Kris Aquino wants to focus on drama this year: "I’ve grown up and I’ve also experienced so much in life na ngayon, I’m credible sa drama."

Kris Aquino on box-office success of Segunda Mano: "Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nanood. Sa lahat ng tumangkilik sa amin. At sa lahat ng mga natakot. And most especially, nagpapasalamat ako sa mga umulit. Kasi yung repeat viewing talaga ang bonggang-bongga. Thank you, thank you!"


Muling nagbalik si Kris Aquino sa Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, January 8.

Kadarating lang ni Kris mula sa bakasyon niya sa New York, kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby at mga kaibigang sina John "Sweet" Lapus at Liz Uy.

Sa kanyang interview segment ay may ipinakitang video kung saan binalikan ang kanyang tagumpay bilang TV host, actress, at product endorser.

Pero sa huli raw ay "empty" pa ring masasabi ang kanyang buhay dahil sa pag-ibig.

Kaya naman sa live interview sa kanya ni Boy Abunda ay binuweltahan ni Kris ang staff ng programa sa tonong nagbibiro:

"Alam mo, may over-writing ang The Buzz.

"Parang kailangan n’yo talagang ipamukha at iparamdam sa akin na ’Hoy, loveless ka!’

"Oo, ewan ko sa inyo!

"Ang bait ko naman sa inyo, ang generous ko sa inyo.

"Bakit ganyan? Why?"

Sagot naman ni Boy, "Karinyo-brutal. Ganoon lang yun. That’s the best way to spread love."

Sagot ni Kris dito, "Paano ninyong na-express ang love sa akin?

"Parang ipinamukha ninyo sa akin na, ’Hoy, ang daming na-link sa ’yo, pero ni isa riyan, hindi totoo!’"

SEGUNDA MANO. Pagkatapos nito ay nagpasalamat si Kris sa mga sumumporta sa pelikula nila ni Dingdong Dantes, ang Segunda Mano.

Pumangalawa ang pelikulang ito sa talkilya sa pitong kalahok sa Metro Manila Film Festival this year.

Ayon kay Kris, "Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nanood. Sa lahat ng tumangkilik sa amin.

"At sa lahat ng mga natakot. And most especially, nagpapasalamat ako sa mga umulit.

"Kasi yung repeat viewing talaga ang bonggang-bongga.

"Thank you, thank you!"

BACK TO DRAMA. Ngayong taong ito, drama naman daw ang gagawin ni Kris.

Sabi niya, "Kasi, if you chase my career, 21 years ago, noong ni-launch ang first movie ko, ang ibinigay sa aking material was a comedy. Di ba, si Pido Dida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At that precise moment, it was all box-office record.

"And noong magbalik ako sa moviemaking noong 2004 bilang bida, ang genre na ibinigay naman sa akin ay horror [Feng Shui].

"And thank God, nagsunud-sunod ang success no’n.

"And siguro, na-acknowledge ng Star Cinema that I’ve grown up and I’ve also experienced so much in life na ngayon, I’m credible sa drama."

Ngayon daw na gagawa na siya ng drama, marami na rin siyang baon dahil sa mga pinagdaanan sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN