Brillante Mendoza?

Ani Boy, "Gusto ni Guy [gawin], pero alam din ni Direk Brillante na kailangan muna ng approval ng TV5."

Magsusumite na raw ng formal proposal at project synopsis ang Cannes-winning director sa TV5.

MESSAGE FOR HER FANS. Paulit-ulit ang pagsasabi ng "We love you, Ate Guy!" ng fans na naghatid sa kanilang idolo sa pansamantala nitong pagbabalik sa Amerika.

Tila wala namang pagsidlan ang katuwaan sa puso ni Nora nang makita ang tagpong iyon, na mainit ang pagtanggap sa kanya at magiliw ang mga salitang binabanggit.

Aniya, "Ay, naku, mahal na mahal ko ang mga fans!

"Dahil sila, hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago.

"Ingat po kayong lahat!" sabi ni Nora, as she waved goodbye to them bago pumasok sa airport.

ISSUE WITH GLADYS REYES AND MOMENTS. Nasa Departure Area ng NAIA si Nora nang ungkatin ng PEP kay Boy ang naging issue tungkol sa hindi natuloy na guesting ng Superstar sa celebrity talk show na Moments ng Net 25.

Ang premyadong actress/TV host na si Gladys Reyes ang nakatakda sanang mag-interview kay Nora.

Nai-schedule ang guesting ni Ate Guy noong January 3. At the last minute, balitang nakansela ’yon.

May issue o "intrigang" inisnab ni Nora ang natanguang guesting.

Worse, hindi raw nagpa-abiso ang kampo ni Nora sa mga taga-Moments, na hindi ikinatuwa ni Gladys at ng mga staff niya.

Pero paglilinaw ni Boy, "Ay, wala na ’yon...nag-usap na sila."

Diin pa Boy, hindi maaaring magkaroon ng "miscommunication" sa pagitan ni Nora at ng Moments host and staff dahil maaga niyang naiparating ang hindi matutuloy na pagge-guest ng mina-manage niyang aktres sa show ni Gladys.

Masama raw kasi talaga ang pakiramdam ng Superstar.

Ayon kay Boy, "Kasi, ayaw na talagang bumaba ng lagnat at ayaw tumigil ng ubo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, at 4 o’clock, tumawag na ako [sa Moments].

"I also tried to look into the possibility, pero hindi talaga niya kaya.

"Pangit naman kung nag-uubo siya habang kinakausap sa show.

"Kaya sabi ko, ’Guy, I really have to cancel this.’

"Ayaw ko ring maospital uli siya, pag idiniretso pa ang guesting."

Dalawang beses naospital noong nakaraang taon si Ate Guy sanhi ng bronchitis at asthma, matapos ang pagbabalik nito sa bansa noong Agosto 2, 2011.

Babawi na lang daw sila kay Gladys pagbalik ni Nora sa Pilipinas.

MATET HAD A BREAKDOWN. May ilang obserbasyon at anekdota naman si Albert Sunga hinggil sa pag-alis ni Nora kahapon.

Si Albert ang malaon nang naatasang makipag-coordinate sa mga grupo ng Noranians sa buong bansa at maging sa mga Pilipinong nasa abroad.

Nagpunta si Albert sa condo unit ni Ate Guy sa Eastwood City kahapon ng tanghali.

Ayon sa kanya, "Malungkot si Ate Guy sa pag-alis niya. Inaalala niya kasi ang mga bata..."

Ang tinutukoy ni Albert ay ang mga anak ni Nora na si Ian (her biological son with former husband Christopher de Leon), at ang adopted children nitong sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Banggit pa niya, "Nandoon si Matet, Mickey [Estrada, Matet’s husband], si Kenneth.

"Wala si Ian at Lotlot, pero nagkausap naman yata sila at si Ate Guy."

Sinabi rin ni Albret kung bakit tila tahimik ang Superstar kahapon.

"For five months, nasanay na uli yung katawan niya dito sa Pilipinas o sa klase ng buhay natin, di ba?

"So, lunch-lunch doon [sa condo]

"Nung paalis na [si Nora], bigla na lang bumigay si Matet!

"Umiyak na si Matet! As in, hagulgol talaga!

"Sabi ni Ate Guy, ’O, huwag nang [umiyak]... babalik naman ako, e.’"

Dagdag pa ni Albert, "Fresh pa kasi sa memory ng bagets yung nangyari noong 2004, na sinabi ni Nora na sandali lang siyang pupuntang States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it took her, what? Almost eight years to return.

"May experience kasi ang mga bata sa pag-alis ng mommy nila."

CONTINUED SUPPORT. Pero ayon naman kay Boy, "Pero ngayon, hindi na puwede [magtagal si Nora]...

"Iba na rin ang sitwasyon, kasi may kontrata si Guy sa TV5."

Dagdag niya, "Gusto ko, when Guy comes back, yung talagang completely healed.

"Anyway, pinag-aaralan pa naman niya ang mga gagawin.

"Sabi ko sa kanya, ’Hanggang hindi mo kaya [wag ka munang babalik].

"’If you feel you’re okay na to do a movie, that’s the time na bumalik ka.

"’Kasi baka mabigla ka sa sitwasyon mo.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN